"YOU SHOULD go and see him!"
"Huh?" nagtatakang tanong ni Dolphin sa mga kaibigan niya. Nag-iihaw siya ng barbecue para sa hapunan nila sa tapat ng model house na tinutuluyan nila nang lapitan siya ng mga ito at sabihing puntahan niya sa bus si Connor. "Bakit?"
"Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? Narinig ko na kausap niya ang team leader and adviser natin. Kailangan na daw niyang bumalik sa Manila," sabi ni Philsia, kaibigan at kapwa-volunteer niya.
Umiling siya. Hindi niya pinahalata, pero nalungkot talaga siya sa nalaman niya. "Bakit daw aalis na siya?"
"Hindi namin alam, kaya nga puntahan mo na siya. Ando'n siya sa bus!"
Kumunot ang noo niya. "'Di ba kanina pa umalis 'yong service natin at babalikan na lang tayo sa Biyernes?"
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya, pagkatapos ay hinawakan siya ng mga ito at pinagpilitang hilahin papunta sa bus na nakaparada malapit sa ginagawa nilang bahay sa kabila ng mga protesta niya. Masama ang kutob niya sa nangyayari.
"Hey!" reklamo niya.
Marahang tinulak siya ni Philsia paakyat sa bus. "Girl, pasasalamatan mo kami pagkatapos nito, pramis!"
Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa bus nang bumukas ang pinto niyon. Nang tuluyan na siyang nasa loob ay nakita niya si Manong Driver na nakangiti sa kanya. Binuksan nito ang mga ilaw at aircon ng bus.
Habang naglalakad siya sa makipot na pasilyo ng bus ay natigilan siya nang makita si Connor na nakatayo sa gitna at may dalang gitara. Lumingon siya sa paligid. No'n niya napansin na may mga heart-shaped balloon pala na nakadikit sa mga kurtina.
Bumaba ang tingin niya kay Connor. "Ano 'to?"
"Well... I'm giving you a private concert."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Bakit?"
Gumuhit ang guilt sa mukha nito. "Hindi naging maganda ang huli nating paghihiwalay. Gusto kong mag-sorry dahil sa inasta at nasabi ko no'n."
"Puwede namang mag-sorry ng normal, ha? Tumatanggap naman ako ng apology without all this grand gesture."
"Ayaw mo ba?"
Tinitigan niya si Connor. Ilang beses na ba niyang in-imagine na gumawa ito ng sobrang laking gesture gaya nito na magpapakita kung gaano siya nito kamahal? Hindi na nito kailangang itanong kung ayaw niya niyon.
Hindi na niya napigilang mapangiti. "Gusto."
There goes Connor's crooked, amused smile again. Nilahad nito ang kamay nito sa kanya. Walang patumpik-tumpik na tinanggap niya iyon. Hinila siya nito hanggang sa makarating sila sa dulong bahagi ng bus. Umupo sila sa panlimahang upuan kung saan mas maluwag kaya malaya nitong maigagalaw ang mga braso nito habang tumutugtog ito ng gitara.
Nang magsimulang kalabitin ni Connor ang strings ng gitara nito ay umandar din ang bus. Nataranta siya.
"Connor! Saan tayo pupunta?"
"Don't worry. Lilibot lang tayo. Ibabalik kita bago ang ten PM curfew."
"Connor, babalik ka na ba talaga sa Manila?"
Tumango ito. "Biglaan, eh. May sakit si Mommy. Pasensiya na kung hindi ko mapapanindigan ang pagtulong sa inyo."
Umiling siya. "Hindi, okay lang 'yon. Ang dami mo namang naitulong ngayong araw. Kumusta si Tita? Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"Nawalan ng malay si Mommy due to fatigue. Okay naman na siya, but our dad demands us na bantayan si Mommy. And we are worried too, of course. Ngayon lang nangyari 'to."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...