Author's Note: Hi. I will be inactive for a week. See you after a few days. :)
***
NATUTULOG si Connor nang dalawin ito ni Dolphin sa ospital. Kahit gaano kahirap at kasakit mahalin ang binata, alam niyang wala na siyang magagawa kundi tanggapin na siya ang mas nagmamahal.
Dahan-dahang umupo si Dolphin sa gilid ng kama. Nang hindi natinag si Connor ay sinagad na niya ang paglapit dito. Humiga siya sa tabi nito at maingat na ipinalupot ang braso niya sa baywang nito.
Connor then stirred to life. Nakakunot ang noo nito, pero nang dumako ang tingin nito sa kanyang mukha ay umaliwalas ang mukha. "Dolphin."
Ngumiti siya. "Kasama ko si Tita Carlota kanina. Inaasikaso niya lang ang discharged papers mo kaya ako na muna ang magbabantay sa'yo."
Kumilos ito para ipagamit sa kanya ang braso nito para gawin niyang unan. Tumanggi siya, pero mapilit ito. "Come on, Dolphin. Hindi ako gano'n kahina. Magaling na ang bugbog ng katawan ko."
Bumuntong-hininga na lang si Dolphin at inunan na ang braso ni Connor. Nang muli niyang ipalupot ang braso niya sa baywang nito, niyakap siya nito. "Saan ka na nga pala nakatira simula nang paalisin ka ni Kuya? Bumalik ka na ba sa bahay niyo?" Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong malaman iyon dahil hindi sila okay nitong nakaraang mga buwan.
Umiling ito. "No. Bumili ako ng sarili kong unit. Sa ngayon, hinuhulugan ko iyon gamit ang savings ko."
Tumango lang siya. Nang maalala pa ni Dolphin si Madison, bumalik ang lahat ng sakit at hinanakit kaya napaiyak na lang siya.
"What's wrong, Dolphin?" nag-aalalang tanong ni Connor.
"Madison is also in love with you," umiiyak na sabi niya, kahit alam niyang alam na iyon ni Connor dahil nagtapat mismo rito si Madison no'ng isang araw.
"Dolphin..." tila nahihirapang sambit ni Connor.
Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ni Connor at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. "I know you love Madison more than you love me. But you said you love me too. Can you please choose me over her? I'm begging you, Connor. Please. Please. Please. I will love you harder, harder than how Madison can."
Naramdaman niyang humigpit din ang pagkakayakap ni Connor sa kanya. Hinalikan nito ang tuktok ng kanyang ulo. "Shh... don't beg me to choose you, Dolphin. You don't have to."
Tumingala siya kay Connor. Nakasilip siya ng pag-asa dahil sa sinabi nito. "Na-rebook ang flight ko. Sa isang araw na ang alis ko."
Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Connor. "Aalis ka pa rin?"
Tumango siya. "Gusto nila Mommy na umalis pa rin ako kapag okay ka na. Pero ayoko nang umalis. I just want to be with you. So please, Connor. Pigilan mo ko. Ipakita mo kila Mommy na kaya mo kong ipaglaban. Just like in the movies, go after me. Or prepare something for me at the airport. If I am asking for too much, then just simply ask me not to go... and I won't."
Ngumiti ng malungkot si Connor. "Why do you love me that much, Dolphin?"
Natawa siya ng mahina, kasabay ng mabilis pa ring pagtulo ng kanyang mga luha. "Hindi ko rin alam. Sana nga matauhan na ko, eh. Para hindi na ko nagpapakatanga ng ganito sa'yo. Pero habang mahal pa kita, I will continue loving you hard."
Niyakap siya ni Connor, saka niya ito narinig at naramdamang bumuntong-hininga. "What will I do to you, Dolphin?"
Hinalikan niya ito sa leeg. "Go after me, please. I will wait for you, Connor."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...