Chapter 44

122 6 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Ramdam ko ang pagtama nito sa balat kong natatakpan lamang ng manipis na tela ng jacket na suot ko.

Pinagmamasdan ko ang tahimik kong anak na abala sa pag-ubos ng mga inihandang pagkain ni Meryl para sa kanya.


Hindi siya umiyak.



Inaasahan ko na kapag nagising siya ay hahanapin niya ang Mama niyang si Shaira. At kapag hindi niya ito nakita akala ko ay iiyak siya tulad ng ibang bata.



Pero nagkamali ako.


Ibang iba ang anak ko.


"You want more?" Naalarma kong sabi ng makitang naubos niya na ang laman ng plato niya.


Inaangat niya ang mukha niya at nang tumingin sakin ay napangiti na lamang ako ng makita sa kanya ang ngiting katulad sa kanyang ina.


"Gusto ko pa pong kumain.. Pero okay lang po ba kung sabayan niyo ako?" Nag-aalangang tanong niya.


Napatango naman ako at umupo sa katabing upuan niya.



Lumapit samin si Meryl at binigyan ako ng piggan at hinayaan akong samahan kumain sa hapag si Aya.

"Hindi po kasi ako sanay kumain mag-isa." Pagkwento niya.

Naptikhim naman ako at muling napatitig sa kanya. My daughter looks like her mom. Wala atang anggulo na nakuha sakin sa physical appearance niya. Hindi ko lang sigurado sa ugali dahil mukhang gaya ko ay napakadaldal rin niya.


"Your name is.. Aya, Right?" Biglaang tanong ko.

Tumango naman siya.

"Its Eyara Hope Francisco, Mister. Aya na lang po for short." She added.



Muli naman akong napatango at napatitig sa pinggan ko.


Sa tagal ng panahon na hindi ko manlang siya nakasama miski buong pangalan niya ay hindi ko alam.



"Sir, Can I asked you something?"



Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ulit ang boses niya.


"Are you related to.. Mr Chaves po ba? I mean.. Grey Chaves po?"


Napamaang naman ako sa biglaan niyang pagtatanong. Nilingon ko si Meryl na tahimik lamang na nakikinig sa usapan naming mag-ama pero nagkibit balikat lamang siya.


Kilala niya ko?



Is this for real? O dinadaya lang ako ng ilusyon ko sa kagustuhan na makilala niya ko bilang ama niya?



"Sorry for the question, Mister. Its just that.. Your face looks like him. Ninong Cupid told me that He is my Daddy. Nakita ko pa kasi yung picture niya sa drawer ni Mama. Sa likod po ng picture ay may nakasulat pong pangalan niya. Kaya tinanong ko po si Ninong Cupid. Pero sabi niya wag ko daw sabihin kay Mama na sinabi niya. Secret lang namin yun dalawa. Pero syempre po gusto ko rin naman pong makilala ang Daddy ko. Para kapag po nakapag-asawa na si Ninong Cupid ay hindi ko na siya kailangang agawin pa sa magiging anak niya."


Ang tingin niya ay nanatili lamang sa pagkain. Puno ang kanyang bibig pero patuloy pa rin siya pagkukwento nang hindi tumitingin sakin.



Napabuntong hininga na lamang ako bago ko kinuha ang wallet sa bulsa ko. Mula roon ay kimuha ko rin ang isa sa mga I.D ko at walang salitang inabot iyon kay Aya.


"Ikinagagalak kong sa wakas ay nakilala na kita. Sana lang ay hindi magalit sakin ang Mama mo dahil pinangunahan ko siya. Its really nice to meet you for real, Aya. My name is Grey Chaves. I'm your Dad."

__

My phone suddenly rang.


Natataranta kong kinuha iyon para malaman kung sino ang tumatawag dahil baka may nakakita na sa anak kong hanggang ngayon ay nawawala pa.




Dumidilim na ang paligid at mas lalo akong natatakot na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan siya.



"Hello, Cupid! Ano nang balita? Alam mo na kung nasaan si Aya?" Daretso kong tanong.




Rinig ko namang napabuntong hininga siya bago sumagot ng hindi.




Sa gitna ng daan kahit alam kong maraming makakakita ay hinayaan ko ang sarili kong mapaupo sa sahig. Pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga tuhod ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.




"Diyos ko, Kayo na pong bahala kung nasaan man ang anak ko. Pagkalooban niyo po nawa siya ng kaligtasan dahil kung sakaling may mangyaring masama sa kanya ay hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko." Mahinang dasal ko.




Muli akong tumayo at hawak ang larawan ni Aya ay nagtanong tanong ako sa mga tao.



Pero ni isa sa kanila ay walang nakakita ni anino ng anak ko.




Gusto kong manigaw.

At parang gusto kong mang-away para lang mailbas ang sari-saring emosyon sa dibdib ko.


Parang gusto ko na lang maiyak sa sobrang pag-aalala.




Si Aya na lang ang meron ako.





Mawawala pa ba? Hindi.


Hindi ako papayag!


Pakshet. Bakit ko ba iniisip to? Anong klase akong ina? Ni hindi ko manlang nabantayan ng ayos ang anak ko.





Muling tumunog ang phone ko. Hindi ko na sana iyon papansinin pero kusang kumilos ang kamay ko para kunin ito.


I received a message from Cupid. Agad na nagliwanag ang mukha ko nang mabasa ang text niyang alam niya na kung nasaan ang anak ko. I was about to make a call to Cupid when my phone beep for the nth time.



And when I opened the notification I received.



There is a message from my daughter, Aya telling me that she is okay. She's using someone's phone. And aside from the message, Meron din akong nakitang image na naka-aatach rito.


A picture of my daughter smiling in front of the camera popped out on my screen.


Pero hindi siya nag-iisa.


Dahil kasama ni Aya sa larawan ang tunay niyang ama.

☆☆☆

1 remaining chapter. Then Epilogue. Enjoy guys! Thank you so much!

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon