Chapter 26

5.3K 152 3
                                    

NATATARANTA si Dolphin habang pinapatahan si baby Koi.

Nang iwan kasi ni Antenna si Baby Koi sa kanya para makipagkita sa agent nito na umaasikaso sa art exhibit nito, mahimbing ang tulog ni Baby Koi. Ang sabi ni Antenna, sandali lang daw ito kaya bantayan niya muna ang kanyang pamangkin. Pero isang oras mahigit na ang lumilipas ay hindi pa rin bumabalik ang kanyang hipag. Nag-i-iiyak si baby Koi nang magising ito, hinahanap marahil si Antenna.

"Tahan na, Baby Koi," maiiyak nang sabi ni Dolphin. "Maiiyak na rin ako kapag hindi ka pa tumahan. Bakit ba kasi ang tagal ng mommy mo?"

Natatakot naman si Dolphin na kargahin si Baby Koi. Mag-ta-talong buwan pa lang kasi ito at ang liit-liit pa. Natatakot siya na baka masaktan niya ang pamangkin.

Nasa kalagitnaan pa rin ng kalbaryong iyon si Dolphin nang tumunog ang kanyang cell phone. Sinagot niya iyon nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Uh, hi, Dolphin."

Natigilan si Dolphin. Hindi niya puwedeng maipagkamali sa ibang tao ang boses na iyon. "Connor?"

"Yeah, ako nga. Kinulit ko si Jam para sa number mo. Huwag ka sanang magalit sa kanya."

Bumuga ng hangin si Dolphin. Malapit na talaga niyang masabunutan si Jam! "May kailangan ka ba, Connor?"

"Uhm, yeah. Gusto ko lang sanang makipagkita sa'yo. You know we have to talk, Dolphin," seryosong sabi ni Connor.

Nag-iisip si Dolphin ng dahilan para tanggihan si Connor nang umiyak ng malakas si Baby Koi. "Oh, Baby Koi... ano bang gagawin ko sa'yo?"

"What's wrong, Dolphin?" nag-aalalang tanong ni Connor.

Marahang tinapik-tapik ni Dolphin si baby Koi sa hita para pakalmahin ang baby. "Si Baby Koi kasi, iyak ng iyak. Ayaw tumahan."

"Baka nagugutom si Baby Koi?"

Tiningnan ni Dolphin ang feeding bottle sa gilid ng mesa. Lalo siyang na-frustrate ng maalala niyang tinapik-tapik lang ni Baby Koi ang kanyang kamay kanina nang subukan niya itong painumin ng gatas. "I tried feeding him milk, pero ayaw naman ni Baby Koi. Hindi ko na alam ang gagawin."

"Hey, relax. If he doesn't want to drink milk, tingnan mo kung basa na ang diaper niya. Baka he needs to change diapers," suhesiyon ni Connor.

Hindi naisip ni Dolphin 'yon. Kinapa niya ang diaper ni Baby Koi. Napasinghap siya nang maramdamang basa iyon. "Connor, basang-basa na pala ang diaper ni Baby Koi!"

"Then you have to change his diaper. Baka naiirita si Baby Koi kaya iyak siya ng iyak."

Nakagat ni Dolphin ang kanyang ibabang labi. "Hindi ako marunong magpalit ng diaper eh."

"Oh, it's easy. Ganito, Dolphin. I-loud speak mo ang cell phone mo, then follow my instructions."

Hindi alam ni Dolphin pero kumalma siya sa confident na boses ni Connor, na para bang alam na alam nito ang sinasabi nito. Nagtiwala agad siya kay Connor, kaya tumalima siya.

"Okay, naka-loud speak na ang phone ko," sabi ni Dolphin.

"Okay. Peel the magic tapes sa magkabilang side ng diaper, then hawakan mo sa magkabilang paa si baby Koi. Be careful sa pag-angat sa kanya, saka mo hinalihin ng dahan-dahan ang elastic waistband ng diaper," sabi ni Connor.

Humugot ng malalim na hininga si Dolphin, saka sinunod ang sinabi ni Connor. Kumalma si Baby Koi dahil tumigil ang baby sa pagngawa. "Okay, I'm done."

"May baby wipes ba si Baby Koi?"

Nagtungo si Dolphin sa drawer, at nilabas ang baby wipes ni baby Koi. "Oo, meron."

"Use that to wipe his baby ass," may halong pagbibiro na sabi ni Connor. "'Tapos lagyan mo ng powder para fresh si Baby Koi."

Natawa si Dolphin dahil sa term na ginamit ni Connor, para marahil patawarin siya. Ginawa niya uli ang sinabi nito. Sa pagkakataong iyon ay tumigil na sa pag-iyak si Baby Koi. Mukhang na-preskuhan na ito. "I'm done na uli."

"Okay. Palitan mo na ng diaper si Baby Koi. Gawin mo 'yong ginawa mo kanina nang tanggalin mo 'yong diaper niya. Make sure na nakagitna at sakto 'yong pad sa puwitan ni Baby Koi para hindi pumaling ang diaper niya. It will cause leakage kasi. Then secure it by making sure na nakadikit mabuti ang elastic tapes."

Tumango-tango si Dolphin kahit hindi siya nakikita ni Connor. Maingat at dahan-dahan ang ginawa niyang pagtalima sa mga sinabi ng binata dahil natatakot siyang magkamali at masaktan si baby Koi. Sa awa naman ng Diyos, nakaraos siya. Napangiti siya nang makitang tumatawa na si baby Koi.

"Okay na, Connor," masayang sabi ni Dolphin. "Hindi na aburido si Baby Koi."

"That's good to hear."

"Thank you," sinserong sabi ni Dolphin. Malaki talaga ang pasasalamat niya kay Connor dahil kung hindi dahil dito, baka naabutan siya ni Antenna na umiiyak na rin dahil sa pag-iyak ni Baby Koi.

Matagal bago muling nagsalita si Connor. "Wala 'yon, Dolphin."

"Bakit marunong kang magpalit ng diaper? May anak ka na ba?" biro ni Dolphin.

Narinig niyang tumawa si Connor. "Well, may mga pamangkin ako. Hands-on sa kanila sina Ri at Crayon, kaya kapag hinihiram ko 'yong kambal, tinuturuan nila ako kung paano ang tamang pag-aalaga kina Baby Paint at Baby Pastel."

Warmth embraced Dolphin's heart. "You're a good tito, Connor."

Hindi alam ni Dolphin kung bakit pero ng mga sandaling iyon, may pakiramdam siya na kung posible lang, at kung marahil ay hindi siya nakatira sa bahay ni Shark, ay baka pinuntahan na siya ni Connor para tulungan siya ng personal.

An image of her and Connor changing Baby Koi's diaper flashed in her head. Sa nakikita niyang imahen sa kanyang isipin, masaya sila ni Connor at nagtatawanan pa.

Umiling-iling si Dolphin para maalis ang imahen na iyon sa kanyang isipan. Kinarga na niya si Baby Koi dahil naglilikot na ang baby. "Oh, baby. Ano gusto ng baby ngayon?"

Narinig niyang tumawa si Connor. "I can see imagine you right now, Dolphin. Kapag naglalambing ka, mas cute ka pa sa baby."

Nawala ang ngiti ni Dolphin. Nakaramdam siya ng hinanakit kay Connor. Sinabi naman niya rito na napatawad na niya ito, pero hindi pa siya nakakalimot. Hinding-hindi niya malilimutan kung paano siya niloko at sinaktan ni Connor. Hindi niya gustong ibinabalik nito ang nakaraan na napakatagal na panahon niyang pinag-aralan kalimutan.

"Dolphin! Baby Koi! I'm back!" masiglang tinig iyon ni Antenna.

Nataranta si Dolphin. "Connor, salamat sa tulong mo. I have to hang up."

Sakto naman na pag-end ni Dolphin sa call button ay bumukas ang pinto ng kuwarto ng kapatid niya at asawa nito kung nasaan sila ni baby Koi, at iniluwa niyon si Antenna.

Antenna's face beamed upon seeing Baby Koi. "Aww, gising na pala ang baby ko. Umiyak ba si Baby Koi, Dolphin?"

Ngumiti si Dolphin. "Oo. Basang-basa kasi ang diaper ni Baby Koi, kaya pinalitan ko na."

Napangiti lang si Antenna, saka kinuha mula sa kanya si Baby Koi. "Ang baby ko talaga, ang lakas mag-wiwi." Binalingan siya ng kanyang hipag. "Thank you for taking care of Baby Koi while I was gone. Hindi ko alam na marunong ka pa lang magpalit ng diaper."

Nag-init ang mga pisngi ni Dolphin, hindi niya alam kung bakit pero bumalik na naman sa kanyang isipan ang imahen kung saan masaya sila ni Connor habang pinapalitan ng diaper si baby Koi.

"Dolphin, bakit namumula 'yang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Antenna.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon