Chapter 42

5K 163 23
                                    

HINDI alam ni Connor ang mararamdaman ngayong naroon siya sa dati niyang kuwarto sa bahay ng mga magulang. Malinis pa rin iyon dahil may care taker na nagme-maintain ng kalinisan ng mansiyon kahit hindi na ro'n nakatira ang mga magulang niya. Si Riley kasi ay nagpatayo ng sariling bahay matapos magpakasal kay Crayon.

Limang taon na ang nakakalipas simula nang huling beses siyang tumapak do'n. At ngayon lang siya nakabalik.

Matapos maging matagumpay ng operasyon ng kanyang ina, inaya niya si Daddy Matthew na magpahinga muna sa bahay. Hindi pa kasi ito natutulog, kumakain at naliligo man lang. Ngayong maayos na ang lahat, nakumbinsi niya itong magpahinga sa bahay. Kapag sa ospital kasi naiidlip si Daddy Matthew, mababaw lang ang tulog nito dala ng sobrang pag-aalala.

Nagulat si Connor nang ayain siya ni Daddy Matthew na umuwi na rin muna sa bahay nila. Naging emosyonal siya, at habang nasa biyahe sila ng stepfather niya kanina, sinabi rin nito sa kanya ang sinabi ng kanyang ina noon.

"Anak, sana mapatawad mo ko sa ginawa kong pagtatakwil sa'yo noon. Akala ko noon, pinagsamantalahan mo ang kabataan ng anak kong si Madison. Pero nauunawaan ko na ngayon ang nararamdaman niyo, kahit hindi pa lubusan. Kung mahal niyo pa ni Madison ang isa't isa, magpakasal na kayo. Hindi ako tututol," ang sabi ni Daddy Matthew kanina.

Bumuntong-hininga si Connor, saka umupo sa kama. Kung noon siguro ibinigay ng kanyang mga magulang ang blessing ng mga ito sa pagmamahalan nila ni Madison, siya na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Pero bago pa man matuklasan ng lahat ang nararamdaman niya para kay Madison, naglaho na iyon dahil ibang babae na ang mahal niya – si Dolphin. Si Dolphin lang...

"Connor..."

Nagulat si Connor nang pumasok sa kanyang kuwarto si Madison. Matapos magtapat ng dalaga sa kanya noong nasa ospital siya, bigla siyang nakaramdam ng pagkailang... at konsensiya. "Maddie..."

Marahang sinara ni Madison ang pinto. "Connor, iniiwasan mo ba ko?"

Bumuga siya ng hangin. "Maddie, you shouldn't call me by my name. Baka marinig ka nina Mommy at Daddy."

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Madison. "Bakit hindi ka masaya na hindi na kita tinatawag na "kuya"? Nabasa ko noon sa sinulat mo sa music sheet na ginawa mong scratch paper na sana, dumating ang araw na hindi na kita tatawaging kuya."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Is that how you found out that... that I see you as a woman and not as a sister?"

Marahang tumango si Madison. "Aaminin ko, natakot ako no'ng una. Pero nang naging aware ako na mahal mo ko higit pa bilang kapatid, naging aware na rin ako sa nararamdaman ko para sa'yo. I became conscious around you, I became clingy to you. Gusto ko sa'kin lang ang atensiyon mo." Pinakita nito ang suot na bracelet. "At nang makita ko ang ibig sabihin ng Infinity Bracelet, I realized that I am also in love with you."

Mariing napapikit si Connor. Sinasabi na nga ba niya't kasalanan niya kung bakit nagkagusto rin sa kanya si Madison. Natuklasan ng dalaga ang lihim niyang pagtingin dito at inisip nitong tama iyon, kaya nagkaroon na rin si Madison ng kakaibang pagtingin para sa kanya. Kung marahil noong umpisa pa lang ay tinigil na niya ang kabaliwan niya, hindi matutukso ang dalaga na tingnan siya ng higit pa sa isang nakatatandang kapatid.

"Connor... nagbago na ba ang feelings mo para sa'kin?"

Nagulat si Connor nang pagmulat niya ay napakalapit na ni Madison sa kanya. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ng dalaga. "Madison..."

Lalong naging matibay ang takot at pangamba sa mukha ni Madison. "Na-realize mo ba na mali ang nararamdaman mo sa'kin, Connor? O nagbago na ang feelings mo sa'kin dahil si Dolphin na ang mahal mo?"

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon