Why do people leave us? Why do they show that you are special but suddenly dumps you? Why do they keep on making us special but it is very temporary?
***
"Where are you, Cupid?!" Naiinis nang sabi ko bago ako umupo sa isang mahabang upuan sa ilalim ng puno sa tapat ng library.
Katatapos lang ng klase ko, At may usapan kami ni Cupid na magkikita ngayon pero ang walang hiyang iyon kasalukuyan pang nawawala sa ngayon.
Ni anino niya ay di ko pa nakikita. Dati rati naman ay nauuna siya sa meeting place namin. This is the first time na male-late siya. Nakakapanibago.
Pero nasaan na nga kaya ang isang yun?
I sighed.
Mabuti na lamang at dala ko ang aking gitara at hindi ako mabuburyo sa kakahintay sa kanya. Ipapractice ko na nga lamang ang kantang ipeperform ko sa trabaho mamaya.
Inilabas ko na ang gitara ko sa kulay itim niyang lagayan. Isinukbit ko na siya sa aking balikat bago sinimulang patugtugin.
Simula pa nung una, hindi na
maintindihan ang nararamdaman.
Naging magkaibigan ngunit
di umabot na magka-ibigan..Tanggap ko yon noon,
kampante na ganun nalang..
sapat na nakasama kita,
kahit hanggang dun lang.Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng kantang napakinggan ko sa youtube nung isang araw ay ang SIMULA PA NUNG UNA ni PATCH QUIWA ang pinakatumatak sa isipan ko.
Maganda kasi ang boses niya at magaling pa siyang sumulat ng kanta. Bukod dun ay pakiramdam ko ay relate na relate ako sa bawat salitang isinulat niya.
Hayy..
Hanggang dun na nga lang ba talaga?
[FLASHBACK]
"Shhhh.. Please. Kahit sandali lang.. Kahit ilang segundo lang..
HAYAAN MO LANG AKONG YAKAPIN KA."
At nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong napaiyak. At sa bawat hikbi na naririnig niya ay mas lalong humihigpit ang yakap niya na tila ba ayaw niya na kong pakawalan pa.
"GREY!"
Sabay kaming napaangat ng tingin at sinalubong ang galit na tingin samin ni Chance. Ramdam ko ang pagkabigla ni Grey ng makita siya kung kaya't ang mga kamay niya ay para bang napaso at biglang napabitaw sa akin.
Agad siyang tumayo at lumayo.
"G-grey.." Naguguluhang tawag ko.
Iniwas niya ang tingin sakin at lumakad papalapit kay Chance.
"I-m s-sorry.. H-hindi ko sinasadya---"
"HINDI MO SINASADYA? DAMN IT!" Galit na galit na Putol ni Chance sa sinasabi ni Grey.
Parang nanghihina namang napaluhod si Grey sa harap nito. Hindi rin mapigil ang mga luhang patuloy na naglalandas sa pisngi niya.
"F*ck! Damn you, Grey! Alam mo ang consequence nang kapabayaan mong to!"
"NO!!!"
Hindi na siya pinansin ni Chance at iniwan na lamang siyang nakaluhod.
Sinubukan ko siyang lapitan pero napatigil ako ng bigla niyang iharang sakin ang braso niya.
"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Pero hindi siya nagsalita.
Muli na siyang tumayo at bahagya akong itinulak palayo.
"Please.. Wag mo na akong lalapitan."
"Ano? Bakit? Ano bang-----
"PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO SAYO! WAG KA NANG LUMAPIT!" Lumuluha pa ring sigaw niya.
Tinalikuran niya na ko at lumakad palayo.
Iniwan niya na naman ako.
Pero this time, Iniwan niya kong gulong gulo.
Hayy..
ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO, GREY CHAVES?
[END OF FLASHBACK]
Di na lang ako lalapit,
Di na lang titingin..
Para hindi na rin mahulog pa
Sa iyong mga mata..Siguro nga napamahal na ko sayo, OO.
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya!Pero alam ko rin naman,
Hanggang dito na lang.
Lilimutin ang damdamin,
Isisigaw na lang sa hangin..MAHAL KITA.
Itinigil ko na ang pagkanta at walang buhay na isinandal na lamang ang likod ko sa puno.
I sighed.
Mahal?
HAHAHAHA!
Imposible. Nababaliw na talaga siguro ako.
Hindi ko siya mahal.
Siguro nadadala lang ako sa mga pangyayari. Nabibigla kumbaga. Oo, Namimiss ko siya pero hindi naman ibig sabihin nun ay mahal ko na siya.
Nasanay lang siguro ako sa presensya niya.
Imposible namang mainlove ako sa taong yun sa napaka-iksing panahon.
Hindi.
Imposible talaga.
_______
Someone's POV.
Di na lang ako lalapit,
Di na lang titingin..
Para hindi na rin mahulog pa
Sa iyong mga mata..Siguro nga napamahal na ko sayo, OO.
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya!Pero alam ko rin naman,
Hanggang dito na lang.
Lilimutin ang damdamin,
Isisigaw na lang sa hangin..MAHAL KITA.
Mahal din kita.
Kung pwede ko lang sanang ibalik ang NAKARAAN.
Hinding hindi na kita BIBITAWAN.