Chapter 1

21K 308 30
                                    

Author's Note: Hi. Because some of you asked for Connor and Dolphin's story, here it is. Ito ang finale ng HELLO BAND SERIES. Nasa profile/reading list ko ang HELLO BAND SERIES wherein makikita niyo ang iba pang stories ng mga kabanda ni Connor. Ito ang pagkakasunod-sunod:

Book 1--- A Playboy May Cry (Shark&Antenna)

Book 2--- A Robot May Blush (Bread&Peanut)

Book 3--- A Rocker May Get Tongue-tied (Riley&Crayon)

Book 4--- He May Fall For Her (Connor&Dolphin)


***

NAGNININGNING ang mga mata ni Dolphin habang nakatingin sa nakahilerang cake mula sa labas ng salamin. Pag-angat niya ng tingin ay nagulat siya nang sumalubong sa kanya ang nakangiting guwapong mukha mula sa kabilang panig ng salamin.

Napasinghap siya. "Haru! Ginulat mo ko!"

Tatawa-tawa lang si Haru nang dumiretso ito ng tayo. "Hi, Dolphin. Nandito ka na naman."

Madalas ay sa Harury's Sweets siya tumatambay dahil madalas ay naroon ang HELLO Band. At siyempre, kung nasaan si Connor ay naroon din siya. Pero bukod do'n ay mahilig talaga siya sa pastry kaya madalas siyang naroon kahit wala si Connor.

Dumiretso ng tayo si Dolphin at tinuro ang cake na nagustuhan niya. "Bibilhin ko 'yan." Nagtaka siya nang si Haru mismo ang nagtungo sa malaking ref sa likuran nito at kumuha ng cake na in-order niya. "Nasaan ang mga tauhan mo?"

Ipinatong ni Haru ang cake sa ibabaw ng counter at yumuko habang naghahanap marahil ng kandila sa cabinet. "Nag-resign na sina Peanut at Shizu. Naghahanap pa ko ng kapalit nila. May ipapasulat ka ba sa cake mo? Mukhang espesyal ang araw na 'to dahil ang ganda ng suot mong bestida."

Agad siyang napangiti dahil sa papuri ni Haru. "Salamat. Graduation kasi ni Connor ngayon kaya pupuntahan ko siya sa Empire."

Tumango-tango si Haru. Pinorma na rin nito ang hawak nitong icing na nakalagay sa pastry bag na ang dulo ay animo dulo ng ballpen. "So, "congratulations" ba ang isusulat ko rito?"

Umiling siya. ""Will you marry me?""

Ngumiti ng pilyo si Haru. "Okay, I will marry you when you grow-up."

Natawa lang si Dolphin dahil halata namang nagbibiro lang si Haru.

Nilabas ni Dolphin mula sa bag niya ang isang singsing. It was a simple silver band. She dipped the ring in the icing.

Natawa si Haru dahil sa ginawa niya. "You know, Dolphin. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng napaka-passionate manligaw. If only you're not five years my junior, I could have asked you out," biro ni Haru.

Pilyang ngumiti siya. "Kaya ang suwerte-suwerte sa'kin ng baby love Connor ko."


***

"TITA Carlota, Tito Matthew, maraming salamat ho talaga at sinama niyo ko sa family dinner niyo," nakangiting sabi ni Dolphin sa mga magulang ni Connor. Pagkatapos ng graduation ceremony nina Connor at ng Kuya Shark niya ay sinama siya ng mga magulang ni Connor sa dinner ng mga ito dahil may date ang kapatid niya sa girlfriend na si Antenna.

Samantala, kaalis lang ni Riley sa dinner na iyon kani-kanina para bumalik sa ospital at bantayan si Crayon. Sumabay na rin si Madison sa pag-alis ni Riley dahil may overnight daw si Madison sa bahay ng kaibigan.

"Wala 'yon, hija. O siya, mauna na kami ng Tito mo para mapag-isa kayo ni Connor," nakangiting sabi ni Tita Carlota na kasabwat niya sa pamimingwit kay Shark. "I'm very relieved that you are there for my son."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon