Chapter 40

4.7K 146 31
                                    

 "BAKIT malungkot ang baby ko?"

Bago pa makapag-react si Dolphin ay nahuli na ni Haru ang kanyang mga labi. She tried to protest, but he only deepened the kiss even more. Mayamaya nga ay naramdaman na niya ang paglapat ng kanyang likod sa sofa. She just sighed and kissed him back, even though her heart wasn't really into it at the moment.

Bumuntong-hininga si Haru matapos putulin ang kanilang halikan. "What's wrong, Dolphin? May dapat ba kong ipag-alala?"

Umiling si Dolphin. "I'm fine."

Hindi na nagkomento si Haru. Bumangon ito at tinulungan si Dolphin na bumangon. Nang maayos na ang kanyang upo sa sofa ay humiga naman ang binata sa kanyang mga hita. She automatically ran her fingers through his hair. Gano'n ang madalas nilang gawin kapag nag-de-date sila sa bahay ni Haru.

Haru sighed in contentment, then closed his eyes.

Ngumiti lang si Dolphin. Gusto niyang nakikitang masaya si Haru. Noon pa man ay positibo na ang binata at parati pang nakangiti. Pero nang mawala rito ang nakababatang kapatid na si Harry, nakita niya kung paano nawalan ng buhay ang mga mata ng binata.

Nakita ni Dolphin ang sarili kay Haru kaya nagdesisyon siya no'n na pasayahin ang binata. She had stayed by his side and she had become a good friend to him. Hindi niya alam na dahil do'n ay nahulog ang loob ng binata sa kanya.

Ang sabi ni Haru, si Dolphin daw ang nagbalik ng kulay sa nagdilim na mundo ng binata noon. On the other hand, he was her answered prayer. Tinulungan nilang makabangon ang isa't isa, lalo't pareho silang malayo sa kani-kanilang pamilya ng mga panahong iyon. Wala nang nagulat nang naging magkasintahan sina Dolphin at Haru.

"Dolphin?"

"Hmm?"

Haru opened his eyes and looked at her lovingly. "I love you."

Napangiti si Dolphin, sanay na sa biglaang pagsasabi ni Haru sa mga salitang iyon. "Ang random mo talaga magsabi niyan."

Ngumiti si Haru at inabot ang kanyang mukha. He touched her cheek with the back of his hand. "Tell me, what's bothering you? Ayokong nalulungkot ka, Dolphin."

Bumuntong-hininga si Dolphin. Hindi talaga siya titigilan ni Haru hangga't hindi siya nagsasabi rito. "Nag-aalala lang ako para kay Tita Carlota. Bukas na kasi ang operasyon niya."

Matagal bago muling nagsalita si Haru. "Kay Tita Carlota ka ba talaga nag-alala? O kay Connor? Bali-balita kasi sa TV na tinigil ni Connor ang lahat ng trabaho niya para mabantayan ang mommy niya."

Masama man isipin pero blessing in disguise para kay Dolphin ang nangyayari. Dahil sa biglaang pagbitaw ni Connor sa mga commitment nito para makapag-focus kay Tita Carlota, nawala ang atensiyon ng media sa "mystery girl" na pinagtapatan ng pag-ibig ni Connor. Ang buong music industry ay nagbibigay ng encouraging words ngayon para sa binata.

Bahagyang kumunot ang noo ni Dolphin. Kahit may himig pagbibiro ang sinabi ni Haru, halata pa rin niya sa boses nito ang hinanakit. "Nagseselos ka ba kay Connor, Haru?"

Bumuntong-hininga si Haru. "I'm older than Connor. I should be more mature and cooler. So I hate getting jealous of him. Pero hindi ko mapigilan. Alam ko kung gaano mo minahal ni Connor noon. Hindi ko puwedeng bale-walain ang pagiging malapit uli ninyo."

"Don't you... don't you trust me?" nag-aalangan na tanong ni Dolphin.

"I trust you, baby," mabilis na sagot ni Haru habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "But I don't trust Connor. Alam kong may ginagawa siya para bawiin ka sa'kin. Alam ng lahat na ikaw ang tinutukoy sa balita na "mystery girl" na pinagtapatan ng pag-ibig ni Connor. Kung hindi ko sinabi kay Shark na kaya kong kontrolin ang sitwasyon, malamang ay sinugod na ng kapatid mo ang ex-boyfriend mo."

Napahiya si Dolphin sa kanyang sarili, lalo na kay Haru. "I'm... I'm sorry, Haru..."

"Shh... hindi ako galit," pang-aalo naman ni Haru. "It's just me, getting jealous."

Umiling si Dolphin. "Iiwasan ko na si Connor para hindi ka na magselos."

"Can you?" Hindi nanghahamon ang pagkakatanong ni Haru. Sa pandinig pa nga ni Dolphin ay para itong bata na naninigurado lang.

Tumango si Dolphin, kahit malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang tumutol. "Wala ka namang dapat ipag-alala, Haru. I'm all yours."

Bumangon si Haru, saka siya niyakap ng mahigpit na tila ba nakahinga ito ng maluwag dahil sa mga sinabi niya. "Thank you, Dolphin. Thank you for the assurance, and for not thinking less of me because of my childishness."

Gumanti si Dolphin ng yakap kay Connor, kahit lumilipad na sa ibang bagay ang kanyang isipan. "It's okay, Haru. Wala ka ring dapat ipag-alala kay Connor dahil siguradong lalayuan na rin niya ako." Dahil babalik na si Madison.


***

NAALALA ni Dolphin ang araw na dinalaw niya sa ospital si Tita Carlota. Gaya niya, masayang-masaya rin ang ginang na makita muli siya. No'ng una ay masaya ang kanilang pagkukuwentuhan, hanggang sa naging seryoso na ang kanilang usapan...

"Dolphin, anak. Alam mo naman na simula't sapol, ikaw na ang gusto kong babae para sa anak kong si Connor. But there are things in life that we have no control of. My son fell in love with my stepdaughter. I know how much pain it has caused you. Kaya nang minsang kumustahin kita kay Riley, naging masaya ako na malamang may ibang lalaki na palang nagpapasaya sa'yo. I'm happy for you, hija." Naluha bigla si Tita Carlota. "And I'm deeply sorry dahil nasaktan ka ng husto ni Connor. You don't deserve that..."

Hinawakan ni Dolphin ang kamay ni Tita Carlota. Maging siya ay naging emosyonal na rin. "Kalimutan na natin 'yon, Tita. Napatawad ko na ho si Connor."

Ngumiti ang ginang sa kabila ng patuloy na pagpatak ng mga luha. "I guess time really heals all wounds. Siguro oras na rin para muli naming tanggapin ni Matthew sina Matthew at Madison. Lalo't babalik na si Madison sa Pilipinas..."

Nagulat si Dolphin. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot. "B-balik na ho si Madison?"

Tumango si Tita Carlota, naging malayo ang tingin. "Naghirap din ng husto ang magkapatid na iyon," anito na ang tinutukoy marahil ay sina Connor at Madison, pagkatapos ay marahang umiling. "No... hindi sila magkapatid. They are free to love each other romantically..."

Kung gano'n, tanggap na pala ni Tita Carlota ang pagmamahalan nina Connor at Madison.

Gusto nang tumakbo palayo ni Dolphin, pabalik sa Manhattan...

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon