BINALIKAN ni Dolphin ang establisyimento na nagustuhan niya sa tapat ng restaurant kung saan naganap ang baby shower ni Peanut noong nakaraang linggo.
Bigla kasing naisip ni Dolphin na magandang puwesto iyon para sa gusto sana niyang itayo na pastry shop. Tamang-tama dahil may katabi iyong bookstore. Lahat ng book lover, puwedeng dumiretso sa shop niya para kumain ng pastries. Gano'n din sa kanan naman na souvenir shop. Siguradong madalas ay puro babae ang mga customer do'n. Girls loved cute stuffs, and she would make sure she would make her future pastry shop as cute as possible.
Bumuntong-hininga si Dolphin, saka humalukipkip. Gusto niyang magtayo ng sarili niyang pastry shop. Pero natatakot siya na baka hindi iyon mag-hit, o hindi magustuhan ng mga tao. Noon pa man ay problema na niya ang mababang kumpiyansa niya sa baking skills niya. Hobby lang kasi para sa kanya ang pagbe-bake, kaya natatakot siya na kapag ginawa niya iyong career, baka ma-pressure siya dahil mahigpit ang kompetisyon sa food business. Baka malugi siya.
Pero mas natatakot si Dolphin na kapag inisip niyang trabaho ang pagbe-bake ay kamuhian niya iyon kalaunan. Because people tend to hate their jobs, right?
"Hey."
Napasinghap si Dolphin nang may magsalita sa kanyang tabi. Nalingunan niya si Connor na naka-cap at nakababa ng husto ang visor sa mukha para marahil hindi ito makilala ng mga tao sa paligid. "Connor. Ano'ng ginagawa mo rito?"
He used his thumb to point at the restaurant across the street. "Doon ako nag-lunch. Then I saw you here." Nanatili lang na nakatitig si Connor kay Dolphin. Pagkatapos ay napakurap-kurap ito. And then he smiled bashfully. "Ano'ng tinitingnan mo rito?"
Ayaw man ni Dolphin, nagtagumpay si Connor na ilihis ang topic. Gusto rin kasi niya ng ibang opinyon tungkol sa naiisip niyang itayo na negosyo. "Do you think this particular space is good for business?"
"Oh. You're planning to put up a pastry shop?"
Gulat na nilingon ni Dolphin si Connor. "Paano mo nalaman?"
Lumuwang ang ngiti ni Connor. "Well, you're a good pastry chef. Hindi nakakapagtaka kung gusto mong magtayo ng sarili mong pastry shop, lalo't Business Management naman ang tinapos mo dito sa Pilipinas."
Lalong nagulat si Dolphin. "Paano mo nalamag pastry chef na ako?"
"Hinulaan ko lang."
"Huh?"
Nagkibit-balikat si Connor. "Nabanggit mo noon na may pastry shop sa Manhattan ang tita mo. Since you stayed with her for the last five years, naisip ko lang na baka naeenganyo ka niyang mag-aral ng Baking. And I was right."
Binigyan ni Dolphin nang nagdududang tingin si Connor, pero pinagsawalang-bahala na lamang niya iyon. "So, do you think this is a good location?"
Tumango si Connor. "Yeah, you should talk to the seller of this property ASAP." Kinuha nito sa bulsa ang cell phone nito, saka tumingin sa placard. Kung hindi nagkakamali si Dolphin, ni-re-record nito ang contact number na nakasulat do'n.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan, Connor. Nakuha ko na ang contact info na 'yan," saway ni Dolphin kay Connor, naiilang sa labis na tulong na ibinibigay nito sa kanya.
"Oh, okay." Binulsa uli ni Connor ang cell phone nito. "So, when do you plan to call them? Maganda ang lokasyon ng bakanteng establishment na 'yan, kaya tiyak na maraming magkakainteres d'yan. Baka maunahan ka."
Bumuntong-hininga si Dolphin, nag-aalala. "Alam ko naman 'yon, Connor. Kaya lang, hindi pa ako confident na kaya ko nang magtayo ng sariling business... I don't even have enough confidence on my baking skills."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...