DAHIL walang pasok ng araw na iyon, nakahiga lang si Dolphin sa kama. Kadarating lang niya at ng mga kasama niyang volunteer sa Maynila kaninang madaling-araw. Hindi na siya nagpasundo kay Connor dahil ayaw niyang maistorbo ito. Sinundo naman siya ng driver nila.
Binuksan na lang niya ang Twitter account niya. Nagulat siya nang makitang may tweet si Connor sa kanya.
Connor Mac Domingo: @DolphinInTheSea, baby sea urchin, let me know kung pauwi na kayo para masundo kita, okay?
Napangiti siya. Sinagot niya ang tweet nito.
Dolphin Antonette Sylvestre: @HELLOConnor, baby love, nasa bahay na ko. I'm safe and sound naman. :* <3
Mag-a-ala singko pa lang ng madaling-araw kaya hindi na siya umasang gising na si Connor. Nag-log-out na siya sa Twitter account niya at nag-browse uli sa Fancy Souvenir. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya napipili ng regalo si Madison. Naging abala siya sa pagtulong sa pagtatayo ng bahay nitong nakalipas na isang linggo.
Naalala niya ang naka-bookmark na page. She clicked the link and waited for the page to download. Nang mag-load na iyon ay binasa niya ang artikulong nakasulat do'n:
Infinity Bracelet
Artist's Explanation
The Infinity Bracelet is inspired by the star-crossed lovers, Romeo and Juliet. The bracelet depicts that no matter how impossible it is for a couple to be together, love will always find a way, and it will be fulfilled no matter what.
The infinity lock is a reminder that though apart, the love between the bearers of the couples' bracelet is endless, boundless and infinite.
Hindi niya alam kung bakit may kumirot sa puso niya. Nagandahan siya sa nakapaloob na mensahe sa couples' bracelet, pero nalungkot din siya. Hindi niya nagustuhan ang Romeo and Juliet dahil sa trahedyang katapusan niyon.
Alam kaya ni Connor ang ibig sabihin ng Infinite Bracelet, o basta lang ito nag-click ng "buy" button nang nagandahan marahil sa bracelet?
Muli yata siyang nakatulog dahil nang magising uli ang diwa niya, narinig niya ang pag-doorbell nang kung sino. Naghilamos muna siya bago lumabas ng kuwarto. Nang bumaba siya sa sala, nakita niyang si Connor ang pinagbuksan ng pinto ng kasambahay nila.
"Good morning, baby love!" masiglang bati niya kay Connor.
Nanatiling seryoso ang mukha nito. "Dolphin, bakit hindi mo ko tinawagan nang pauwi ka na? 'Di ba sabi ko naman sa'yo, susunduin kita."
"Ala-una na kasi ng madaling araw kami dumating," katwiran niya. "Ayoko namang maistorbo ka pa tutal ay sinundo naman ako ng driver namin."
"I was still worried."
Nakagat niya ang ibabang labi niya. "Sorry na."
"I'm still upset. Sa tweet mo lang pinaalam sa'kin na nasa bahay ka na."
Humagikgik siya habang nakatingin kay Connor. Sa buong buhay niya, ngayon niya lang ito nakitang mag-alala ng gano'n para sa kanya. "Hindi na mauulit."
Bumuntong-hininga ito. "Dapat lang."
Lumapit siya rito at ipinalupot niya ang mga braso sa baywang nito. "Na-miss kita."
"I missed you, too."
Simula nang gabing bumalik ito sa Maynila ay na-miss agad niya ito. Parati naman itong nagtetext at nagtu-tweet, pero hindi niya halos masagot ang mga iyon dahil sa pagiging abala niya. Sa gabi na nga lang niya nasasagot ang mga tawag nito. But still, she found his effort to reach her sweet.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...