Chapter 35

126 6 0
                                    

"Come here."

Napairap muna ako bago ako inis na lumapit sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kabaliwan niya. He is really something, seriously.


Nakakabaliw na rin siya.


"Galit ka pa rin ba?" Tumatawa pang tanong niya.


Hindi ako sumagot.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay tahimik na lamang ako na humawak sa railings at humarap sa karagatan. Napakapayapa ng dagat ngayon. Ang sarap pakinggan ng mga hampas ng alon na para bang musika na humahalina sa pandinig ko.

"Pwede bang tumigil ka na?" Naasar nang singhal ko sa kanya.


Yung tawa kasi niyang gustong gusto kong naririnig NOON, nakakaasar na siyang pakinggan ngayon.


Sandali naman siyang natigilan at kahit na hindi ko siya tinitignan ay alam kong nasa akin na ang mga tingin niya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang ang presensya niya sa likod ko. Isinandal niya rin ang magkabila niyang kamay sa railings at ang mga braso niya ay nagmistulang ikinulong ako.



"Im sorry."


Ang malaki at malalim niyang boses ay nagdadala ng libo libong boltahe sa pagkatao ko.



Bakit ba ganito kalakas ang epekto mo?




Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang itinanong yan sa sarili ko. Pero kahit ganun ay never ko pang nalamang ang sagot.




"Hindi ko gustong takutin ka.." Bulong niya pa.




Umikot ako at nakasimagot na humarap sa kanya. Isinandal ko ang aking likod sa railings at ngayon ay nagtama na ang tingin naming dalawa.

"Hindi mo gustong takutin ako? Pero muntik na kong himatayin dahil sa ginawa mo!" Naaasar namang sabi ko sa kanya.


Nakita ko pang lumitaw sandali ang pilyo niyang ngiti na agad din namang nawala ng makitang seryoso parin ako.



"Again, Im sorry. I didn't mean to scare you. Yun lang kasi yung naisip kong way para makasama ka.."



"Tss. Whatever! You're really crazy, Mr. Kidnapper."


Napairap na lang ulit ako at muling tinalikuran siya.

Ngayon ay sabay na naming pinagmamasdan ang ganda ng dagat. Nasa kalagitnaan kami ng karagatan sakay ng isang Yate na pagmamay-ari ng pamilya ni Kurk. Dito niya ko sapilitang dinala nung bigla niya kong hinila.


Pwede niya naman kasi akong tanungin kung gusto kong sumama! Mag-iinarte lang naman ako ng konti pero syempre sasama pa rin naman ako sa kanya dahil gusto ko rin naman talaga siya makasama. Hindi yung bigla bigla niya na lang akong hihilahin na para bang masamang tao siya. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang takot ko pati na rin ang naramdaman kong kaba.

May kinuha siyang maliit na remote mula sa bulsa ng jacket na suot niya. At nang pindutin niya iyon ay napapikit na lamang ako ng umalingawngaw ang isang magandang kanta.


I know that its all meant to happen
Its just what I could feel in my soul
Nothing the same as it had been
Its just how you could make me feel whole
Whenever you call my name
I just wanna let you know.
That you can never do me wrong
No matter how far you go

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon