NANG imulat ni Dolphin ang kanyang mga mata, nakita niya si Connor na abala pa rin sa pagdidikit ng stickers sa cupcake boxes kahit halata sa mukha ng binata ang pagod at antok. Sinipat niya ang kanyang relong-pambisig. Lagpas eleven na ng gabi.
Ihahatid dapat si Dolphin ni Connor. Subalit malakas talaga ang ulan kanina at nabalitaan nila mula sa ibang tsuper na nagbaha ang karamihan sa mga kalsadang daraanan nila, kaya napilitan si Connor na ibalik na lang siya sa unit nito.
Nagdesisyon si Dolphin na manatili muna sa unit ni Connor habang nagpapatila ng ulan, subalit sa tagal ay nakatulog pala siya. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin ni Dolphin ang buhos ng ulan mula sa labas.
Bumangon si Dolphin. No'n niya lang napansin na may unan at comforter na pala siya. Nilagay marahil iyon ni Connor para maging komportable ang kanyang pagtulog.
"Connor..."
Mabilis na tumayo naman si Connor ar lumipat sa kanyang tabi. Biglang nawala ang antok sa mukha ng binata. "Do you need anything, Dolphin? Coffee? Snack?"
Umiling si Dolphin, saka tinakpan ang bibig para maghikab. "Hindi ka pa natutulog?"
"Don't worry about me. Just go back to sleep. Inaantok ka pa, eh."
"Hindi pa ba humuhupa ang baha?"
"I watched the late news while you were asleep. Sarado pa rin ang mga kalsadang dadaanan natin dahil sa baha," apologetic na sabi ng binata.
Hindi naman sinisisi ni Dolphin si Connor kung bakit siya estranded sa unit ngayon nito, kaya nakakatawang makita ang guilt sa mukha nito. "Hindi mo naman kasalanan kung ganito ang panahon. Pagpasensiyahan mo na lang kung dito muna ko sa unit mo."
Tila nakahinga ng maluwag si Connor. Ngumiti ang binata. "Go back to sleep," malambing na utos nito. "Gigisingin kita kapag tumila na ang ulan."
"Gusto kong manood ng movie."
"Wait a minute." Tumayo si Connor at pumasok sa kuwarto. Pagbalik nito sa sala ay dala na nito ang laptop. Inabot iyon ng binata sa kanya. "May mga naka-save na movies d'yan. Mamili ka na lang."
Dolphin browsed through the list of movies. Panay foreign films iyon na action, horror o 'di kaya'y comedy. Napasimangot siya. "Wala ka bang It Takes A Man And A Woman?" Tukoy niya ay ang paborito niyang Pinoy romance movie. Paborito kasi niya ang airport scene sa pelikula kung saan nag-propose ang karakter ni John Lloyd Cruz sa karakter ni Sarah Geronimo.
Because once upon a time, she has also wished for a proposal at the airport...
Bahagyang kumunot ang noo ni Connor. "Ano 'yon? Bagong movie?"
Bumuntong-hininga si Dolphin. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang lalaki? Mas magugulat siguro siya kung meron ngang chick flick sa movie list ni Connor dahil wala sa itsura ng binata ang manonood ng gano'n. "Ayoko nang manood. Matutulog na lang uli ako."
Binaba ni Dolphin sa center table ang laptop, saka bumalik sa pagkakahiga. Pagkatapos ay pumikit siya nang makaramdam ng antok.
"Hey, nagtatampo ka ba?" malambing na tanong ni Connor.
Didilat sana si Dolphin para pabulaan ang sinabi ni Connor. Hindi naman siya nagtatampo, sadyang tinamad na lang siyang manood. But when she felt his warm hand on her cheek, she froze.
"I-da-download ko na 'yong movie na gusto mo," sabi ni Connor. Napakalapit yata ng binata sa kanyang mukha dahil tumama ang hininga nito sa kanyang pisngi.
Naglakas ng loob si Dolphin na imulat ang kanyang mga mata. Napakalapit nga ni Connor sa kanyang mukha. Nakasalampak ang binata sa sahig at nakaharap sa kanya, nakapatong pa rin ang kamay sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...