THIRD PERSON'S POVMadilim na ang paligid at tanging mga ilaw na lamang mula sa poste at iilang mga ilaw lamang na dinisenyo namin sa lugar ang nagbibigay liwanag sa lahat.
Maraming tao ang dumalo, Hindi man nila kilala ang lahat ng ito ay binigyan parin nila ng imbitasyon para makisaya sa okasyong mangyayari ngayong gabi.
Ang dalagang si Chia kasama ang kanyang nobyo ay kapwa abala sa pag-aasiste sa mga bisitang pumunta. Samantala ang babaeng si Shaira ay halos kainin na ng kaba sa kakaisip kung magiging successful ba ang event na ginagawa nila.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay mamamataan ang ginoo na talagang bida ngayong gabi. He's not prepared, He only wore his black shirt terno with his shorts na gagamitin niya na sana sa pagtulog.
Hindi niya naman kasi inakala na may ibang mangyayari ngayong gabi. Matutulog na sana siya nung tinawagan siya ng kaibigan niyang si Kurk para humingi ng tulong. Ayon dito ay uminom ang dalawang dalaga na kasama nila at naglasing. Hindi raw alam nito kung paano ang gagawin.
Sa sobrang pag-aalala para sa kaibigan at sa pinakamamahal niyang dalaga ay taranta siyang pumunta sa lokasyon. Ngunit hindi niya inasahan ang dami ng tao na sasalubong sa kanya.
"Where are they?" Naguhuluhang tanong niya habang ang mga mata ay abala sa paghahanap sa mga kaibigan.
Biglang dumilim ang paligid at natahimik ang lahat. Bumukas ang ilaw mula sa isang grand piano na wala namang tao. Pero as if on cue ay isang dalaga ang nakita niyang lumapit rito. The girl was wearing a white sleeveless dress.
Gulat ang ekspresyon na tanging ipinukol rito ng binata. Lumiwanag ang paligid at mas lalong naguluhan ang binata ng makitang pumwesto ang mga tao sa magkabilang side at tanging siya lamang ang natira sa gitna.
Muli siyang tumingin sa dalaga at ngiti lamang mula rito ang nakuhang sagot niya.
"I thought she was drunk." Naguguluhan tanong niya sa kanyang sarili.
Lumapit ang dalagang si Shaira sa harap ng piano. Bakas sa mukha nito ang sobrang kaba bago simulang tumugtog habang sinasabayan ng kanta.
[ONLY HOPE]
There's a song that's inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over again
I'm awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again.Kasabay ng pagkanta ni Shaira ay bumukas ang isang malaking screen at nagplay mula rito ang isang video. Nung una ay tanging kwarto lamang nila Shaira ang nakikita ng lahat rito. Pero maya maya pa ay makikita na ang dalagang si Shaira na bahagyang tinutulak ni Chia sa harap ng Camera.
"Anong sasabihin ko dito?" Nahihiyang tanong ni Shaira sa kasama.
Nailing naman si Chia at napa-tsk habang itinuro ang Camera.
"Say something for Grey. Akala ko ba gusto mong gawing espesyal ang araw na ito for him? This is your turn, Shai. Let him know everything." Nakangiting sagot ni Chia sa kanya.
Napabuntong hininga naman si Shaira bago tuluyang tumingin sa Camera.
So I lay my head back down
And I lift my hands
And pray to be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope"Hi Grey.. This is Ahmm.. Shaira.." Panimulang bati ng talaga at nakangiting kumaway pa sa Camera.
Yumuko ang dalaga at panandaliang pinaglaruan ang nanginginig na mga kamay niya sa sobrang kaba. At nang muling bumaling ang mukha niya sa Camera ay isang matamis na ngiti ang bumungad mula sa kanya.
"I really dont what to say. I dont know how to start. Pwede ba akong magsimula mula sa pinakauna?"
Sing to me the song of the stars
Of your galaxy dancing
And laughing and laughing again
When it feels like my dreams are so far
Sing to me of the plans that you have for me over again"I dont like you.. Oo, Alam kong alam mo na sa una palang ay hindi na kita gusto. Makulit ka at palagi mo lang akong inaasar. Wala ka nang ginawa kundi lumapit sakin at sirain lang ang araw ko. Ayoko sayo. Ilang beses ko na bang sinabi yun sayo? Pero kahit ganun ay hindi ka tumigil.. Layuan man kita pero patuloy ka paring lumapit. Itulak man kita palayo ay parang may magnet sa katawan ko dahil kung nasaan ako naroon ka pa rin."
So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope"Ikaw.. At ang mga kaibigan mo. Lahat kayo pinaglaruan ako. Alam kong alam niyong lahat ang plano kaya nagalit ako ng sobra sa inyo. Pero.. ano bang ginawa mo sakin at nawala na parang bula ang galit ko? At unti-unti.. Hindi ko namalayan na ang tanging emosyon na nararamdaman ko ngayon ay takot. Takot na mawala ka pang muli sa tabi ko."
I give you my destiny
I'm giving you all of me
I want your symphony
Singing in all that I am
At the top of my lungs I'm giving it back"I'm not perfect. You're not perfect either. But why this feelings seems to be perfect? Hindi ka naman kagusto gusto pero bakit nahulog ako sayo?"
Sandaling napatigil si Shaira at bahagyang natawa sa huling sinabi niya. Mula sa background ay maririnig rin ang malakas na tawa ni Chia.
"Ang tanga ko nga siguro dahil super late ko nang narealize tong nararamdaman ko para sayo. Thank you very much, Grey. Hindi mo alam kung anong klaseng saya ang idinulot mo sa buhay ko. Nabuhay akong hindi perpekto pero dumating ka at kinumpleto mo ito.."
So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope"Lets stop this nonsense! Im not gonna keep it on my own from now on. And you! Grey Chaves.. The one with that messy red hair.. Pumapayag na kong mahalin mo ko. Pero sana hayaan mo rin akong mahalin ka.. Sabi mo sakin noon that I am your home. Nung una ay hindi ko maintindihan yun. Pero ngayon gets ko na. Dumating man ang lahat ng problema sating dalawa.. Wala nang makapipigil pa sa nararamdaman ko para sayo.."
Tumayo si Shaira mula sa pagkakaupo sa kama nila at lumapit sa Camera. Lalong tumingkad ang mukha niyang kay ganda nang dahil sa mga ngiti niya.
The video ended.
"Happy birthday, Grey. And I love you, my hope.."