"DOLPHIN!"
Hindi tumigil si Dolphin sa mabilis na paglalakad sa kabila ng naririnig niyang desperasyon at pagmamakaawa sa boses ni Connor na nagawa pa rin siyang habulin. Wala siyang ideya kung paano natakasan ng binata ang mga tagahanga.
Kaya hayun ngayon si Dolphin, naliligo sa ilalim ng ulan at hinahabol ni Connor. Kaunti lang ang mga tao sa nilalakaran nilang kalsada dahil sa malakas na buhos ng ulan.
"Dolphin, don't run away from me, please," pagmamakaawa ni Connor nang makaagapay ito ng lakad kay Dolphin. "Alam kong nabigla kita. I'm sorry. Pero nakikiusap ako, pag-usapan natin 'to ng maayos. And please, I don't want you to get sick kaya sumilong muna tayo habang hinihintay ang sundo ko."
Hindi na nakayanan ni Dolphin ang kinkimkim na sama ng loob. Sumilong siya sa bubong ng nakasaradong establisyimento, saka hinarap si Connor na gaya niya ay basang-basa rin. Wala na ang disguise ng binata. "Mahal mo ko?"
Halatang nagulat si Connor sa tanong ni Dolphin pero nang makabawi ay naging seryoso ito. "Oo, Dolphin. Mahal kita. Mahal na mahal."
Ngumiti ng malungkot si Dolphin, kasabay ng pagpatak ng mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "Bakit ngayon lang? Bakit hindi no'ng mahal pa kita?"
Nakita ni Dolphin ang pagdaan ng matinding sakit sa asul na mga mata ni Connor.
Pero kung nasasaktan ang binata ngayon, mas nasasaktan si Dolphin. Gaano katagal ba niya hinintay marinig mula kay Connor na mahal siya nito? Ilang gabi ba niya iyong ipinagdasal? Halos buong buhay niya. Pagkakatapos, sasabihin ni Connor ang mga salitang iyon kung kailan wala na siyang tiwala sa pagmamahal nito. Kung kailan huli na ang lahat. At kung kailan...
Napahikbi na si Dolphin. "Kung kailan may mahal na kong iba..."
Namalayan lang ni Dolphin na nasabi niya ng malakas ang mga iyon nang makita niya ang pagpatak ng mga luha ni Connor. Basa ang mukha ni Connor dahil sa ulan pero malakas ang kutob niya na mga luha ang pumatak sa gilid ng mga mata ng binata dahil sa matinding sakit na nakikita niya sa mga mata nito.
"Do you..." Tila ba may bara sa lalamunan ni Connor kaya tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Do you really love him?"
Marahang tumango si Dolphin. "Maybe not as much as I loved you, but I love him enough to turn you down now. I'm sorry, Connor. Pero hindi na kita mahal."
Tinangkang umalis ni Dolphin, pero hinawakan siya ni Connor sa braso. "Dolphin, I love you. I really do. And I didn't stop doing so for the last five years."
"Pero hindi mo ko pinili," mapait na paalala ni Dolphin kay Connor. "Hinintay kita sa airport para pigilan ako sa pag-alis ko. Ang tagal kong pinigil 'yong mga luha ko kahit ang sakit-sakit na. Pero binigo mo ko. Naniniwala naman ako na minahal mo nga ako noon, Connor. But you didn't love me enough for you to stop me from leaving."
"You were too hurt then, Dolphin... I was afraid that one more heartbreak, I'd lose you forever. I thought it was best to give you space for the meantime... to let you breathe. But it was never my intention to lose you that way, so here I am, crawling back to you, begging you to please, please, please let me in your life again. I desperately want another chance with you," halos pabulong at pagmamakaawa ni Connor sa basag na boses.
Tumawa ng pagak si Dolphin, saka binawi ang braso niya mula kay Connor. "Kahit no'ng nasa Manhattan na ko, hinihintay pa rin kita. Ang sabi ko sa sarili ko, kahit isang beses ka lang magpakita, patatawarin na kita. But for the second time, you let me down. And now you're here, telling me you still love me? Asking me for another chance? That was the lamest joke I've ever heard, Connor. Hindi nakakatawa. Dahil no'ng panahong mahal pa kita, nasa'yo ang lahat ng chance sa mundo. Tanga ka lang para hindi gamitin 'yon ng maayos."
Bumuntong-hininga si Connor, tila hirap na hirap sa kanilang sitwasyon. "What can I do to make it up to you, Dolphin?"
"Nothing. Nothing, Connor," malungkot na sabi ni Dolphin, saka niya tinalikuran si Connor. Pumara agad siya ng taxi. Nakita niya sa sidemirror na nanatili lang nakatayo ang binata, nakayuko. At ang kanyag hinala, umiiyak ito.
Nasasaktan din naman si Dolphin. Ngayon lang niya nalaman na may "I love you" pala na ang sakit-sakit marinig.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...