Chapter 8

127 8 0
                                    

Ang ngiti sa labi ni Chia ay agad na naglaho at napalitan ng pagtataka ng makita ako.

"Bakit kayo magkasama?" Nagtatakang tanong niya.

Lumapit siya samin habang si Chance ay tahimik na tumabi naman sa kanya. Nahuli ko pa nga ang mga mata niyang nakatutok sa akin pero sa huli ay ako rin ang naunang umiwas ng tingin.

"Nasa bahay sila Mom. Ewan ko kung hanggang kailan. Kagabi pa sila umuwi kaya naghanap na ako ng matutulugan. Wala namang sumagot sa inyo nung sinubukan kong tawagan kayo. Buti na lang at in-offer ni Shaira ang bahay niya." paliwanag ni Grey.

Lumapit si Chia kay Grey at inakbayan ito.

"Pinapasok mo to sa bahay mo?" Tanong ni Chia sakin.

Tumango naman ako.

"Nagtiwala ka dito. Buti di ka natakot na manyakin nito---

"HOY! Hindi ako manyak!"

"Hindi nga. May sinabi ba ko?"

"E parang ganun na rin yung sinabi mo, e!"

"Pero wala akong sinabing manyak ka. Defensive ka lang talaga. Anyway, nagtataka lang ako.. Ganyan na ba kayo kaclose at hinayaan mo tong si Grey na matulog sa inyo?" Tanong sakin ni Chia.

Napaisip naman ako. Kilala ko si Grey, bukod sa pangalan ay ilang beses ko na rin siyang nakasama. Noong AKALA ko ay may KAMI ni Chance, ay madalas ko nang makasama ang lahat ng kaibigan niya. Including Grey. At nung maghiwalay naman kami ni Chance ay hindi na rin kami nagkasama ni Grey. Pero nito ngang mga nakaraang linggo, palagi niya kong kinukulit at ginugulo. Kaya madalas kaming magkasama..

Pero sapat na ba yun para magtiwala ako sa kanya? Eto talaga yung AYAW ko sa ugali ko, e.

Mabilis akong magtiwala..

Kaya ang tendency, Mabilis din akong masaktan.

"Mukha naman kasi siyang mabait." Sabi ko na lang.

Napangiti naman si Grey dahil dun.

"At mukha rin naman siyang mapagkakatiwalaan." Dagdag ko pa.

"Sabagay, mukhang tatantado lang to. At literal na punong puno ng kalokohan ang utak pero mabait din naman." Nakangising sabi ni Chia.

Si Grey naman ay napasimangot ng todo nang dahil sa narinig niya.

"Pero hindi basehan ang mukha para magtiwala. Mabuti na lang at maayos talaga tong si Grey. Pero paano kung hindi? Paano pala kung masamang tao siya? Edi napahamak ka na. Sa susunod subukan mo munang kilalanin, bago mo ibigay ang tiwala mo." Seryosong sabi ni Chance.

Napanganga naman kaming tatlo sa sinabi niya. Lahat kami ay hindi naka-imik sa gulat nang dahil sa inasta niya. Walang nakasagot samin hanggang sa kumilos si Chance at walang paalam na iniwan na lang kami.

"Anong nangyarin dun?" Tanong samin ni Chia.

Nagkibit balikat na lang ako at si Grey ay napangisi naman.

Alam ni Grey na EX ko si Chance. Ang hindi ko lang alam ay kung may alam din ba tong si Chia sa mga nangyari dati. Noon kasi ay ilang beses na pinlano ni Chance na ipakilala ako sa kanya, yun nga lang palaging nagkakaaberya. Hanggang sa malaman ko ang totoo. Hindi ko nga sigurado kung talaga bang may mga aberya noon o gawa-gawa niya lang yun para hindi matuloy ang pagpapakilala niya sakin kay Chia.

Bakit niya naman kasi ako ipapakilala sa kapatid niya kung hindi naman siya seryoso sakin, diba?

Hindi ko maiwasang tignan ang kotse ni Chance na nakapark lang sa tabi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot sa tuwing maalala ko na ang kotseng yan ang dahilan ng lahat.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon