Chapter 8

5K 196 19
                                    

"KUYA Connor!"

Ngumiti si Connor nang makita si Madison. Kalalabas lang nito ng gate ng East Sun University. "How was school, Maddie?"

"Okay lang. Nakakapagod. Bakit sinundo mo ko ngayon, Kuya?"

"Wala naman. I just missed you. 'Wanna hang-out?"

Mabilis na tumango ito. "Sure. Mag-merienda tayo. Nagugutom ako."

Ngumiti siya. Masaya siyang makita na masaya at excited si Madison ngayong kasama niya ito. Pero hindi pa rin niya maiwasang maramdaman na parang may kulang.

Bago pa maproseo ng utak niya, namalayan na lang niya ang sarili niya na lagpas na ang tingin kay Madison at iniisa-isa ang mukha ng mga babaeng lumalabas ng East Sun. Subalit wala sa mga iyon ang hinahanap niya.

"Kuya?" untag ni Madison sa kanya.

Dumako ang tingin niya rito. "Hmm?"

"May hinahanap ka ba?"

"Wala," pagsisinungaling niya.

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Madison. "Si Dolphin ba?"

Hindi siya nakasagot. Marinig pa lang ang pangalan ni Dolphin ay nanariwa na ang sakit sa puso niya. He didn't know hurting her could hurt this much.

Naging malungkot ang mukha ni Madison. "Halos isang linggo ko nang hindi nakakausap si Dolphin. Kapag nagkakasalubong kami dito sa school, hanggang ngiti lang siya. She seems to be busy with her activities."

He felt his heart sink. Kahit pala si Madison, hindi pa nakakausap si Dolphin.

Simula nang maghiwalay sila ni Dolphin, hindi pa niya ito nakakausap at nakikita. Nagkakabalita lang siya tungkol dito kapag nababasa niya ang mga tweet nito sa Twitter account nito. He didn't know if she was really okay now, and he was getting worried a lot about her.

Bumuntong-hininga siya. Siguro mas makakabuti kay Dolphin kung mawawala na siya sa buhay nito.

"Saan mo gustong pumunta, Maddie?" pag-iiba niya ng usapan.

Nag-isip si Madison. "Parang gusto kong kumain ng cinnamon roll. Sa Harury's Sweets tayo, Kuya. The best ang cinnamon roll nila ro'n."

Gaya ng request ni Madison, dinala nga niya ito sa Harury's Sweets at in-order ang lahat ng gusto nitong kainin. Samantalang kape lang ang in-order niya para sa sarili niya. Nitong nakaraan kasi ay wala siyang ganang kumain.

"Kuya..." pagsisimula ni Madison na parang pinapakiramdaman siya. "May problema ba kayo ni Dolphin?"

Nagulat siya. Kung gano'n, wala pang nababanggit si Dolphin kay Madison kahit isang linggo na ang lumipas simula nang maghiwalay sila?

"Kuya, mukhang may problema ka ha," malungkot na sabi ni Madison. "Wala ka sa sarili mo eh. I hate seeing you like that."

"Ako? Wala sa sarili?"

Tumango ito. "Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa'yo ngayon. You look down."

Nagulat siya. He didn't know about that.

Ngayon lang. Kapag kasama niya si Dolphin, wala siyang nararamdamang kakaiba. Pero ngayong wala na ito sa tabi niya, ramdam na ramdam niya ang kaibahan. It was so quiet. It was so normal. It was almost boring.

Gusto niya ng tahimik lalo na kapag gumagawa siya ng kanta. But now, he hated the silence. He hated to be alone. It reminded him that there was no Dolphin who would turn his world upside down anymore.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon