NAGULAT si Dolphin nang pagpasok niya sa unit ni Connor ay nakita niya ang maliliit na cupcake boxes na nagkalat sa sahig. Iba-iba ang kulay ng mga iyon, may pink, baby blue at sunny yellow. B ut they were all cute. Napansin niya na ang ibang kahon ay may nakadikit nang sticker sa likuran.
Pumunta si Dolphin sa unit ni Connor dahil ang sabi ng binata, gusto raw nitong ipakita sa kanya ang mga ginagawa nito para sa kanilang munting "challenge". Pumayag na siya dahil gaya ng sinabi niya kay Connor, pagbibigyan niya ito dahil iyon naman na ang huling pagkakataon na magkakasama sila.
Pinagbigyan na ni Dolphin si Connor sa kagustuhan ng binata na bumawi sa kanya dahil karapatan nitong tuluyang mahingi ang kanyang buong kapatawaran, at para na rin maalis ang natitirang sama ng loob sa kanyang loob. Sama ng loob na kanyang pilit pinipigilan dahil naniniwala siyang wala nang saysay ang pahirapan pa si Connor.
Umiling-iling si Dolphin upang mawala iyon sa kanyang isipan.
Nang kumuha si Dolphin ng isang box at tiningnan ang likuran niyon, nakita niya na may nakasulat pala sa sticker:
Sweet Dolphin's Pastries
Did you like it?
o Yes
o No
o (Please state your comment here) _____________________________________________________________________
Sa itaas naman ng box ay may nakadikit ding sticker, pero iba naman ang nakasulat:
If you like to order, please contact me.
Phone number: 0906-124-6604
Facebook: dolphin.pastries.ph
E-mail: dolphinpastrychef@gmail.com
"You're already working on it?" hindi makapaniwalang tanong ni Dolphin kay Connor.
"Yeah," tila proud na sagot ni Connor. "I already told you, ako nang bahala sa iba. All you have to do is concentrate on baking."
Umupo si Dolphin sa sofa, nanatiling nakatitig sa sample box na hawak. "Ginawa mo ba ang mga account na nakasulat dito?"
"Yeah," mabilis na sagot ni Connor, saka ito sumalampak ng upo sa carpeted floor na bahagi ng sala, kung saan nakakalat ang mga kahon. "Naisip ko na kakailangan mo ng new accounts para ma-contact ka ng possible customers mo." Inabot nito sa kanya ang isang phone – Iphone. "Pinabili ko ng sim card ang PA ko. 'Yan ang gagamitin mo sa business."
Bumuntong-hininga si Dolphin. "Connor, you don't have to give me your phone. Kukuhanin ko na lang 'yong sim."
"Nah, it's okay. Spare phone ko lang naman 'yan," sagot ni Connor, saka itinuon ang atensiyon sa pagdidikit ng stickers sa natitirang mga kahon.
Napatitig na lang si Dolphin sa mga kahon. "Kaya pala tinanong mo ko kagabi kung ano'ng gusto kong tentative shop name ng balak kong itayo na pastry shop."
Ngumiti si Connor, pero hindi nakatingin sa kanya. And she realized his crooked smile didn't change. "Yeah. You can always change the name if you want. Pero sa ngayon, ito muna ang gamitin natin."
"Eh ano naman 'tong Facebook account na 'to?"
"Oh, that's a fanpage for Sweet Dolphin's Pastries." Tumigil si Connor sa ginagawa, inabot ang laptop sa ibabaw ng mesa, kinalikot iyon bago ibinigay sa kanya. "Check it out."
Tiningnan ni Dolphin ang fanpage. Napabungisngis siya. Ang cute-cute ng cover photo niyon kung saan may pictures ng cute na mga pastries, kasama ng pangalan ng kanyang "pastry shop". Ang display picture naman ay dolphin na may cupcake sa ibabaw ng ulo. "This is so cute, Connor! Ikaw ba ang gumawa nito?"
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...