"Nasaan si Chia?" Tanong ko ng makapasok kaming dalawa sa loob ng sasakyan.
Akala ko ay narito lang ang babaeng yun sa loob ng kotse ngunit ng pumasok ako ay hindi ko siya nakita.
"Nandun pa rin sa grocery store, dumating kasi si Kurk kaya iniwan ko na siya.." Sabi nito bago inistart ang kotse niya.
"Iniwan mo? Bakit mo ginawa yun.. E diba ikaw ang kasama niyang pumunta don?"
"Sabi ko naman kasi sayo.. Ayokong maiwang mag-isa kasama ng dalawang yun. Maa-out of place lang ako sa kanila."
Sabagay, mahirap nga naman maging sabit. Baka nagmomoment yung dalawang magjowa tapos may 'GREY CHAVES' na eeksena.
Hindi nga naman maganda yon.
"Next time kasi isama mo na yung girlfriend mo.. Para hindi ka na maging third wheel sa dalawa." Suggestion ko sa kanya.
"Isasama ko si Girlfriend? So isasama kita?"
Ako?
"Bakit ako?"
"Kasi girlfriend kita.."
"HOY KAILAN PA?!"
"Ngayon lang."
"GINAGAGO MO BA KO, GREY CHAVES?"
"Hindi."
"BWISIT KA!"
"THANK YOU. HAHAHAHA!"
Bwisit. Bwisit! Urgh!
Gago talaga to! Nakakainis.
Tawa siya ng tawa na parang tanga habang ako ay narito at inis na inis na sa kanya. Kung hindi niya pa siguro nakita ang masamang tingin ko sa kanya..
Hindi pa siya titigil.
"But seriously.. May mga tao talagang dapat iwan kung saan sila sasaya."
Huh? Ang lalim ng hugot nito, di ko gets.
"Parang si Chia.. Iniwan ko siya kay Kurk kasi alam kong mas masaya siya kay Kurk." dugtong pa nito.
Oh my God! Dont tell me! May gusto siya sa girlfriend ng kaibigan niya kaya humuhugot siya ng ganyan?
Hala!
"Hoy! Wala, ah! Di ko gusto si Chia! I mean.. Gusto ko siya pero hanggang kaibigan lang! Hanggang dun lang yon. Masaya ako para sa kanila ni Kurk." Sabi nito na parang narinig ang mga hinala na sinasabi ng isip ko.
"Tss. Defensive masyado. Iliko mo na lang jan sa kanto." Sabi ko bago itinuro ang huling kanto patungo sa bahay.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na namin ang maliit at simpleng bahay na meron ako.
"Dyan ka nakatira?" Tanong niya.
Tumango naman ako.
"Ang liit no?"
"Yeah. Kinda. Pero tingin ko ikaw lang siguro mag-isang nakatira diyan. At kung tama nga ako. Sapat lang naman yung ganyang kaliit na bahay para sa isang tao. Kaya okay lang.." Saad niya habang sinisipat ng maigi ang bahay na tinitirhan ko.
"Tama ka. Ako lang mag-isa dyan."
"Whoah! Ang galing ko! Hahaha! Pero nasaan ang parents mo? Mga kapatid mo?" Nakangiting tanong niya.
Ngunit ang ngiting iyon ay biglang nawala ng marinig niya ang sagot ko sa tanong niya.
"Wala akong kapatid. Only child lang ako at namatay si Mama nung ipinanganak ako. Si Papa naman sumunod na kay Mama.. Eight months ago.."
"Oww. Im sorry.. Hindi ko alam--"
"No it's okay. Matagal na naman yon. Anyway, salamat sa paghatid!"
Bumaba na ko ng kotse niya at binuksan agad ang gate. Papasok na sana ako sa bahay ng bigla akong may maalala.
Mabilis akong bumalik papalapit sa kotse niya. Dumungaw ako sa bintana para makita ang mukha niya.
"Huwag ka muna pala umalis. Hintayin mo ko dito. May ibibigay ako sayo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng bahay ko. Derecho pumunta sa kwarto para kumuha ng pera sa tokador ko.
Nang makakuha ng sapat na pera ay mabilis din akong bumalik at iniabot iyon sa kanya.
"Two thousand yan. Wag mo na kong suklian.. Thank you. Salamat talaga.."
Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi niya parin kinukuha ang pera sa kamay ko. Nanatili siyang tahimik sa loob ng kotse habang ako naman ay narito lamang sa labas at nangangawit na ang kamay na nakalahad sa kanya.
"Hindi mo ba to kukunin?"
Umiling lang siya. At sa halip na sumagot ay lumabas siya ng sasakyan at lumapit sakin.
Bahagya naman akong napaatras ng makitang sumobra ata ang paglapit niya. Ngunit sa bawat atras ko ay siya namang abante ni Grey sa harap ko.
Hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na bakal mula sa gate na nasandalan ko. Lumapit parin si Grey at iniharang kaliwang kamay niya sa tagiliran ko.
Kung tutuusin ay kaya kong takasan ang eksenang to dahil wala namang nakaharang sa right side ko pero pucha! Hindi ako makagalaw.
Parang nanghihina ang tuhod ko. Sobrang lapit na ng mukha niya kaya naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Halos maduling na rin ako sa katititig sa mga mata niyang maganda.
"Gusto mo ba talagang mabayaran ako?" Tinanong niya yun sakin nang hindi parin inilalayo ang mukha niya sa mukha ko. Kaya napatango na lang ako.
Shet.
Ano bang plano ng lalaking to?
Oh my God!
Wag niyo sabihin saking.. Balak niya kong.. H-halikan?! Pucha! Sh*t! Oh my!
Oh my God--
"May pagkain ka ba sa loob? Gutom na ko, e. Pakainin mo na lang ako para quits na tayo." Nakangiti niyang sabi sakin.
Inilayo niya ang mukha sa akin bago itinulak ang gate na nasa likod ko. Tapos ay walang lingon likod siyang pumasok sa bahay ko na parang siya ang nakatira doon.
Feeling at home ang gago. Bwisit.
Nanghihinang napasandal na lang akong muli sa gate at automatic na napahawak ang kamay ko sa dibdib ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Siguro dahil kinabahan ako ng todo kanina. Bwisit talaga.
"Balak mo ba akong patayin sa atake sa puso, hah! Grey Chaves?!" Nanggigigil na singhal ko sa kanya.
At mas lalo pa kong nainis ng marinig ko ang malakas na tawa niya mula sa loob ng bahay ko.