Chapter 14

5K 178 15
                                    

"DOLPHIN, bakit ka nakipagkita sa'kin dito?"

Narinig ni Dolphin ang tanong ni Haru, pero hindi niya ito pinansin. Kahit pa malakas ang musika sa paligid, hindi niyon natinig ang bagay na nakatatak sa isip niya ng mga sandaling iyon.

"Haru..."

"Yes?"

Nag-angat siya ng tingin dito. "How will you know if a guy likes a girl?" Iyon ang gusto niyang malaman kaya nakipagkita siya kay Haru. Ang binata kasi ang nag-iisang lalaki na malapit niyang kaibigan.

"Easy. If he gets jealous of another guy, then he definitely likes the girl." Tinapunan siya nito ng nagtatakang tingin. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

Dumako ang tingin niya sa baso ng juice.

Kung magseselos si Connor sa ibang lalaki na makikipaglapit kay Madison, mapapatunayan niya ang hinala niya na mahal nito ang sarili nitong kapatid. At mali iyon. The two may not be blood-related, but they were still stepsiblings.

Pero paano niya pagseselosin si Connor?

"Hey, Dolphin."

Nilingon ni Dolphin si Haru. "Bakit?"

Ngumiti si Haru ng matamis. "Madison... Connor's sister. She's beautiful, isn't she?"

Kumunot ang noo ni Dolphin. "Oo. Pero matagal mo na siyang kilala dahil suki rin siya ng shop mo, 'di ba? Ngayon mo lang napansin na maganda siya?"

Nagkibit-balikat si Haru, nakangisi pa rin. "Hindi naman panlabas lang na kagandahan ang tinutukoy ko, Dolphin. Nang minsang ipasyal ko si Harry sa park, nakita ko ro'n si Madison. Tinuturuan niya ang mga batang-kalye na magsulat at magbasa. Namigay pa siya ng school supplies."

Sa kabila ng selos ni Dolphin kay Madison, hindi pa rin niya naiwasang humanga sa kaibigan. "May puso talaga si Madison para sa mga bata, kaya nga Education ang kinuha niyang course. Pangarap din niyang turuan ang mga kapos-palad, at 'yong mga hindi naabot ng edukasyon sa malalayong probinsiya."

Hinimas-himas ni Haru ang baba, halatang natutuwa sa naririnig. "Dang, just like my ideal girl. Mahilig din ako sa mga bata. Bagay yata kami ng kaibigan mo."

Natawa ng mahina si Dolphin. Ngayon niya lang nakita si Haru na magkainteres uli sa babae. "Balak mo bang pormahan si Madison?" Biro lang iyon, kaya hindi niya inaasahan ang naging tugon ng binata.

"May pag-asa kaya ako, if ever?"

Dahil sa sinabi ni Haru, nakahanap ng tila life-saver si Dolphin. Kung magkakamabutihan sina Madison at Haru, susuko na kaya si Connor sa nararamdaman para sa stepsister? Saka wala namang masama kung sakaling ligawan nga ni Haru si Madison. Disenteng lalaki si Haru.

At magiging pabor kay Dolphin ang sitwasyon kung sakali.

"Bakit hindi mo subukan?" pang-e-encourage ni Dolphin kay Haru, hindi lamang para sa sariling interes kundi dahil gusto rin niyang maging masaya ang kaibigan.

"Tulungan mo ko," paglalambing ni Haru.

Natawa si Dolphin. "Sige. Tatawagan ko si Madison, papupuntahin ko dito."

Niyakap si Dolphin ni Haru.

Tinuturo sa kanya ng binata ang recipe sa paggawa ng cinnamon roll habang naghihintay sa paggawa ng cinnamon roll habang hinihintay ang pagdating ni Dolphin. Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas nang may maramdaman siyang lumapit sa kanila.

"Dolphin?"

Nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kanya. Pilit siyang ngumiti nang makita sina Connor at Madison. Hindi niya inaasahang isasama ni Madison si Connor. O baka magkasama na ang dalawa nang tumawag siya? Pumaling yata ang ngiti niya. "Hi."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon