Chapter 22

99 6 0
                                    

"Shaira."

Napahawak ako sa aking dibdib at panandaliang pinakiramdaman ito.

Kumikirot na naman siya.

Ilang buwan ko na nga bang nararamdaman to?

Aish.

Ayoko namang magpacheck up dahil nanghihinayang naman ako sa perang gagamitin ko. Masyadong magastos sa hospital. Paubos na ang pera ko at---

"Shaira!"

Gulat akong napatingin kay Cupid na malakas pang tinapik ang balikat ko.

"Problema mo!" Asik ko.

"Lutang ka na naman. Kanina pa kaya kita tinatawag." Nakangusong sabi niya bago niya iniwas ang tingin sakin.

"Masama kasi ang pakiramdam ko. Kaya kung pwede? Pabayaan mo muna ko."

Kahit saglit lang.

Lord, Patahimik niyo muna ang bibig ni Cupid sa kakadaldal dahil kapag ako hindi nakapagpigil at nairita ako ng todo sa kanya! Baka mag-away lang kaming dalawa.

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya.

Lumapit pa siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hinaplos niya rin ang noo at leeg ko para pakiramdaman ito at nakita kong napailing na lang siya.

"Hindi ka naman mainit, e." Nakasimangot na sabi niya.

Wala naman kasi akong sakit.

"Hindi ka naman kasi Hot. Kaya bakit ako mag-iinit?" Biro ko naman sa kanya.

Halos maibuga niya naman ang iniinom niyang tubig nang marealize kung anong sinabi ko. Pagkatapos ay di makapaniwalang napatingin siya sakin.

Sakto namang nakatingin din ako sa kanya kaya ayun, Nagkatitigan kaming dalawa.

Pero tulad ng dati, Siya na naman ang unang sumuko. Siya ulit ang naunang umiwas.

Namumula na naman siya.

NAKAKATAWA TALAGA!

Konting konti na lang iisipin ko nang may gusto sakin tong bwisit nato, e.

"Hindi ko naman kasi sinabing may sakit ako. Ang sabi ko lang masama ang pakiramdam ko. Wala lang ako sa mood siguro." Seryosong sabi ko naman sa kanya.

"And why is that?"

"I don't know."

"Tss. Tara na nga sa Canteen! Ikain na lang natin yan--

"Wala rin akong gana, Cupid."

"Whoah! Baka naman mamayat ka niyan!" Natatawang pang-aasar niya pa.

"Ayaw mo nun? Para sumexy ako."

"Ayoko."

Napatingin naman ako sa kanya.

"At bakit ayaw mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi baka kapag nangyari yun mapakanta na lang ako ng NESEYE NE ENG LEHEEEET!"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Biruin mo. Matalino, Mabait. Medyo Chubby nga lang pero maganda! Paano pa kaya kapag pumayat ka? WOW! Baka lalo ka pang gumanda---- AW!"

Sinapok ko siya kaya masama niya kong tinignan.

"Tigilan mo na nga ko dyan sa pambobola mo. Wala akong panlibre sayo!" Sigaw ko.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon