"Mama! Magugustuhan kaya ni Sophia tong gift ko for her?"
Nilingon ko si Aya na kasalukuyang nililikot ang binili naming regalo para sa kaibigan niya. Nakabalot na iyon pero hanggang ngayon ay hindi parin siya sigurado sa regalong napili niya.
Sinenyasan ko siyang lumapit at sumunod naman siya. Hawak ang suklay ay marahan ko iyong pinadaan sa buhok niya.
"Magugustuhan yan ni Sophia for sure." Mahinang sabi ko.
Umikot siya at humarap sa akin habang bakas sa mga mata niya na sobra pa rin siyang nag-alala.
"Are you sure, Mama?"
Marahan akong tumango.
Nakita kong napayuko siya at napabuntong hininga. Muli niyang nilingon ang nakabalot na regalo bago nakangiti na ring tumango.
"Alam mo kung anong hindi magugustuhan ni Sophia?"
Nilingon niya ulit ako nang may nagtatanong na mga mata.
"Paniguradong hindi niya magugustuhan kung ang bestfriend niyang si Aya ay male-late sa mismong party niya." Nakangiting sagot ko.
Napatingin naman ang anak ko sa orasan na nakasabit sa haligi ng bahay namin at nanlaki ang mga mata.
Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
Inayos ko na lamang ang mga gamit na dadalhin namin at siniguradong wala kaming maiiwan bago kami umalis ng bahay ni Aya.
______
"Yes. We're on our way." I answered.
Narinig ko naman namang na-'ahh' si Cupid sa sinabi ko. Kausap ko siya ngayon sa phone. Kinakamusta niya si Aya dahil alam niyang may pupuntahan kaming party ngayon.
"Baby, Ninong Cupid wants to talked to you." Sabi ko.
Nilingon naman ako ng anak ko at nagmamadaling kinuha ang phone na hawak ko.
"Papa!" She exclaimed.
Malakas na tawa naman mula kay Cupid ang narinig ko mula sa phone.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang pinag-usapan nila basta ang alam ko ay masaya ang anak ko sa tuwing kausap siya.
Nakarating kami sa venue ng party ng walang sagabal. Medyo marami nang tao ng dumating kami. Maraming bata na kasama ang mga magulang or nanny nila.
"Aya!"
Napasigaw na lamang ako ng malakas ng makitang tumakbo na ang anak ko hawak ang regalo niya. Hindi niya ko pinansin at nakita ko na lamang na lumapit siya sa kaibigan niyang birthday celebrant bago iniabot rito ang regalong hawak niya.
"Happy birthday, Sophia!" Rinig kong bati ng anak ko.
Lumapit na rin ako para batiin na rin ang bata. Napatingin din ako sa mga magulang niyang nasa likod lang niya at nginitian na lamang sila.
Nag-umpisa ang party na talagang masaya. Masaya akong makita ang anak ko na nagsasaya kasama ang ibang kalaro niya. Karamihan lang naman sa mga bisita ay kaklase rin nila.
Napatigil ako sa panonood sa anak kong nag-eenjoy sa party ng biglang tumunog ang phone ko.
"Hello? Sino to?"