"I'M FINE, Dolphin. Hindi ka dapat um-absent sa klase mo para lang bantayan ako."
Umiling si Dolphin, saka masuyong hinaplos ang pisngi ni Shark. "Okay lang, Kuya. Mas gusto kong bantayan ka."
Bumuntong-hininga lang si Shark, saka pumikit.
Naroon siya ngayon sa condo ng kapatid niya dahil may lagnat ito. Nag-alala siya kaya nagdesisyon siyang alagaan na lang muna ito ng araw na iyon dahil gaya ng madalas, wala sa bahay ang mga magulang nila. Kauuwi lang no'ng isang linggo ng mga ito kaya malamang ay ilang linggo uli ang lilipas bago nila makasama ang mommy at daddy nila. Si Antenna naman, kasama ni Riley dahil magsasama ang dalawa sa isang exhibit.
Binabad niya ang bimpo sa maligamgam na tubig saka niya iyon maingat na pinatong sa noo ng kapatid niya.
"Dolphin?" tila hinihingal na sabi ng kuya niya.
"Bakit, Kuya?"
"Thank you for taking care of me."
Ngumiti lang siya.
Tumayo siya at kinuha ang palanggana sa bed side table. Papalitan niya ang laman niyon dahil lumamig na ang tubig.
Dumako ang tingin niya sa kama ni Connor. Isang bed side table lang ang nakapagitan do'n at sa kama ng kapatid niya. At sa tabi ng kama ni Connor ay may table drawer. Napalunok siya. Do'n niya nakita ang kahon na naglalaman ng nakita niyang couples' bracelet.
Dumaan sa isip niya si Madison na suot ang isa sa Infinite Bracelet na nakita niya. Mariing pumikit siya.
Nagkataon lang ang lahat, pangungumbinsi niya sa sarili. Hindi siguro alam ni Connor ang ibig sabihin ng Infinite Bracelet nang bilhin niya iyon.
Nagmulat siya ng mga mata. Naiinis siya sa sarili niya. Masasabi niyang positibo siyang tao pero sa pagkakataong iyon, kahit anong paliwanag ang ibigay niya sa sarili niya ay hindi niya mapaniwalaan. Nilalamon na ng takot at pagdududa ang puso niya.
Tapusin mo na 'to, Dolphin.
Lumunok siya. Tinatagan niya ang loob sa gagawin niya, kahit pa sa likod ng isip niya ay may bumubulong na sasaktan lang ang sarili niya.
Tinangka niyang buksan ang table drawer pero naka-lock lahat iyon. Tila nakahinga siya ng maluwag dahil bumigay ang mga tuhod niya at napaupo siya sa kama ni Connor. Tama nga siya. Hindi siya handang malaman kung ano man ang tanong na hinahanapan niya ng kasagutan.
Humiga siya sa kama. Kinuha niya ang unan para yakapin 'yon, pero natigilan siya nang makita kung ano ang nakatago sa ilalim niyon bago niya kuhanin.
Kaheta.
Bumangon siya, mabilis at malakas ang tibok ng puso. Nanlalamig ang buong katawan niya, lalo na ang mga kamay niya. Binuksan niya ang kaheta.
Gumuhit agad ang matinding sakit sa puso niya nang makitang isang Infinity Bracelet na lang ang naroon, pero mas lalo siyang nagimbal nang makita na sa likod ng lid ng kaheta ay nakadikit ang sulat na nabasa na niya noon sa website ng Fancy Souvenir:
Infinity Bracelet
Artist's Explanation
The Infinity Bracelet is inspired by the star-crossed lovers, Romeo and Juliet. The bracelet depicts that no matter how impossible it is for a couple to be together, love will always find a way, and it will always demand to be felt.
The infinity lock is a reminder that though apart, the love between the bearers of the couples' bracelet is endless, boundless and infinite.
Kung gano'n, alam ni Connor kung ano'ng simbolo ng Infinity Bracelet pero iyon pa rin ang ibinigay nito kay Madison?
Nanghina siya sa nalaman niya. Pakiramdam niya ay nanlambot ang lahat ng kalamnan niya. Nahihirapan siyang huminga, at masakit ang lalamunan niya sa pagpipigil huminga. She felt like hyperventilating.
Hindi... hindi puwede 'to...
Mariing pumikit siya para pakalmahin ang sarili niya, subalit sa ginawa niya ay narinig niya sa isipan niya ang malungkot na kanta ni Connor noon.
"Why do you have to be this close when one touch and you'll be lost? Where do these feelings have to hide, so they'll never see through my lie? This "I love you" will be left unsaid. It shall never be heard, even if the world fades. Because this kind of love is impossible. A love that's not gonna happen. A love that's never gonna happen..."
Iminulat niya ang mga mata niya nang may kung anong pumiga sa puso niya.
A love that's never gonna happen because... because he's in love with his stepsister.
Nabitawan niya ang kaheta.
Natauhan lang siya nang tumunog ang cell phone niya. Nang makita ang pangalan ni Connor sa caller ID, kahit paano ay nagkaroon siya ng kaunting lakas para sagutin ang tawag nito.
"Dolphin, I'm done with my interview for the company I wish to work with," tila masayang balita ni Connor sa kanya. "Where are you? Lunch tayo."
Ang dating pagkasabik kapag kausap niya ito ay biglang namatay. "Connor..."
"Bakit matamlay ang boses mo?" nag-aalalang tanong nito.
"Wala naman," pagsisinungaling niya. "Connor, may itatanong sana ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"What's the title of the sad song you sang to me before? 'Yong may "a love that's never gonna happen" sa lyrics."
Matagal bago sumagot si Connor. "Infinity. I call that song Infinity. Why?"
Infinity.
That word alone gripped her heart real tight. Pinutol niya ang tawag nang hindi man lang nagpapaalam kay Connor.
Wala sa sarili na lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Nilagay niya ang palanggana sa lababo at tinapat ang gripo ro'n. Subalit bago pa man din lumabas ang tubig ay nauna nang pumatak ang mga luha niya.
Mabilis.
Sunud-sunod.
Walang hinto.
Yumuko siya at unti-unting umupo. Niyakap niya ang mga binti niya at niyukyok ang mukha niya sa mga tuhod niya. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan niya dala ng matinding takot, pagkalito at matinding sakit.
Hindi siya makahinga dala ng pagpipigil umiyak, pero may kumawala pa rin na mga hikbi. Mas mahirap pala kapag pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha, lalo't ramdam niya na ikamamatay niya kapag hindi niya inilabas ang lahat ng sakit sa pag-iyak.
"Also, I'm in love with someone else."
Naalala niyang sinabi iyon ni Connor sa kanya noon, pero tinawanan niya lang ito. Bakit ba hindi siya naniwala?
Dahil nabulag ka ng pagmamahal mo kay Connor, sagot ng isang bahagi ng isip niya.
Tuluyan nang naging iyak ang mga pigil niyang hikbi.
Bakit si Madison pa, Connor?
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...