Chapter 46

5K 163 34
                                    

"WHAT do you want to talk about?" walang buhay na tanong ni Connor kay Shark habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng kotse nito. Sinundo siya ng dating kaibigan sa kanyang unit kanina, at kailangan daw nilang mag-usap. Pero wala naman silang imikan sa buong biyahe at mukhang wala ring eksaktong pupuntahan si Shark.

"Talaga bang aalis ka na bukas?" tanong ni Shark.

"Oo. Hindi ba iyon naman ang matagal mo nang gusto? Ang malayo ako kay Dolphin?"

Matagal bago muling nagsalita si Shark. "I'm sorry. I'm sorry for not keeping my words five years ago. Pinaghiwalay ko kayo ni Dolphin. But I only did to protect my sister from you."

Sa pagbanggit ng nakaraan ay bumangon ang matinding sakit sa puso ni Connor. Napakarami palang naging hadlang sa kanila ni Dolphin. Maaaring hindi sila ng dalaga ang nakatakda sa isa't isa. Isipin pa lang iyon, parang nadurog na ang kanyang puso. Namalayan na lang niyang pumapatak na pala ang kanyang luha.

Tumango-tango si Connor. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Shark. Napag-usapan na namin 'yan ni Dolphin at pareho naming napagkasunduan na nakatulong ang ginawa mo kahit paano. Dolphin healed herself, and that is what important to me."

Ngumiti ng malungkot si Shark. "But I still feel guilty. You are my best friend, Connor. Pumayag ka sa kasunduan na iyon alang-alang sa pagkakaibigan natin. Pero ako naman ang sumira ng tiwala mo. I'm sorry. I really am."

Kinuha ni Connor ang tissue box na nasa ibabaw ng compartment at humugot ng tissue. He felt silly for crying, but that was the only way he could cope up with the pain which was killing him inside. "Huwag mo na kong paiyakin, Shark. I already feel gay. Kung may galit ka pa sa'kin, sapakin mo na lang ako."

Tinitigan si Connor ni Shark, saka napailing ang dating kaibigan. "Umiiyak din kanina si Dolphin sa mismong upuan na 'yan. And God! You cry the way she cried earlier – I can almost hear your heart calling out my sister's name, the way I almost heard her call for you."

Gulat na nilingin ni Connor si Shark. "Bakit sinasabi mo ang mga ito, Shark? I thought you hate me?"

Bumuga ng hangin si Shark. "How can I stay mad at you when my sister has already forgiven you? At pagkatapos magalit sa'kin ni Dolphin, na-realize ko na ako pala ang pinakanakasakit sa kapatid ko. Gusto kong bumawi sa kanya."

"Kaya ba kinakausap mo ko ngayon?"

Hinarap siya ni Shark nang ihinto nito ang kotse dahil sa traffic light. "Do you still love my sister?"

"Alam 'yan ng buong mundo," mabilis na sagot ni Connor.

"Then, why are you leaving her?"

Hindi nakasagot si Connor. Ano nga ba ang ginagawa niya at si Shark ang iniiyakan niya imbis na lumuluhod siya sa harap ni Dolphin? He was wasting time!


***

NAKAUPO si Dolphin katabi si Haru habang hinihintay nila ang kanilang flight. Maaga sila ng isang oras dahil ayaw nilang ma-late.

Hindi alam ni Dolphin kung bakit kanina pa siya hindi mapakali. Gano'ng gano'n din siya limang taon na ang lumilipas. May hinihintay kahit alam niyang hindi na darating. Imposible na iyon dahil noong isang linggo pa nasa Davao si Connor kasama si Madison.

Baka nga nagpaplano nang magpakasal sina Connor at Madison ng mga sandaling iyon.

"You're crying again, Dolphin," nag-aalalang sabi ni Haru.

"Masaya lang ako dahil babalik na tayo sa Manhattan. Babalik na sa normal ang buhay natin," walang ganang sabi ni Dolphin. Wala siyang maramdaman ng mga sandaling iyon.

"Are you going to continue being like that until we go back to Manhattan?" naghihinanakit na tanong ni Haru.

Nilingon ni Dolphin si Haru. Pilit niyang itinago ang sakit na nararamdaman niya pero hindi niya magawa. All she could show Haru at the moment was her pain, and remorse. Remorse for being not good enough for Haru. "I'm sorry, Haru."

Nag-iwas ng tingin si Haru sa kanya, halatang iritado. "I don't want to see that face. If you can't give me a happy smile, then forget about coming back with me in Manhattan."

Kumunot ang noo ni Dolphin. "What do you mean, Haru?'

Binalingan siya ni Haru, malamig ang ekspresyon sa mukha. "Hindi na kaya ng ego ko ang ginagawa mo, Dolphin. Ako ang kasama mo pero si Connor ang parating nasa isip mo. Just because I love you so much doesn't give you the right to hurt me again and again. I'm not that insensitive. I'm not as mature as you think I am. I'm just acting cool but deep down inside, my heart is bruised whenever you look at me and I can see in your eyes that you're wishing that you could be with Connor instead of me."

Nagulat at napahiya si Dolphin sa mga sinabi ni Haru. Ngayon lang niya ito nakitang nagkagano'n. "Haru, what's wrong?"

Gumuhit ang labas na hinanakit sa mga mata ni Haru. Na napalitan ng pagmamakaawa. May dinukot ang binata sa bulsa ng pantalon, hinawakan ang kamay niya at inilagay do'n ang kaheta. "Marry me, Dolphin. Marry me."

Nadurog ang puso ni Dolphin para kay Haru. "Haru–"

"Bibigyan kita ng oras para mag-isip," sansala ni Haru sa sinasabi ni Dolphin. "Kung gusto mo talaga akong makasama, sundan mo ko sa New York. Kung magbabago ang isip mo, ipadala mo na lang sa'kin ang singsing na 'yan. You don't have to do it yourself."

Pumatak ang mga luha ni Dolphin. "Haru... I just can't leave you. You know that."

Ngumiti ng malungkot si Haru. "Naaawa ka na lang sa'kin, Dolphin. Pero hindi ko kailangan ng awa mo. I need your love. 'Yon lang ang tatanggapin ko mula sa'yo."

Akmang may sasabihin si Dolphin, pero kinuha ni Haru ang passport at plane ticket niya. At sa kanyang pagkagulat, pinunit ng binata ang kanyang plane ticket. Pagkatapos, walang sabi-sabing tumayo si Haru at naglakad palayo bitbit ang mga maleta nito.

Napatayo si Dolphin. "Haru!"

"Don't follow me," banta ni Haru, pero nanginginig ang boses ng binata. He was... he was probably crying. "If you can't love me the way I want you to, let me go. If you realize that you truly love me more than you love Connor, then that's the only time I will allow you to follow me."

Dahil sa mga sinabi ni Haru ay natigilan si Dolphin. Wala siyang nagawa kundi ang panuorin ang paglakad palayo ng binata. At masakit man aminin, alam niyang sinadya ng lalaki na pagsalitaan siya ng masasakit upang marahil hindi siya mahirapang lumayo rito. He pushed her away, so she could have the courage to leave him.

Dumako ang tingin ni Dolphin sa hawak na kaheta ng singsing. Pumatak ang mga luha niya sa kahon.

I'm sorry, Haru. I did love you, I really did. But there are really things that I just can't give up even if the whole world forces me to. And one of them is loving Connor... hard. Walang bawas, kahit ilang taon na rin ang lumipas...

"Dolphin!"

Lumukso ang puso ni Dolphin nang marinig ang boses na iyon. Pagpihit niya paharap ay sumalubong sa kanya si Connor. Hinihingal at nakatukod ang mga kamay sa mga tuhod, halatang tumakbo bago makarating do'n. Pero hindi nakabawas ang pawisan nitong mukha sa kaguwapuhan ng binata.

Hindi na kailangang manghula ni Dolphin kung bakit nandoon si Connor. Nauna nang pumatak ang mga luha niya bago pa siya makangiti.

Humugot ng malalim na hininga si Connor bago nito sinabi ang salitang bumago sa takbo ng kanyang buhay. "Stay."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon