Chapter 17

4.6K 156 4
                                    

KITANG-kita ni Dolphin ang gulat sa mukha ni Madison nang makita nito ang maleta niya, at ang malalaki niyang bagahe na nakakalat sa kuwarto niya. Binisita siya nito nang walang pasabi, pero mukhang ito ang mas nagulat sa nadatnan nito.

"Bakit napadalaw ka, Madison?" mahinahong tanong niya rito.

Kumunot ang noo ni Madison. "Dolphin, are you going somewhere far away?"

Marahang tumango siya. "I'm leaving the country."

"Why?"

Dahil masyado na kong nasasaktan. "Bakit ka nandito?" pag-uulit na lang niya sa nauna niyang tanong.

"Gusto lang kitang makausap."

"Kung tungkol ito kay Connor, hindi ako magsasalita."

Natahimik si Madison. Kung gano'n, nagpunta nga ito ro'n para kausapin siya tungkol kay Connor.

Matapos ma-ospital ni Dolphin tatlong buwan na ang nakararaan, hindi na niya muling nakausap si Connor. Alam niyang sinusubukan ni Connor na puntahan siya, pero hinaharang ito ni Shark. She deactivated all her social networking accounts and changed her cell phone number, so she lost contact with him.

Hatid-sundo rin siya ni Shark sa eskwelahan kaya walang pagkakataon si Connor na malapitan siya. At hindi na rin naman siya nagtatangkang makipagkita kay Connor dahil sinasamantala niya ang bakasyon ng mga magulang niya. Bihira na rin umalis ng sabay ang mommy at daddy niya para bantayan at alagaan siya.

Nagtataka marahil si Connor sa biglang paglayo ni Dolphin.

Pero para kay Dolphin, iyon ang pinakatamang gawin. Napagtanto kasi niya na hindi tamang ipagpilitan niya ang sarili kay Connor kahit pa sinabi ng binata na mahal siya nito. Dahil hindi sapat ang mga salitang iyon para mapawi ang takot sa kanyang puso.

Gusto ni Dolphin na maramdaman ang pagmamahal ni Connor nang higit pa sa pinapakita at pinaparamdam nito sa kanya ngayon. Pero hindi niya iyon maaaring hingin sa binata dahil alam niyang mabibigo lang siya.

Dahil kahit pilit man itanggi ni Dolphin, alam niyang sa puso ni Connor ay mas matimbang pa rin si Madison. And when Dolphin has decided to start loving herself again, she has also stopped being second place to Connor. She didn't deserve that.

"Madison, kung may sasabihin ka, pakibilisan sana," malamig na sabi ni Dolphin. "Mamaya na kasi ang flight ko. I want to spend the remaining time with my family."

Nanlaki ang mga mata ni Madison. "Paano ang graduation mo two weeks from now?"

Umiling siya. "Hindi ako a-attend ng graduation ceremony. Matagal ko nang nakausap ang mga professor ko at dean ng college namin. Nakumpleto ko na ang lahat ng requirements ko para maka-graduate kaya walang problema kung aalis na ko."

"Alam ba ni Kuya na aalis ka?"

"Hindi. Pero kapag sinabi mo, malalaman na niya. Will you tell him?"

Matagal bago sumagot si Madison. "Ayoko sana. Pero ayokong dagdagan ang paghihirap ni Kuya Connor. Nitong nakaraan, wala sa sarili si Kuya. Ginagawa niya ang lahat para makausap ka, pero hinaharang siya ng Kuya Shark mo. Naaawa na ko sa kanya..."

Ngumiti siya ng malungkot. Hindi niya akalaing kay Madison pa manggagaling ang mga salitang iyon.

Kung alam mo lang, Madison.

Gusto niyang magalit kay Madison, pero mas nangingibabaw lang ang selos. Selos na wala ring patutunguhan dahil ni hindi nga nito alam na mahal ito ng stepbrother nito. At kaibigan niya si Madison. Hindi niya 'yon magawang kalimutan dahil lang nasasaktan siya.

Bumuntong-hininga si Madison, halatang hindi masaya na wala itong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang sulat. "Pinabibigay 'to ni Kuya."

Tinanggap niya ang sulat. Nang buksan niya iyon, nakita niyang kopya iyon ng anunsiyo ng High Notes Music Festival, ang pinakamalaking songwriting competition sa bansa. Sa ibabang bahagi ng papel ay may mensahe na sulat-kamay ni Connor.

Para sa inaasam mong "world peace".

-Connor

Napangiti si Dolphin dahil sa nabasa niya. Simple ang mensahe, pero naunawaan niya iyon. Minsan niyang nabanggit kay Connor na dapat nitong iparinig sa buong mundo ang mga kanta nito, dahil maaaring iyon ang magdala ng "world peace".

A familiar bittersweet pain gripped her heart, tight.

"Madison, kapag nagkausap kayo ni Connor, may ipapakiusap sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?" tila nag-aalangan naman na sabi ni Madison.

"Pakisabi na lang na mahal ko siya," sabi ni Dolphin sa basag na boses. "At... at pinapakawalan ko na siya."

Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Pero alam niyang hindi siya magtatagumpay kaya tumalikod na siya, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Iyon ang huling beses na iiyakan niya si Connor.

Because you are all of my dreams turned false, Connor.

NASA airport na si Dolphin nang muling tumunog ang kanyang cell phone. Hindi niya sinagot ang tawag dahil siguro naman siyang si Connor 'yon. Mukhang alam na ni Connor na paalis siya ng Pilipinas kaya marahil gusto siya nitong makausap. Kung para pigilan siya, ayaw na niyang alamin dahil ayaw na niyang umasang muli.

"Dolphin, baby, mag-iingat ka ro'n," masuyong sabi ng kanyang ina. "Alam kong aalagaan ka ng Tita Mami mo ro'n, pero gusto ko pa ring makasiguro. Call us often, okay?"

Nakangiting tumango siya kahit gusto na niyang umiyak. Ngayon pa lang ay na-mi-miss na niya ang mommy niya. "Of course I will, Mommy."

"We'll come and visit you every month," matatag na pangako naman ng kanyang daddy. "Hindi yata naming kaya na malayo ng matagal sa bunso namin."

Tuluyan na siyang napahikbi. "Daddy..."

Niyakap si Dolphin ng kanyang mga magulang. Ramdam niya ang labis na pagmamahal ng mga ito sa kanya, pero alam din niya na hinayaan siyang umalis ng mommy at daddy niya dahil alam ng mga ito na iyon ang mas makakabuti sa kanya ngayon. They probably didn't want her to die from heartache. Yes, she was slowly dying inside so she have to save herself.

"Dolphin..."

Nalingunan ni Dolphin si Shark. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga pisngi. "Yes, Kuya?"

Gumuhit ang matinding pag-aalala sa mukha ni Shark. "Riley just called. It's about Connor..."

Her parents gave nasty remarks about Connor, but she ignored them. May nagpakaba kasi kay Dolphin dahil sa pag-aalalang nakikita niya sa mga mata ni Shark. "What happened, Kuya?"

Matagal bago muling nagsalita si Shark. "Naaksidente si Connor, Dolphin. Nasa ospital siya ngayon at kritikal ang kondisyon."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon