Chapter 15

4.8K 172 17
                                    

MATAGAL na simula nang huling humiga si Dolphin sa kandungan ng kapatid niya habang kinakantahan siya nito. Hindi niya akalaing sa ganitong paraan pa mauulit iyon.

Nakabaluktot siya ng higa sa kama habang nakaunan sa kandungan ni Shark. Naroon siya sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay. Sinundan siya ng kapatid niya nang umalis siya sa condominium unit nito matapos nang naganap sa kanila ni Connor.

Marahang hinaplos ni Shark ang kanyang buhok. "Dolphin, tell me. Ano'ng ginawa ni Connor sa'yo? Bakit ka nagwawala kanina?"

Muling pumatak ang mga luha niya. Dahil patagilid ang higa niya, naglakbay iyon sa tungki ng ilong niya hanggang sa pantalon ng kapatid niya na basang-basa na dahil sa pag-iyak niya. "He broke my heart, Kuya..."

Matagal bago ito muling nagsalita. "I'm sorry."

"For what, Kuya?"

"No'ng umpisa pa lang, duda na ko sa paglapit sa'yo ni Connor gayong alam kong hindi ka na niya gusto. Ilang beses kong tinangkang pagsabihan siya na layuan ka na. Pero hindi ko magawa dahil alam kong masasaktan kita kapag ginawa ko 'yon. Kung alam ko lang na iiyak ka ng ganito dahil sa kanya, sana noon pa lang, sinapak ko na siya."

"Talaga, Kuya? Gagawin mo 'yon kahit kaibigan mo siya?"

Narinig at naramdaman niya itong humugot ng malalim na hininga. "Kaibigan ko si Connor. Pero kapatid kita. He hurt you, Dolphin."

Malungkot na ngumiti siya. "Mahal na mahal ko si Connor, Kuya."

"Pagkatapos kong makita kang umiiyak at nagwawala ng gano'n dahil sa kanya, sa tingin mo ba, hahayaan pa kita sa kalokohan mong 'yan? Kalimutan mo na si Connor, Dolphin," galit na sabi ni Shark. Pero alam niyang hindi para sa kanya ang galit nito.

"Kuya..."

"Alam kong simula pagkabata, parati na kitang tinataboy. Hindi ko ginawa 'yon dahil wala akong pakialam sa'yo. Ginawa ko 'yon dahil ayokong makita ka na bubuntot-buntot kay Connor. I care for you, Dolphin. You're the only sister I have in this world," masuyong sabi ng kapatid niya.

Hindi na siya sumagot pa. Pagod na pagod na siya para mag-isip, magalit at umiyak. Pumikit na lang siya.

Hindi alam ni Dolphin kung gaano katagal siya nakatulog. Pero nang magising siya, mag-isa na lang siya sa kama. Maayos ang pagkakapatong ng comforter sa kanyang katawan. Madilim na rin sa kuwarto dahil nakapatay ang mga ilaw.

Bumangon siya habang kinukusot ang mga mata niya. "Kuya..."

May narinig si Dolphin na sigawan sa labas. Nang sumilip siya sa labas ng bintana ng kuwarto niya, nakita niya sa labas ng gate sina Connor at Shark na tila nagtatalo. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa. Lumabas siya.

Namanhid na yata ang lahat ng damdamin ni Dolphin dahil wala siyang maramdaman kahit alam niyang naroon si Connor. Kahit galit, hindi niya makapa. Gano'n siguro kapag sobrang nasaktan ang isang tao, nawawala ng pakiramdam.

"Kuya," tawag niya kay Shark.

Nilingon siya ni Shark. Base sa kunot ng noo nito, galit ito. "Get back inside, Dolphin. Ako nang bahala rito."

Hindi pinansin ni Dolphin si Shark, kahit alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya. Dumako ang tingin niya kay Connor. May pasa ito sa gilid ng labi. Pero kung tutuusin, naisip pa nga niyang kulang pa iyon sa nagawa nitong kasalanan sa kanya.

"Gusto ko siyang makausap, Kuya," pakiusap ni Dolphin kay Shark.

"Dolphin!" tila hindi makapaniwalang saway sa kanya ng kapatid.

Nilingon niya ang kanyang kuya. She pleaded him with her eyes. "Please, Kuya."

Bumuga ng hangin si Shark. "Sampung minuto lang." Tinapunan nito ng masamang tingin si Connor. "I remember. Mag-empake ka na, Connor. Ayaw na kitang makasama sa bahay ko."

Tumango si Connor. "Yes, I will do that."

Umalis na si Shark, pero alam niyang pupuwesto ito sa malapit para mabantayan siya kaya kahit gustung-gusto niya, hindi siya sisigaw.

"Nandito ka ba para humingi ng tawad?" tanong ni Dolphin kay Connor.

Tumango si Connor. "And I also want to make sure you're home safe. Bigla ka na lang kasing umalis kanina."

"Sinundan naman ako ni Kuya kaya walang masamang nangyari."

Nanatili lang na nakatitig sa kanya si Connor. His blue eyes seemed to lose their magic. Wala na kasi siyang maramdamang espesyal sa mga mata na iyon. All she could in them now wasn't an ocean but a dead river.

"Tell me honestly, Connor. Mahal mo ba si Madison?" halos pabulong na tanong niya sa takot na baka marinig iyon ng kapatid niya at magwala ito.

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Connor. "I do."

Nagpapasalamat siya na wala na siyang maramdaman dahil kung sakali, tiyak na nadurog na naman ang puso niya dahil sa sagot nito. "Eh ako? Mahal mo ba ko?"

Tumango uli ito. Pero sa pagkakataong iyon ay gumuhit na ang pagkalito sa mga mata nito. "Oo, Dolphin. Mahal din kita."

Ngumiti siya ng mapait. "Alam mo ba na ang ilang hayop, mahigit sa isa ang puso? 'Yong mga octopus at squid, may tatlong puso. 'Yong mga earthworm naman, may limang puso. Kung dalawa kami ni Madison na mahal mo, dalawa rin 'yang puso mo. Siguro naman alam mo na kung ano'ng tawag sa'yo, Connor."

Dumaan ang matinding sakit sa mga mata ni Connor. "Dolphin, aaminin ko, nalilito ako sa sarili kong damdamin. Buong buhay ko, si Madison lang ang minahal ko. Pagkatapos ng lahat ng sakit at hirap na naranasan ko sa pagmamahal ko sa kanya, hindi gano'n kadaling kalimutan at bitawan 'yon. Pakiramdam ko, masasayang lahat ng isinakripisyo ko.

Pero nang makilala kita, nagbago ang lahat ng pananaw ko sa pag-ibig. Before there was you, the only kind of love I knew was that full of pain and bittersweet happiness. But when you came, you showed me a different kind of love. A love that is easy, full of laughters and smiles. Hindi ko namalayan, unti-unti na ring nahulog ang loob ko sa'yo."

Ang sarap sanang pakinggan ang mga sinabi ni Connor kung hindi niya lang alam ang katotohanan. Pero naroon pa rin ang takot sa kanyang puso. Kaya ba niyang pagkatiwalaan ang pagmamahal na sinasabi ng binata?

"Paano kung sabihin kong ayoko layuan mo na ko dahil ayoko nang marinig ang mga sasabihin mo?" halos pabulong na tanong ni Dolphin.

Her empty dark eyes bravely met his pained blue ones. Just like that, the sparkle they almost had began vanishing into thin air...

At iyon ang hindi kinaya ni Dolphin. Akala niya sapat na ang sakit na nararamdaman niya para pasakitan si Connor. Pero hindi kaya ng puso niya na makitang nasasaktan ang lalaking mahal niya, anupaman ang nagawa nitong pagkakamali sa kanya.

Ngumiti ng malungkot si Dolphin. "Iyon sana ang gusto kong mangyari, Connor. Pero..." Pumatak na ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. "Pero puwede ko bang paniwalaan ang sinabi mong mahal mo rin ako? Tatanggapin ko kahit pangalawa lang ako kay Madison. Kahit mas mahal mo siya. Ang gusto kong marinig, sabihin mong mahal mo rin ako."

Alam ni Dolphin na kaawa-awa siya. Pero hindi naman siya nanlilimos ng pag-ibig. Nanggaling mismo sa bibig ni Connor na mahal din siya nito. Panghahawakan niya lang ang mga salitang iyon. Because only those words could save her dying heart.

"Mahal kita, Dolphin..." halos pabulong na sabi ni Connor, subalit punung-puno iyon ng pagmamahal. Kung imahinasyon niya lang iyon o hindi, wala na siyang pakialam.

Tumango-tango si Dolphin. "Okay. Tatanggapin ka 'yan. After all, my love is enough for both of us."

Niyakap siya ni Connor nang mahigpit. Naramdaman niya ang mga labi nito sa tuktok ng kanyang ulo. "Mahal kita, Dolphin."

That night, she prayed really hard that this this time, he meant everything he said.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon