"Anong nangyayari dito? Shaira! Are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Chance bago patakbong lumapit samin ni Cupid.
Hinawakan niya ko sa braso para tulungang tumayo ng derecho dahil halos nanginginig na ang tuhod ko at feeling ko ay any moment ay matutumba na ako.
"S-salamat.."
"Okay ka lang ba?" Tanong niya uli.
Tumango ako at sasagot palang sana ng biglang sumigaw si Thirdy.
"Chance!"
Tumingin naman si Chance sa kanya. Ganun na lang din ang pagtataka ko nung ilibot ni Chance ang kanyang paningin, Isa-isa sa mukha ng mga barkada niya.
Halos lahat sila ay nakatitig rin sa kanya.
At para namang napaso ang kamay niya at biglang napabitaw sakin at nang muli ko siyang tignan ay nakatutok na ang mga mata niya kay Grey.
Kay Grey na sa ngayon ay seryoso ring nakatitig sakin.
"S-shai.. Are you sure? Okay ka----
"Why are you keep on asking her if she's really okay? Why dont you bring her to the hospital right now, For you to know kung talaga nga bang okay lang siya." Seryosong putol ni Grey sa kung anong sinasabi ni Cupid sakin.
Lahat kami ay napangangang napatingin naman sa kanya.
Why so serious?
Nawala lang ako sa ala-ala niya, Inalis niya lang ako sa isip niya, Nawala na rin yung pagiging Jolly niya?!
What's wrong with him?
Hindi ko na nakikita sa kanya yung Grey na nakilala ko.
"Stop this drama, Chance. Wala namang camera sa paligid para patulan mo ang pag-iinarte ng babaeng yan. Lets go." Nakangisng sabi niya pa bago naunang lumakad.
Sumunod naman sa kanya ang buong barkada nila. At nung malapit na siya samin ay tinapunan niya pa ko ng tingin bago kami tuluyang lagpasan.
"I'm sorry." Bulong ni Chance bago sumunod na rin sa kanila.
Ilang saglit pa kong napatanga at pilit na iniintindi ang mga nangyayari pero parang ang hirap intidihin.
Nang nilingon ko si Cupid ay nagulat pa ko ng makitang nakatitig din siya sakin. Mababakas sa mata niya na para bang naawa siya sakin.
Pero bakit naman niya ko kakaawaan?
Just.. WHAT THE HELL RIGHT?
"WHAT? Bakit ganyan ka makatingin sakin?" Naasar na tanong ko sa kanya.
"B-bakit? Ano bang meron sa tingin ko?"
"Tss."
Tinanggal ko na ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Bago ko siya iniwan.
________
Umuwi ako.
Pakiramdam ko ay sobrang pagod na ang katawan ko kaya hindi ko na kakayanin pang bumalik sa klase.
Umupo ako sa nag-iisang Sofa na meron ako sa bahay. At napabuntong hininga na lamang ng maalala ko na naman si Grey.
Kinuha ko ang phone ko sa bag and texted Cupid.
____
To: Kupido
Pidong, Umuwi ako. Pasabi na lang sa mga Prof, NOT FEELING WELL.
Sent!
______
Nakakapagod.
Bakit ganon?
Wala naman akong masyadong ginawa pero feeling ko nakakadrain ng energy ng katawan ang mga nangyari kanina.
Tinatamad kong ibinagsak ang Likod ko sa sofa. At muling kinalikot ang teleponong hawak ko. I searched for my play list And clicked the word shuffle on it before I decided to closed my eyes to relax.
To rest, Kahit sandali lang.
[ON TRACK: Deeper - Julie ann Sanjose]
Crumpled sheets of paper
With written songs for you
My hands shiver, this heart beating
This love might be true.Ayokong dumilat. Dahil pakiramdam ko kahit saang parte ng bahay ako tumingin ay makikita ko parin si Grey.
Maisip ko pa lamang ang kusina ay inuulan na ang isip ko ng mga ala-ala niya. Nung mga panahong ipinagluto niya DAW ako pero nalaman kong si Thirdy naman pala talaga ang nagluto. Naalala ko nung mga umaga na ipinagtitimpla niya pa ko ng kape at pinaghahanda ng umagahan kapag gising ko.
Yung muntikan niya pang masunog yung bahay ko dahil lang sa kagustuhan niyang ipagluto ako.
Naalala ko pa yung mga oras na sabay pa kaming kumakain ng agahan o di kaya ng hapunan.
Tapos yung mga ngiti niya sasalubong sakin sa tuwing makikita ko siya sa Kusina bago sisigaw ng GOOD MORNING. Hayy..
Bakit ganon? Nakapikit man ako o nakadilat. Bakit naaalala ko parin siya?
Umayos ako ng upo at di mapigilang mapadilat ng may masagi ang paa ko. Unang bumungad sakin ang salas kung saan madalas tumatambay si Grey.
Dito ko siya nakitang umiiyak nun. Nakakatawa lang dahil kalalaki niyang tao ay umiiyak siya ng todo dahil lang sa isang palabas. Psh.
Yumuko ako para tignan sa ilalim ng mesa ang bagay na nasipa ko.
Yung first aid kit box na ginamit ko nung ginamot ko si Grey.
Dito yun. Dito siya mismo nakaupo sa upuan na kinauupuan ko ngayon. Tapos ako naman ay nakaupo sa harap niya.
Tama! Naalala ko pa nga, Dito niya rin ako unang hinalikan-- Sh*t.
Ano ba tong mga iniisip ko?
Bakit ko pa ba inaala ang mga yon?
Inis akong tumayo at lumakad paakyat sa kwarto ko. Mabuti na lang at wala na dito si Grey dahil paniguradong aasarin na naman ako nun dahil bahagyang namula ang mukha ko sa ala-alang sumagi sa isip ko kanina.
Pumasok ako sa kwarto at umupo sa kama ko.
At sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.
Bakit?
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam.
Tama siya. Tama si Grey, Ang drama drama ko nga talaga! Ano na naman ba tong inaarte ko? Bakit ko nga ba kasi siya iniiyakan?
Kasi wala na siya? Dahil iniwan niya na rin ako tulad ng ginawa ng iba? Kasi hindi niya na ko maalala? Inalis niya na ko sa isip niya samantalang siya ay patuloy na ginugulo ang isip ko!
Bakit ganun?
Ang unfair unfair niya!
Hindi ko naman siya kailangan noon, e. Ilang beses ko bang siyang pinalayo? Ilang beses ko bang sinabi sa kanya na tigilan niya na ako pero hindi naman siya nakinig!
Bakit kailangan niya pa kong lapitan kung lalayuan rin naman? Bakit kailangan niya pa kong sanayin sa presensya niya kung iiwan rin naman!
Nakakainis!
Ang daya daya niya!
At mas nakakainis!
Kasi ang sakit sakit na.
__
Try to listen DEEPER by Julie ann Sanjose whil reading this Chappy! Enjoy!