"WHY DON'T we go on a double date?" suhesiyon ni Haru.
Tiningnan ni Dolphin si Madison. Namula ang mukha ni Madison, pero hindi naman tumanggi. Pero nang balingan niya si Connor na katabi niya, hindi na siya nagulat nang makitang bahagyang kumunot ang noo ng kanyang nobyo.
Nasasaktan si Dolphin dahil kahit itago ni Connor, nakikita pa rin niyang apektado pa rin ang binata sa tuwing kaharap sina Haru at Madison na magkasama.
Gustong magalit ni Dolphin, pero wala siyang ibang masisi kundi ang kanyang sarili. Finusto naman niya ang sitwasyong iyon, kaya kailangan niyang magtiis. Isa pa, hindi naman habambuhay mamahalin ni Connor si Madison. All she had to do was love Connor harder... so one day, he would wake up and realize that he loved Dolphin more.
Hinawakan ni Dolphin ang kamay ni Connor. When he turned to her, she gave him her best smile. "Baby love, payag ka ba? Kung ako kasi, mas gusto kong solohin mo ko."
Umaliwalas ang mukha ni Connor. Hinalikan siya nito sa sentido. "I would love that too, Dolphin. Pero pagbigyan na natin sina Haru at Madison. Maghiwa-hiwalay na lang tayo after dinner."
Tumango-tango si Dolphin, saka hinarap sina Haru at Madison. "Narinig niyo si baby love. Mag-di-dinner tayo, 'tapos kanya-kanya na."
Pinlano nilang apat ang araw at oras ng kanilang double date bago sila nagkayayaang umuwi na. Nagprisinta si Haru na ihatid si Madison, at tinanggap naman iyon ng dalaga.
"You don't have to protect my feelings, Dolphin. Hindi naman ako nasasaktan na magkasama sina Haru at Madison. Nag-aalala lang ako kay Madison dahil alam mo namang simula pagkabata ay puro masasamang klase ng lalaki ang lumalapit kay Madison," malumanay na sabi ni Connor nang nagmamaneho na ito. Ihahatid siya nito sa bahay.
Alam naman ni Dolphin na dahil sa magandang hubog ng katawan ni Madison, madalas napagdidiskitahan ng mga bastos si Madison. Naaalala niyang madalas napapaaway noon si Connor dahil do'n. "Pero hindi gano'ng klase ng lalaki si Haru. Matino siya."
Bumuntong-hininga si Connor. "Alam ko. Pero hindi ko pa rin maiwasan mag-alala. Because I've been protecting her for a long time and some habits die hard." Sinulyapan siya nito. "Hindi mo dapat lagyan ng malisya 'yon."
Napansin pala ni Connor na nagseselos pa rin si Dolphin sa atensiyon at pag-aalala na inilalaan ng binata para kay Madison. Siya naman ang napabuntong-hininga. "Hindi mo ko masisisi kung magselos man ako kay Madison, Connor. Minahal mo ang kapatid mo kahit alam mong bawal. Kahit alam mong puwedeng mawala sa'yo ang pamilya mo. Kaya mong isakripisyo ang lahat ng meron ka para sa kanya. Gano'n mo siya kamahal. And no matter how much it breaks my heart, I have to admit that the kind of love you have for her is strong and... and true. Dahil hindi mo naman ipaglalaban ang pagmamahal na hindi totoo, 'di ba? I am insecure. Hindi ko kasi alam kung sapat na iyong pagmamahal ko para balang-araw, tuluyan mo nang makalimutan si Madison."
"Dolphin..." sabi ni Connor na tila ba nagpapaunawa sa kanya.
Binalingan ni Dolphin si Connor, pilit ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. At gaya ng madalas niyang gawin upang ikubli ang totoo niyang damdamin, hinaluan niya ng biro ang kanyang tinig. "How harder do I have to love you, Connor, before I become your number one? Ayoko namang maging second place lang habambuhay."
Hinawakan ni Connor ang kamay ni Dolphin. "Mahal kita, Dolphin. And you're second to no one."
Pinilit ni Dolphin na paniwalaan ng buong-puso si Connor sa tuwing sinasabi ng binata na mahal siya nito. Subalit sa tuwing maaalala niya na minahal ni Connor si Madison sa kabila ng pagiging taboo niyon sa lipunan, nilalamon siya ng insecurity. Natatakot siya na baka siya lang ang nagmamahal.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...