Chapter 33

5.1K 178 24
                                    

PAGKATAPOS mag-shower ni Dolphin ay agad siyang nagbihis ng pantulog at humiga sa kanyang kama. Masama ang kanyang pakiramdam, kaya nga kahit no'ng umakyat sa kanyang kuwarto si Shark at sinabing handa na ang hapunan ay hindi siya nakabangon.

Hindi alam ni Dolphin kung gaano katagal siyang nakatulog. Nagising lamang siya nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng maiinit at malalambot ng mga labi na iyon sa kanyang noo, pababa sa kanyang pisngi, hanggang sa tungki ng kanyang ilong. Bumuntong-hininga siya, saka mas sumiksik sa mainit na katawan sa kanyang tabi.

Then, Dolphin heard that rich chuckle that has become her remedy for the last five years.

"Baby, I know you're awake. Open your eyes and look at me, please."

Imposibleng panaginip iyon dahil buhay na buhay ang boses na narinig ni Dolphin! At hindi nga siya nagkamali. Sumalubong sa kanyang pagmulat ang mukha ng lalaking naging sagot sa panalangin niya noon.

He smiled his bright smile. "Hi, baby. I missed you so much, that's why I came after you. Huwag mo na uli akong tatakbuhan, ha?"

Nanatiling nakatingin si Dolphin sa lalaki, hindi makapaniwala. "Paanong –"

He silenced her with a slow and deep kiss, then smiled lovingly at her. "I won't ask you to marry me again. At least, not now. Just don't leave my side again, Dolphin. Hindi ko pala kaya."

Dolphin's chest tigthened when she saw the pain in his eyes. "Haru..."

***

Fist winter

PLEASE, Jesus. If You can hear me, help me. Please take away my pain. I've been praying for it hard for a very long time. Hindi ko na yata kakayanin...

Natigilan lang si Dolphin sa pag-iyak habang nakikipag-usap sa Diyos nang may pares ng itim na thermal gloves na sumulpot sa kanyang harapan.

"Hey, wear these on or you'll get frostbite," sabi ng baritonong boses.

When Dolphin looked up, it wasn't Connor whom she saw. Nagulat pa siya nang makilala ang lalaki na makakapal din ang suot na panlamig gaya niya. "Haru?"

Ngumiti si Haru, saka tumingkayad sa tabi niya. Ang binata na mismo ang nagsuot ng mga thermal glove sa kanyang mga kamay habang nagkukuwento ito. "Nakita kita kanina sa Mrs. Pâtissière. Tatawagin sana kita, pero bigla ka namang tumakbo palabas. Nakita kong hindi mo suot itong thermal gloves mo kaya hinabol ko sa'yo. Nag-aalala ako na baka manigas ka sa lamig. Who were you running after anyway?"

Hindi nakapagsalita si Dolphin. Shock pa rin siya sa mga nangyayari. Akala niya nakita niya si Connor, pero si Haru ang sumalubong sa kanya. Si Haru na nagmamay-ari ng Harury's Sweets sa Pilipinas at naging mabuti niyang kaibigan.

Yes, Haru was a friend. Hindi na napigilan ni Dolphin ang muling mapahagulgol.

"Hey, tahan na," malambing na pang-aalo naman ni Haru.

Hinawakan si Dolphin ni Haru sa mga siko, saka siya inakay patayo. Pero pakiramdam ni Dolphin ay nawalan ng lakas ang kanyang mga binti. Kung hindi pa siya nasalo ni Haru ay baka natumba na siya sa kalsada na nababalutan ng makapal na snow.

Nang yakapin si Dolphin ni Haru, niyakap din niya ito at sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata.

"I thought I saw him," parang bata na sumbong ni Dolphin kay Haru. "Kaya hinabol ko siya. Pero bigla siyang nawala. Now I don't know if it was really him."

Bumuga ng hangin si Haru. "Si Connor na naman? Dolphin, hindi na healthy ang nararamdaman mo para sa kanya. You're miles away from him now... move on."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon