Chapter 29

117 7 0
                                    


Ang kaba na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Alam ko, Makita ko lang siya pakiramdam ko ay ligtas na ako.

Nagtataka man sa kanyang intensyon sa
pagpunta rito ay wala na akong pakialam. Ang importante ngayon ay nandito siya. Nakatayo sa harap ko, At mataman akong tinitignan.

Hindi ko alam kung saan nagsimula. Basta naramdaman ko na lamang ang patuloy na pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Rinig rin sa buong kwarto ang ingay mula sa mga hikbi ko.

Gusto ko na siyang lapitan.

Gustong gusto ko ng takbuhin ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa para lang yakapin siya.

Pero parang nadikit na yata ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko na magawang maigalaw.

Naramdaman kong muli ang panghihina ng mga tuhod ko at sa isang iglap lang ay nakita ko na lang aking sarili na nakahandusay sa sahig.

Mabilis na tumakbo si Grey at nilapitan ako. Ang nag-alala niyang mga tingin ay sinuklian ko ng walang katumbas na ngiti. Ngiting tanging kay Grey ko lang ibibigay.

"Totoo na ba to?" Wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko naman siyang tumango.

Ang mga kamay niya ay nasa likod at sa braso ko. Samantala ang mga kamay ko naman ay kusang kumilos para hawakan ang magkaibilang pisngi niya. Naramdaman ko mula roon ang namamasa niya ring mukha ng dahil sa pagluha.

'Totoo nga.' Walang boses na usal ko.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko. Para akong batang nawawala na sa wakas ay nahanap na ng mga magulang niya. Yung pangungulilang naramdaman ko sa ilang araw o linggo na hindi ko siya nakasama.. Na hindi ko siya nakita ay biglang naglaho.

Bakit ba ganito kalakas ang epekto mo?

"Shhhh." Nakangiting pagtahan niya sakin.

Ang mga kamay niya ay naramdaman ko rin saking pisngi habang sinusubukang punasan ang luhang patuloy rin naman sa pagpatak.

Inalalayan niya kong tumayo at iginaya pahiga pabalik sa aking kama.

Hawak ko ng mahigpit ang kamay niya na tila ayaw ko ng bitawan pa. Pero dahan dahan niya ring inalis iyon.

"Its okay." Nakangiti niyang bulong. "Hindi kita iiwan, Pangako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya na agad din namang naglaho ng makita na lumakad siya palayo. Nakaramdam ako ng kaba na agad rin namang napawi ng mapansing umikot lang naman pala siya sa kama para humiga sa kabilang side ko

Umayos siya ng higa at tumabi sa akin. Pinahiram niya sakin ang kanan niyang braso at hinayaan akong gawing unan ito. Samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay pirmi lamang na nakahawak sa kamay ko.

At ang ganitong pakiramdam ay para sakin ay isang isang panaginip.

"Lets sleep now, Shaira." Bulong niya sa kaliwang tainga ko na agad ko namang inilingan.

Ayaw ko nang magising sa napakagandang panaginip na ito. Ayaw kong matulog dahil natatakot ako na magising kinabukasan na wala na naman siya sa tabi ko.

Ayoko..

At sa tingin ko ay hindi ko na kaya pa..

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ang mga kamay niya na tila minamasahe ang buhok ko. Ang mga haplos niya para sakin ay talaga namang may ibang pakiramdam.

"Sleep now, My Shaira.."

Hindi na ako umangal.

Hinihila na rin naman ako ng antok. Lalo pa nung marinig kong muli ang tila musika sa aking pandinig na boses niya habang kumakanta..

Another summer day
Has come and gone away
In Paris and Rome
But I wanna go home
Mmmmmmmm

Maybe surrounded by
A million people I
Still feel all alone
I just wanna go home
Oh, I miss you, you know

And I've been keeping all the letters that I wrote to you
Each one a line or two
"I'm fine baby, how are you?"
Well I would send them but I know that it's just not enough
My words were cold and flat
And you deserve more than that

Bakit ganon?

Pakiramdam ko ay tamang tama ang kantang napili niya para kantahin sakin ngayong gabi.

Ang bawat letra ng kantang HOME ni Michael Buble ay parang mga matatalim na kutsilyong tumatagos sa puso ko.

Another aeroplane
Another sunny place
I'm lucky I know
But I wanna go home
Mmmm, I've got to go home

Let me go home
I'm just too far from where you are
I wanna come home

Hinayaan ko ang sarili kong yakapin siya. Hinilig ko ang aking ulo sa dibdib niya at napakasarap pakinggan ng malalakas na tibo ng puso niya. Naramdaman ko naman ang pagganti niya ng yakap sakin. Sandali akong nanalangin na sana ay hindi na matapos to.

Sana tumigil ang oras sa mundo at hayaan kaming namnamin ang init ng katawan ng bawat isa.

Oo, Aaminin ko na.

Namiss ko si Grey.. ng sobra.

Gusto ko na ba siya?

Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sigurado.

Pero isa lang alam ko.

Iba ang sayang idinudulot niya sa buong pagkatao ko.

And I feel just like I'm living someone else's life
It's like I just stepped outside
When everything was going right
And I know just why you could not
Come along with me
'Cause this was not your dream
But you always believed in me

Another winter day has come
And gone away
In even Paris and Rome
And I wanna go home
Let me go home

And I'm surrounded by
A million people I
Still feel all alone
Oh, let me go home
Oh, I miss you, you know

Let me go home
I've had my run
Baby, I'm done
I gotta go home
Let me go home
It will all be all right
I'll be home tonight
I'm coming back home

"And you are my home, Shaira."

And with that, ay nakita ko na lang sarili kong nagpaubaya sa halik na iginawad niya.

_____

Please listen to HOME by Michael Buble while enjoying this Chappy. Thank you!

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon