Chapter 39

4.9K 163 24
                                    


NAPATINGALA si Dolphin kay Connor nang huminto ang binata sa kanyang harapan. They were too close, dangerously close. She could breathe in him, and he was doing the same. Their eye contact didn't break. And it seemed that the whole world suddenly turned silent.

"Dolphin..." punung-puno ng emosyon na pagbanggit ni Connor sa kanyang pangalan. "I know that you're happy with your life now. I am also completely aware that somebody else is making you smile. Kaya patawarin mo ko kung ginugulo kita ngayon. Pero pangako, ito na ang huli. This is a selfish request but please answer me, my love. Do you... do you wanna run away with me? Let go of the past, forget everything and everyone and create a new life together?"

Dolphin heard a collective gasp, but her breath was taken away.

Nangilid ang mga luha ni Connor at nakikita ni Dolphin sa mga mata ng binata ang labis na pagmamahal at labis na paghihirap. "Please don't be in love with someone else, Dolphin. Please say that you still love me. Because I still do. I'm willing to throw away everything, even my morals, just to have you again."

Pumatak na ang mga luha ni Dolphin, saka pinagbababayo ang dibdib ni Connor na hinayaan lang siya. "That is indeed a very selfish request, Connor... very selfish..."

Nang tuluyan nang mapaiyak si Dolphin ay niyakap siya ng mahigpit ni Connor. Once again, the world faded in the background, but this time, the reality held her on her feet.


***

TAHIMIK lang si Dolphin sa biyahe. Si Connor ang nagmamaneho ng kanyang kotse dahil nagprisinta itong ihatid siya. Pagkatapos ng eksena nila sa shooting kanina, nagkislapan ang mga camera kaya minabuti ng binata na ilayo siya ro'n. Tinakpan nito ng jacket ang kanyang mukha at inakay siya paalis, sa tulong ng mga personal bodyguard nito.

"Alam mo ba na sa ginawa mo, pagtsi-tsismisan tayo ng buong Pilipinas?" galit na tanong ni Dolphin kay Connor. "Ayokong makaladkad ang pangalan ko sa eskandalo."

Bumuga ng hangin si Connor. He looked so stressed. "I know, and I'm sorry. Nawala ako sa sarili ko kanina. Huwag kang mag-alala, siguradong gagawa ng paraan si Yuanne para hindi lumabas sa media ang nangyari, kung hindi man ay para mabilis na mamatay ang tsismis. She's good at that. Hindi rin naman ako mapapayag na madawit ang pangalan mo dito."

Tumingin sa labas ng bintana si Dolphin, hindi maatim tingnan ang sakit sa mga mata ni Connor. "Bakit mo kasi ginawa 'yon?"

"When I saw you... I got very excited. Whenever you're near, I feel this urge to let you how much I love you... kahit pa sa harap iyon ng buong mundo," halos pabulong na sabi ni Connor.

Napahikbi si Dolphin, hindi na napigilang lingunin si Connor. "Ang sarap-sarap sanang pakinggan ng mga sinasabi mo, Connor. Nararamdaman ko naman na sa pagkakataong ito, hindi ka na nagsisinungaling. Na mahal mo nga talaga ako. Pero bakit kasi ngayon lang? May Haru na ko... at mahal ko siya."

Nagtagis ang mga bagang ni Connor. "Do you love Haru more than you love me?"

"Hindi na kita mahal," kaila ni Dolphin.

"You know that's not true." Connor's face softened when he turned to her. "Mahal mo pa ko, Dolphin, at naramdaman ko 'yon habang nakatingin ka sa'kin kanina."

Hindi nakasagot si Dolphin. Ipinagkanulo na ba siya ng kanyang damdamin? She thought she has moved on, she thought she was doing well with the last two years she has spent with Haru. Pero... pero tama si Connor.

Muli ay napaiyak si Dolphin. Para siyang bata na humagulgol habang naiinis na pinupunasan ng mga kamay ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. "Bakit gano'n? Bakit kahit ang sakit-sakit, ang sarap-sarap marinig na mahal mo pa rin ako? Bakit kahit masaya naman ako kay Haru, ikaw pa rin ang gusto ko? Bakit kahit sinaktan mo ko noon, hindi pa rin ako natatakot na mahalin ka uli? I hate feeling this way, Connor. I hate... I hate loving you. Okay na ko, eh. Dapat hindi mo na uli ako ginulo!"

"Dolphin..." sabi ni Connor na tila ba nahihirapang makita siyang umiiyak. Itinabi nito ang kotse sa gilid ng kalsada, tinanggal ang seatbelt na suot, at niyakap siya ng mahigpit. "Shh... don't cry, baby love."

"Iiyak ako kung kailan ko gusto," humihikbing pagmamaktol ni Dolphin, pero hindi rin niya napigilan ang pagpalupot ng mga braso sa leeg ni Connor. "Okay na ang lahat, eh. Pero ginulo mo, Connor. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ngayon..."

"Baby love, nothing is really okay when you're not with the person you truly love. I was not okay for the last five years because you weren't with me, and I will never be okay if I lose you again. So please, choose me," pagmamakaawa ni Connor.

Kumalas sa pagkakayakap kay Dolphin si Connor para pagmasdan siya ng binata.

Hindi alam ni Dolphin kung ano'ng nangyari, pero tila nahipnotismo siya ng kulay-dagat na mga mata ni Connor. Nang dahan-dahang ibaba ng binata ang mukha sa kanya, unti-unti naman siyang pumikit, buong-pusong hinintay ang halik nito...

Na hindi natuloy dahil tumunog ang cell phone ni Connor. Natauhan naman bigla si Dolphin. Anuman ang dahilan, pinagtataksilan pa rin niya si Haru sa kanyang ginagawa!

Nagmulat si Dolphin at marahang tinulak si Connor. "Sagutin mo ang tawag, baka importante."

Bumuga ng hangin si Connor, halatang iritado dahil hindi natuloy ang kanilang paghahalikan. He kissed the top of her head before he went back to his seat. Nakakunot ang noong sinagot nito ang tawag. "Riley, that better be important."

Unti-unting nawala ang kunot ng noo ni Connor at napalitan ng labis na pag-aalala ang kanina ay iritasyon ng binata. He even looked shocked.

Hinawakan ni Dolphin si Connor sa balikat at marahang niyugyog ang binata sa labis na pag-aalala dahil sa paninigas nito. "Connor, what happened?"

Do'n lang tila natauhan si Connor. "Si Mommy..."


***

NAKAHINGA ng maluwag si Dolphin ngayong nakikita niyang nasa maayos na kalagayan na si Tita Carlota, ang ina ni Connor. Panatag na rin siya na kalmado na si Connor, hindi tulad kanina na halos hindi nagsasalita at kumikibo ang binata. Pinagmamasdan niya ang mag-ina mula sa hugis kahon na salamin sa pinto sa kuwarto.

Nalaman ni Dolphin mula kay Riley na nakakuwentuhan niya kanina na sa Davao na pala nakatira si Tita Carlota at Tito Matthew. Doon daw inatake sa puso si Tita Carlota, at lumabas sa resulta na kailangang maoperahan ang ginang para maalis ang bara sa puso. Minabuti na ni Tito Matthew na dalhin ang asawa sa Maynila para maisagawa ng espesyalista ang operasyon. Iyon ang dahilan kung bakit nagbalik ang mga magulang ni Connor.

Umatras si Dolphin nang lumabas ang magkapatid na Riley at Connor, kapwa maaliwalas na ang mukha.

Ngumiti kay Dolphin si Connor. "Dolphin, salamat at sinamahan mo si Connor. Kung wala ka siguro, baka nag-panic na 'yan."

Ngumiti si Dolphin. "Wala lang 'yon."

"No, that's really not a small thing," kontra naman ni Connor sa sinabi ni Dolphin. He then wrapped an arm around her waist for a half-hug. "Thank you, baby love."

Nag-init ang mga pisngi ni Dolphin dahil sa ginawa ni Connor, lalo't nasa harap sila ni Riley. Ano na lang ang iisipin ni Riley na ngayon ay bahagya nang nakakunot ang noo? Nagpapayakap siya sa kapatid nito gayong alam naman ng lahat na si Haru na ang kanyang boyfriend. Tinawag pa siyang "baby love" ni Connor – ang endearment niya para sa binata noon.

Sasawayin sana ni Dolphin si Connor pero nakaramdam naman ang binata dahil binitawan agad siya nito.

"Dolphin, Mommy wants to talk to you," sabi ni Connor. "Na-miss ka yata."

Nag-alangan si Dolphin. Hindi pa niya nahaharap si Tita Carlota matapos ang limang taon...

Connor smiled softly at Dolphin. "Gusto mo bang samahan kita?"

"No," mariing kontra naman ni Riley, pero nakatuon ang mga mata ng lalaki kay Connor. "Connor, let Dolphin talk to Mom alone. Kailangan din nating mag-usap."

Hindi alam ni Dolphin kung ano'ng pinag-usapan nina Connor at Riley.

Pero ang pinag-usapan ni Dolphin at Tita Carlota ay parang naging sampal ng realisasyon sa mukha ng dalaga.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon