Chapter 37

4.8K 159 13
                                    

ISANG taon na ang lumipas kaya sinundan na ni Connor si Dolphin sa Manhattan, gaya ng kasunduan nila ni Shark.

Hindi naman mahirap hanapin si Dolphin dahil nga kaibigan ng kanilang pamilya ang pamilya ng dalaga. Madalas mabanggit noon ni Dolphin sa kanya ang tungkol sa tiyahin ng babae na may-ari ng bakeshop sa Mahattan.

Dolphin looked better than she did when she was in the Philippines. Maaliwalas ang mukha ni Dolphin habang nagkakape. Pero naramdaman yata ng dalaga na nakatingin siya rito kaya unti-unti itong lumingon sa kanyang direksyon.

Connor's heart skipped a beat or two when recognition crossed Dolphin's eyes. Tumayo ang dalaga, hindi makapaniwala sa nakikita. Bumangon ang pag-asa sa kanyang dibdib. Kung masaya ang mukha ng babaeng mahal niya, maaaring hindi na ito galit sa kanya.

Connor smiled to himself. Sapat na siguro ang isang taon na espasyo na ibinigay niya kay Dolphin para mapaghilom nito ang sugat sa puso. Siya naman ang gagawa ng paraan para tulyang mawala ang sakit na idinulot niya kay Dolphin.

"Connor!"

Nawala ang ngiti ni Connor nang makita si Shark, galit na galit. "Shark..."

"Let's talk!"

Nilingon ni Connor si Dolphin. Palabas na ang dalaga mula sa Mrs. Patissiere. Gusto niya itong salubungin subalit naramdaman niya ang paghawak ni Shark sa kanyang braso. Ayaw niyang gumawa ng eksena kaya pabalang na binawi niya ang kanyang braso mula kay Shark, pero sumunod din naman siya rito.

Dinala si Connor ni Shark sa eskinita na nabuo sa pagitan ng dalawang malaking establisyimento. Tinulak siya ng dating kaibigan sa pader, galit na galit.

"Why are you here?" galit na tanong ni Shark.

"I'm here for Dolphin, what else," matatag na sagot naman ni Connor. "Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa kasunduan natin a year ago?"

"Mabuti na lang pala at nandito rin kami ng pamilya ko para bisitahin si Dolphin. Kung nagkataon sigurong hindi kita nakita ngayon, baka inuto mo na naman ang kapatid ko." Bumakas ang matinding frustration sa mukha ni Shark. "Connor, siguro nga may kasunduan tayo noon. Pero hindi na iyon maaaring mapatupad ngayon."

Bumangon ang galit sa dibdib ni Connor. "Tumupad ako sa usapan kaya tumupad ka rin, Shark!"

Ngumisi ng mapait si Shark. "Sige nga. Paano mo ipapaliwanag kay Dolphin na nagsasama na kayo ni Madison sa iisang bubong? Tingin mo ba, matutuwa ang kapatid ko kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na 'yon?"

Natahimik si Connor. Kahit napakalamig ng panahon, naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dala ng matinding pagkapahiya. Totoo ang lahat ng sinabi ni Shark. Sa kanya nakatira si Madison nitong nakaraan lang, pero hindi sa dahilang iniisip ng dating kaibigan. "Maiintindihan ni Dolphin kung ipapaliwanag ko sa kanya –"

"Fuck you, Connor," nanggigigil na sabi ni Shark. "I won't let you hurt my sister again.."

Naikuyom ni Connor ang mga kamay. Galit siya, hindi kay Shark kundi sa kanyang sarili. Bakit nga ba sinundan pa niya si Dolphin sa Manhattan? Kapag nalaman ni Dolphin ang sitwasyon nila ni Madison sa Pilipinas, tiyak na hindi na siya patatawarin ni Dolphin kahit kailan. But he missed her... so much that he had flown halfway across the world just to see her.

But Shark was right. Muli, napanghinaan siya ng loob na harapin ang babaeng mahal.


***

"REALLY? Nilapitan ka ng isang sikat na TV director para magsulat ng kanta para sa gagawin niyang drama?" hindi makapaniwalang tanong kay Connor ni Madison.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon