NAGING mapait ang pakiramdam ni Connor matapos alalahanin ang nakaraan, ang dahilan kung bakit hindi agad niya muling nabalikan si Dolphin.
Nang umalis si Madison sa poder ni Connor, nagkaroon ng pagkakataon si Connor para muling balikan sa Manhattan si Dolphin. Pero natagalan siya dahil naging abala siya sa proyektong tinanggap niya – ang paggawa ng theme song para sa soap opera ni Direk Jojo na naging breakthrough niya sa music industry. Isa pa, nag-ipon pa siya ng pamasahe dahil hindi biro ang gastusin sa pagpuntang New York, lalo't sinusuportahan lang niya ang kanyang sarili.
It took him almost a year to finish everything. Nang makuha ni Connor ang bayad sa kanya nang ma-approve ang kantang sinulat niya, saka siya nag-book ng flight papuntang New York para sunduin si Dolphin.
Pero hindi inaasahan ni Connor ang kanyang makikita sa pagbabalik niya sa Manhattan...
***
PAKIRAMDAM ni Connor ay nadurog ang kanyang puso nang pumikit si Dolphin at tanggapin ang halik ni Haru. Magkahawak-kamay ang dalawa habang nakatayo sa ilalim ng mistletoe na hawak ng mga Amerikanong kaibigan marahil ng dalawa. Nakikita niya ang mga ito mula sa labas ng malaking salamin ng Mrs. Pâtissière. Papasok sana siya sa establisiyimento kanina pero napigilan siya nang eksenang iyon.
What broke his heart most was the way Haru kissed Dolphin – it was deep, and long and very passionate. Hindi naghahalikan ng gano'n ang magkaibigan lang. Ibig sabihin, may espesyal nang relasyon sina Dolphin at Haru.
Ang daming tanong na nabuo sa isip ni Connor – paano naging magkasintahan sina Dolphin at Haru? Talaga bang mahal ni Dolphin si Haru? At kailan pa nagkagusto si Haru kay Dolphin gayong sa pagkakaalam niya, si Madison ang gusto ni Haru noon.
Pero sa kabilang banda, ayaw na rin malaman ni Connor ang mga sagot dahil tiyak niya, lalo siyang madudurog sa labis na sakit.
Tumalikod si Connor at naglakad palayo. May pakiramdam siya na hindi maganda ang mangyayari kung magpapakita siya kay Dolphin ng mga sandaling iyon, lalo't nasa harap sila ng maraming tao.
Again, he had to say good-bye to Dolphin when she wasn't even aware that he was there.
Naramdaman ni Connor ang pagpatak ng kanyang mga luha sa pagtatapos ng kanyang pagbabalik-tanaw. Aaminin niyang naduwag siya na makitang masaya na si Dolphin kay Haru kaya hindi na siya bumalik sa Manhattan.
Naging abala rin si Connor sa commitments niya sa High Notes na siyang kumuha sa kanya bilang exclusive recording artist ng kompanya. He has been hurt so he has focused his attention on his career, a pathetic attempt to forget Dolphin.
"Ah, the camera will love you in that angle."
Nalingunan niya si Yuanne, ang kanyang manager. Isinuot niya ang kanyang shades kahit alam niyang nakita na ng dalaga ang kanyang pag-iyak. "What do you need?"
"Napansin ni Direk na wala ka sa mood ngayon, kaya pinagbe-break ka muna niya before you resume the shoot," nag-aalalang sagot ni Yuanne. "What do you want to eat?"
Napabuntong-hininga si Connor. Naroon siya ngayon sa flower bed sa Empire University para i-shoot ang music video nang bago niyang kanta na may pamagat na Crawling Back To You. Siya ang gumawa ng kanta na tungkol sa pagmamakaawa ng isang lalaki na patawarin ng kasintahang nasaktan nito ng labis.
Iyon ang kanta na sinulat ni Connor na walang ibang pinag-aalayan kundi si Dolphin. Iyon ang kanyang pagsusumamo sa dalaga para patawarin siya nito.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...