Chapter 7

5.2K 179 27
                                    

"DOLPHIN, ano 'yan?"

Nakangiting inabutan ni Dolphin ng flyer si Madison nang lapitan siya nito. "Announcement para sa mga gustong sumama sa Build A Home Project ng Save The Mother Earth Organization namin bilang suporta sa Habitat for Humanity campaign ng isang NGO. Nagre-recruit ako ng mga interesado pang tumulong."

Binasa ni Madison ang nakasulat sa flyer. "Sa La Union? Ang layo naman ng pupuntahan mo, Dolphin."

"Okay lang 'yon. Ay, advance sorry nga pala kasi sa gabi ng birthday mo ang alis namin."

Muling binasa ni Madison ang nakasulat sa flyer, at nadismaya ito. "Oo nga. Kung gano'n, hindi kita makakasama sa birthday ko?"

Pabirong binunggo niya ito sa balikat. "Reregaluhan na lang kita. Ano ba'ng gusto mo?"

Nag-isip ito, saka napangiti. "Accessory. But it doesn't have to be expensive, okay?"

"Sure. I'll make sure na magugustuhan mo ang ibibigay ko sa'yo," aniya, sabay kindat. "Isasama ko si Connor sa pagsha-shopping."

Ngumiti lang si Madison, pero tila ba malungkot iyon. "Mukhang nagiging close na kayo ni Kuya Connor, huh?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Dolphin. "Ayaw mo ba?"

Umiling si Madison. "Hindi naman. Matagal mo nang hinihiling na maging close kayo ni Kuya Connor, kaya lang..."

Mukhang wala nang balak si Madison na tapusin ang sinasabi. Pero naunawaan naman ni Dolphin ang ipinag-aalala ng kaibigan. Umabistre siya sa braso nito. "It's okay, Madison. Kahit madalas kaming mag-date ng kuya mo, I'm sure naman na aalagaan ka pa rin niya kasi nga baby sister ka niya."

"Hindi ka ba natatakot na baka masaktan ka lang sa huli?" biglang tanong ni Madison.

Naguluhan si Dolphin. "What do you mean, Madison?"

Hindi umimik si Madison.

May nakita si Dolphin na dumaan na kakaibang emosyon sa mga mata ni Madison na hindi na niya napangalanan nang tumunog ang cell phone niya. Si Connor ang tumatawag kaya sinagot niya agad iyon.

"Yes, baby love?"

"Dolphin, can we talk?"

Natigilan siya. Hindi niya alam kung bakit kinilabutan siya sa nahimigan niyang pagkaseryoso sa boses ni Connor.


***

"I THOUGHT it would work, but it didn't. I'm sorry if I led you on."

Pakiramdam ni Connor ay may sumuntok sa dibdib niya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. At ngayong nakikita niya ang sakit na nakaguhit sa mga mata ni Dolphin, parang gusto niyang siya na mismo ang sumuntok sa sarili niya.

Inasahan na niyang iiyak si Dolphin, magagalit at sasaktan siya ng pisikal. Pero tahimik lang ito. Kalmado ito tingnan habang nakabilog ang mga kamay nito sa tasa ng kape nito. She seemed to be pondering on his words as she studied his face.

"Kung gano'n, nakita mong walang patutunguhang relasyon ang pag-de-date natin," malumanay na sabi ni Dolphin. "So you want us to stop seeing each other?"

Parang may bumara sa laluman niya, pero pilit pa rin niyang pinalabas sa bibig niya ang salitang tatapos na sa kung ano mang meron sila ni Dolphin. "Yes."

For a heartbeat, he thought Dolphin was going to cry. Pero mukhang napakalma agad nito ang sarili dahil walang luhang pumatak sa mga mata nito. She even managed to smile at him. "Thank you, Connor."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon