"DADDY Connie!"
Napangiti si Connor, saka yumuko para salubungin ang yakap ng kanyang baby. "Baby, come to daddy!" Tumayo siya, yakap-yakap pa rin ang baby niya, saka niya ito inangat sa ere. "Hey, baby. Did you miss daddy?" Tumawa ang bata. Nakakahawa ang tawa nito kaya napahalakhak na rin siya. "Yes, I missed you, too, baby!"
"Well, that could have been a heart-warming scene..."
Nilingon niya ang nagsalita. Nakita niya si Riley na nakasandal sa grandstaircase ng bahay nito.
"Only if that is your own son," iiling-iling na pagpapatuloy ni Riley. "Huwag mong angkinin ang Baby Paint ko. And please, don't make my son call you 'daddy'."
Natawa lang si Connor, saka maingat na binaba si Paint sa sahig. Gumapang si Baby Paint pabalik sa carpeted floor ng sala para maglaro ng lego. Marunong na itong maglakad, pero mas gusto pa rin nito ang gumagapang. "Nasaan si Baby Pastel?"
"Sinama ni Crayon kina Antenna. Binisita nila si Baby Koi. Hindi na kami nakasama dahil bad mood 'yang si Baby Paint, ayaw maligo. Iniwan tuloy kami ni Crayon at ni Baby Pastel. Siguradong hahanapin ni Shark si Baby Paint," natatawang kuwento ni Riley.
Ngumiti lang si Connor. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin. Simula nang umalis si Dolphin ng bansa, hindi na siya kinausap uli ni Shark. Tumigil na rin siya sa paglapit kay Shark dahil alam niyang mas makakasira lang 'yon sa pagkakaibigan nila.
Dating pagkakaibigan.
At sa isang kasunduan.
Bumuntong-hininga si Connor. "Kumusta sina Mommy at Daddy?"
Ngumiti si Riley. "They're doing good. Nasa Davao lang sila. Why don't you visit them?"
Natahimik si Connor. Simula nang malaman ng kanyang mga magulang ang pagmamahalan nila ni Madison, nagkagulo na ang kanilang pamilya. Pinapunta ni Daddy Matthew si Madison sa London para doon ipagpatuloy ang pag-aaral nito, at para na rin malayo sa kanya. Ginusto na rin iyon ni Madison para mapahupa ang galit ni Daddy Matthew.
Samantalang si Connor naman, halos itakwil ng kanyang mga magulang. Galit sa kanya si Daddy Matthew, at hindi na siya kinausap ng kanyang ina. Minabuti na lang niyang lumayo sa mga magulang upang bigyan ng espasyo ang mga ito. They have all the right to hate him.
Nagalit din sa kanya si Riley noong umpisa. Pero kalaunan ay napatawad din siya ng kanyang kapatid. Hindi daw nito naiintindihan ang damdamin niya para kay Madison, pero patatawarin siya nito dahil magkapatid daw sila.
Hindi naging madali para kay Connor ang limang taong lumipas dahil halos nawala na sa kanya ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Subalit may isang bagay naman siyang ipinagpapasalamat – ang pagiging matagumpay niyang songwriter-slash-singer.
Apat na taon na ang nakakalipas nang magwagi ang kanta na siya ang nag-compose sa High Notes Music Festival. Minahal ng mga Pilipino ang pinanlaban niyang kanta na may titulong Sudden Change of Heart kahit hindi iyon ang nanalo sa patimpalak. Pero naging huge step iyon sa kanyang pagiging songwriter. Ang naging break niya sa industriya ay nang lapitan siya ng isang TV director at hilinging gumawa siya ng kanta para sa drama na gagawin nito. The drama became a huge success with the help of his song that also became a hit. Even the veteran songwriters praised him. Ang sabi pa nga ng mga kapwa niya songwriter, siya ang bumuhay sa OPM. Ever since then, he became a household name in the Philippine music industry.
Though he had to make sacrifices. Hindi na niya na-practice ang pagiging engineer niya dahil nag-focus siya sa pagsusulat at paggawa ng mga kanta, na passion naman niya talaga.
"Connor?" untag sa kanya ni Riley.
Umiling-iling siya para bumalik siya sa huwisyo. "Uh, maybe next time. Baka hindi pa handa sina Mommy at Daddy na makita ako. That's the reason why they moved to Davao, right?"
Hindi nakasagot si Riley. Hindi naman kailangan dahil ramdam niyang iyon talaga ang dahilan kung bakit pinili ng kanilang mga magulang na sa Davao na manirahan.
Lumapit sa kanya si Riley at tinapik siya sa balikat. "It's been five years, Connor. Mommy and Daddy are probably just waiting for you to come back."
"How's your next exhibit?" pag-iiba na lang niya ng usapan.
Nakuha naman ni Riley na ayaw niyang pag-usapan ang mga magulang dahil mabilis din itong sumakay sa binuksan niyang usapan. "It is scheduled next month. Aasahan kita ro'n. And I expect you to buy at least one painting."
Natawa si Connor, saka binalingan si Baby Paint na naglalaro ng mga lego. "Of course. Para sa future ng mga pamangkin ko, bibili ako ng painting mo."
Ngumiti lang si Riley.
Tumikhim siya, hindi alam kung paano sisimulan ang susunod niyang tanong. "Riley –"
"Madison is doing good," nakangiting sansala ni Riley sa sinasabi niya upang marahil hindi na siya mahirapan sa pagtatanong. "Tinawagan ko siya kagabi para kamustahin. She told me to tell you not to worry about her."
Napangiti si Connor. Masaya siyang marinig iyon. Pagkatapos kasi ng insidenteng sumira sa pamilya nila limang taon na ang nakararaan, umiwas si Connor kay Madison at gano'n din ito sa kanya, bilang respeto na rin siguro sa mga magulang nila kahit pa nabastos na nila ang mga ito dahil sa kanilang kasalanan.
Unti-unting nawala ang ngiti ni Connor nang nasakop naman ng imahen ni Dolphin ang kanyang isipan. Kung may nagawan man siya ng malaking kasalanan sa kanyang nakaraan, si Dolphin iyon.
"Kuya..." nag-aalangang sambit niya.
Riley gave him an encouraging smile. "What is it, little brother?"
Nilakas na ni Connor ang kanyang loob. "May balita ka ba kay Dolphin mula kay Shark?"
Matagal bago muling nagsalita si Riley. "Ang sabi ni Shark, mabuti naman ang lagay ni Dolphin sa Manhattan. And... and he doesn't think Dolphin wants to come back here."
Daig pa ni Connor ang nasuntok sa dibdib. Kung gano'n, wala na palang balak bumalik si Dolphin ng Pilipinas. O mas tamang sabihin ayaw na siyang balikan ni Dolphin.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...