NANG magising si Dolphin, naroon na siya sa kanyang kuwarto, nakahiga sa kanyang kama. At sa tabi niya ay si Haru na mataman siyang pinagmamasdan. May kakaibang lungkot sa mukha ng kanyang boyfriend.
"Haru..."
Ngumiti si Haru, subalit hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Good morning, baby. Kumusta ang hang-over?"
Umiling siya. "Hindi okay. Masakit ang ulo ko."
Bumuga ng hangin si Haru, saka tinulungang bumangon si Dolphin. Inabutan siya nito ng aspirin na agad niyang inimon sa pag-asa na maalis niyon ang sakit ng kanyang ulo.
"Paano ako nakauwi?" tanong ni Dolphin matapos uminom ng gamot.
Nag-iwas ng tingin si Haru. "Si Connor. Tinawagan niya ko kagabi at sinabing nasa bahay ka niya, lasing na lasing."
Saka naman parang pelikula na naglaro sa isipan ni Dolphin ang mga naganap kagabi. Dala ng labis na sama ng loob kay Shark, nagpunta siya sa bar at naglasing. Pagkatapos ay nag-taxi siya at nagpunta sa unit ni Connor.
Hindi na gaanong maalala ni Dolphin ang mga pinag-usapan nila ni Connor, pero naaalala niya ang mainit na halikan nila ng binata.
Nag-init ang mga pisngi ni Dolphin dala ng pagkapahiya sa sarili. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso kay Haru.
"May... may nangyari ba sa inyo ni Connor kagabi?" nag-aalangan na tanong ni Haru, mahihimigan sa boses ang paghihinanakit.
Umiling si Dolphin. "Wala. Pero nag-confess na kami sa isa't isa. That we still have feelings for each other." Bumigat ang dibdib niya sa ginagawa niyang pag-amin pero hindi niya kayang magsinungaling kay Haru. "I'm so sorry, Haru. I don't deserve you."
Narinig niyang nagmura ng malakas si Haru.
Nang mag-angat ng tingin si Dolphin, kitang-kita niya ang matinding hinanakit at galit sa mga mata ni Haru. Pero higit sa lahat, halatang nasaktan niya ito sa ipinagtapat niya. Nag-iwas ng tingin sa kanya ang binata. "Maiintindihan ko kung hindi mo ko mapapatawad, Haru. Like I said earlier, I really don't deserve you."
Mariing pumikit si Haru, halatang kinakalma ang sarili. "Iyon lang ba ang nangyari?"
Tumango si Dolphin. "Hindi ko na matandaan 'yong ibang pinag-usapan namin."
Matagal bago muling nagsalita si Haru. "I forgive you, Dolphin. Epekto lang ng alak kaya mo nasabi 'yon."
Nagulat si Dolphin. Gano'n lang ba kadali 'yon? "Haru–"
Umaliwalas ang mukha ni Haru, kahit pa sabihing pilit lang ang ngiti nito. "Aaminin ko, masakit. Pero wala naman akong dapat ipag-alala. Lahat tayo nagkakamali. Lalo na't nakainom ka. Huwag mo na lang uli gagawin 'yon, okay?"
Bumuga ng hangin si Dolphin. "Pero Haru –"
"Sa tingin ko hindi ako dapat mag-overthink. Gaya ng sinabi mo noon, mukha ngang lalayuan ka na talaga ni Connor."
Kumunot ang noo ni Dolphin. "What do you mean, Haru?"
Tinitigan siya ni Haru sa mga mata. "Nang sunduin kita sa bahay ni Connor kagabi, sinabi niya sa'kin na alagaan daw kitang mabuti. Sa susunod na linggo, pupunta na siyang Davao... kasama si Madison at ang mga magulang nila. Hindi ko alam kung para magbakasyon, o pangmatagalan na."
Pakiramdam ni Dolphin ay may tumarak sa puso niya. Aalis si Connor kasama si Madison at ang mga magulang ng dalawa? Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Tita Carlota sa ospital – ibinibigay na nito ang blessing sa relasyon nina Connor at Madison.
Ngayon bang malaya na si Connor at Madison, mas pinipili na ng binata ang first love nito kaysa sa kanya? Kahit pa sinabi ni Connor na siya ang mahal ng binata?
Nanlumo si Dolphin.
"Dolphin...puwede ba kong humiling sa'yo?" paglalambing ni Haru.
Bumalik ang atensiyon niya kay Haru. Malaki ang kasalanan niya sa binata kaya nararapat lang na ibigay niya ang hihilingin nito. "Ano 'yon?"
"Let's go back to Manhattan."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...