Chapter 43

122 7 0
                                    

CUPID'S POV.

"Ilang oras na po ba siyang nawawala, Ma'am?"

Narinig kong tanong ng pulis sa nag-aalala nang si Shaira. Umupo ito sa upuan na nasa harap ng table ng pulis at nagkwento ng mga pangyayari.

"Huli ko po siyang nakita na naglalaro kasama nung mga kaklase niya sa party. Nawala lang yung atensyon ko sa kanya nung biglang may tumawag sakin. Tapos po nung binalik ko na yung tingin ko sa kanya hindi ko na siya nakita! Kinabahan na po ako nun, Pero kinalma ko pa rin po yung sarili ko. Nagtanong tanong po ako sa mga tao dun kung alam nila kung nasaan ang anak ko. Pero hindi nila alam. Kaya nagpatulong na po ako sa mga security guards para hanapin sa buong bahay pero wala na kaming nakita! Wala kong nakita ni anino ng anak ko! Walang CCTV sa lugar kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya." Mahabang paliwanag ni Shaira.

Nakita ko namang napatango ang pulis at tinignan ang mga impormasyong isinulat niya habang nakikinig kay Shaira.

"Kailan po nangyari ito, Ma'am?" Sunod na tanong ng pulis.

"Kanina lang po mga bandang---

"We can't conduct investigation for a missing person unless He or She is missing for 24 hours, Ma'am. Im sorry." Putol na sabi ng pulis.

"WHAT?"

Napatayong bigla sa gulat si Shaira sa sinabi ng pulis at galit na hinampas ng malakas ang table sa harap. Naalarma naman ako agad at mabilis na lumapit sa kanya.

"So, Ano? Hahayaan niyo na lang na nawawala yung anak ko?! WALA KAYONG GAGAWIN? PUTRAGIS! SA TAGAL NANG ORAS NA YON MARAMI NANG PWEDENG MANGYARI SA KANYA!" Nanggagalaiting sigaw ulit ni Shaira.

Hinawakan ko naman ang braso niya at naiiling na pinigilan siya.

"Im sorry, Ma'am. Nasunod lang po kami sa SOP namin kaya---

"F*CK THAT SOP! KAPAG MAY NANGYARI NANG MASAMA SA ANAK KO. MAY MAGAGAWA BA YANG LINTIK NA SOP NA YAN NA SINUSUNOD NIYO?!"


"We're very sorry, Ma'am. Just informed us nalang po tomorrow kung hindi niyo pa rin po nakita ang anak niyo." Walang emosyong sabi ng pulis at iniwan na kami.



Nanghihina namang napaupo si Shaira upuan at napahawak sa dibdib niya.


"Okay ka lang? Nasaan ang gamot mo?"

Hinihingal naman niyang inabot sakin ang bag na hawak niya. Mabilis kong hinalughog ang laman nito para hanapin ang lagayan ng mga gamot niya. Nang makita ito ay agad kong inabot iyon kay Shaira at kumuha ng tubig na maiinom niya.


"Dont worry too much!" Nag-aalang paalala ko.

"How can I do that, Cupid?" Nakairap na singhal niya.

"My daughter is missing for pete's sake!"

Tumayo na siya at hinablot sakin ang bag niya. Lumakad na siya palabas ng presinto at iniwan ako.

_________

"Where is she?"

Naabutan ko si Meryl na nagluluto sa kusina namin. Ngumiti siya ng makita ako pero hindi iyon napalitan ng pagkairita ko.

"Upstairs. She's sleeping right now. Napagod ata siya sa byahe pauwi dito sa bahay."

Tinalikuran niya na ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"What on earth are you thinking, Meryl? Really?! This is illegal! That's kidnapping!" I shouted.


Rumehistro ang gulat sa mukha niya pero agad din iyong nawala.

"Kidnapping? I dont think so. Hindi ko siya pinilit, Kusa siyang sumama sakin." Nakangisi niyang sagot.

"At paano ka nakakasigurong maniniwala ako sa sinasabi mo?" Nangigigil na sabi ko.


Walang gana niyang binitawan ang sandok bago lumapit sakin.


"I'm just doing this for you. So relax, Okay?"

Napailing na lamang ako sa sinabi niya at di makapaniwalang tinignan siya.



"Hindi mo manlang ba inisip na baka mag-alala ang nanay niya?" Tanong ko.


"Naisip rin naman. Pero wala akong pakialam. Ginagawa ko lang din naman to para sa kanya no!"


Nanghihinang napaupo na lamang ako sa unang upuan na nakita ko.

"May nakakita ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko.



Nakita ko namang umiling siya.



"Syempre wala! Nag-ingat ako. Hindi ko sisirain ang career ko para sa inyo, kapal mo!" Singal niya.


Napatango naman ako dahil sa sinabi niya.

"Tss. Sinabihan mo manlang sana ako. Hindi yung kumikilos kang mag-isa!"


"Kung sinabi ko sayo, Hahayaan mo ba ko? Tang*na, Grey! Inip na inip na kong hiwalayan ka!" Naiiritang sigaw niya.

Napatawa naman ako bigla sa naging reaksyon niya.

Kung hindi ko siya kilala.

Iisipin kong nababaliw na siya.



Meryl Montefalco. Isa sa pinakasikat na artistang hinahangaan ng marami sa henerasyon ngayon.


Siya ang dahilan kung bakit ayaw nina Mommy kay Shaira. Bata palang kami ni Meryl ay nagkasundo na ang mga magulang namin na ipapakasal kami sa isat-isa. At first, We both refused. Pero sa huli ay pareho din kaming sumang-ayon nang mapagkasunduan naming gamitin ang isat-isa.



Ginamit ko siya para isalba ang nalulugi naming kumpanya sa tulong ng company ng pamilya niya noon. Ginamit niya naman ako at ang kumpanya namin para abutin ang pangarap niyang maging artista.



Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano niya ko ginamit. Sa katunayan ay hindi niya naman talaga ako kailangan. May talent naman talaga si Meryl sa pag-arte at kahit hindi niya ako gamitin o ang aming kumpanya ay siguradong sisikat pa rin siya.



Parang kahapon lang ay dinadramahan niya ko tungkol sa pagiging mag-asawa naming dalawa. Tapos ngayon ay para madaling madali na siyang putulin ang relasyon sa pagitan naming dalawa.




Our marriage is fake.


We both know that.



Kami lang at ang mga kaibigan ko ang tanging nakakaalam.


Hindi ko gusto si Meryl, At sigurado akong hindi niya rin ako gusto. No feelings involved at talagang naggamitan lang kaming dalawa.


At ngayon ngang nasa maayos na ang kumpanya namin at muli na itong namamayagpag. At gayon din naman ang career niyang patuloy na ring umaangat, tingin ko ay hindi na namin kailangan ang isat-isa.




Nararamdaman kong malapit nang matapos ang kasunduang binuo namin sa pagitan naming dalawa.





"Its really nice to work with you, Meryl. Lets end this game now." Nakangiting sabi ko bago inalahad ang kamay ko sa kanya.



Nakangiti naman siyang lumapit sakin at tinanggap ang kamay ko.




"Team work.. really makes the dream work." She crazily said.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon