NAPABUNTONG-hininga si Dolphin matapos sariwain sa kanyang isipan ang mga ala-ala nila ni Haru noong nasa Manhattan pa sila. A familiar feeling enveloped her heart. "I've missed you, too, Haru."
Ngumiti si Haru, saka humiga sa kanyang tabi. Pinaunan nito sa kanya ang braso nito pero hindi siya yumakap dito gaya ng madalas niyang gawin. Mukhang hindi naman iyon gaanong pinansin ng binata dahil malinaw dito ang pakikipaghiwalay niya bago siya bumalik ng Pilipinas.
"I've missed you more, Dolphin. Hindi mo alam kung gaano ako nagulat at nasaktan nang makita ko ang iniwan mo sa shop ng Tita Mami mo," paghihinanakit ni Haru na ang tinutukoy ay ang pagbabalik niya rito ng singsing na binigay nito nang gabing inalok siya magpakasal.
"I'm sorry, Haru. Hindi ko lang alam kung paano ka haharapin."
Bumuga ng hangin si Haru. "You don't have to apologize, Dolphin. Naiintindihan ko kung nabigla ka sa marriage proposal ko. Pero... pero hindi mo kailangang tapusin ang relasyon natin. Hindi ko tinatanggap ang pakikipag-break mo."
Siya naman ang bumuga ng hangin. "Haru, hindi pa ko handang magpakasal. Baka mapagod ka lang kakahintay sa'kin."
Matagal bago sumagot si Haru. "Fine. Let's not get married. Pero hindi tayo maghihiwalay."
Ngayon lang nakita ni Dolphin na illogical side ni Haru. Sa tingin pa nga niya, para itong batang nagmamaktol. Hindi tuloy niya mapigilang matawa ng mahina. "Haru... you're being childish."
Pabirong tinapunan siya nito ng masamang tingin ni Haru. "Sige, pagtawanan mo pa ko."
"Haru..."
Naging seryoso si Haru. "Hindi kita hahadaliin sa pagpapakasal. Kahit nga ayain mo kong mag-live in na lang, kahit masakit sa pride ko dahil tinatanggihan mo ang apelyido ko, tatanggapin ko. Pero huwag na huwag mo uli sasabihin na tapos na tayo."
Bahagyang kumunot ang noo ni Dolphin, pero hindi niya maalis ang kanyang ngiti. "Live-in? Gusto mo bang patayin ka ni Kuya Shark?"
Nagmamaktol pa rin ang itsura ni Haru. "Ano'ng magagawa ko? Ayaw mong magpakasal, pero gusto kitang makasama habambuhay at alam kong gusto mo rin 'yon. Kaya sa nakikita ko, sa pag-li-live in babagsak ang relasyon natin. Pero hindi kailangan mag-alala ng pamilya mo dahil may back-up plan ako."
"At ano naman 'yon?"
"Pipikutin kita para mapilitan kang pakasal sa'kin. I will seduce you, you'll see."
Natawa na si Dolphin dahil halatang nagbibiro naman si Haru. "Sira-ulo ka talaga, Haru!"
Ngumiti lang si Haru, saka siya niyakap ng mahigpit. "Aaminin ko, kasalanan ko. I'm not getting younger, Dolphin. Nainggit ako sa mga kaibigan ko na nagsisipag-asawa na sa edad naming ito. Pero nakalimutan kong bata ka pa. You still have dreams ahead of you. Please don't think that I will hold you back if ever you agree to marry me. But then again, mukhang natakot kita. I'm sorry, baby."
Bumuntong-hininga si Dolphin. Sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata. "I should be the one apologizing, Haru. Hindi dapat kita tinakbuhan. Pero ayokong makitang masaktan ka sa pag-turn down ko sa proposal mo..."
"Shh... kalimutan na natin 'yon. For now, let's pretend it didn't happen. But one day, I will ask you to marry me again. And by that time, I will make sure na nabago ko na ang pananaw mo sa pagpapakasal. Araw-araw, ipapakita ko sa'yo na karapat-dapat akong maging asawa mo. Pero unahin mo munang gawin lahat ng gusto mong gawin, okay?"
Dolphin sighed again. Sobrang bait ni Haru. Siya ang hindi deserving dito, pero hindi niya kayang saktan uli ang binata. Binago na lang tuloy niya ang topic. "Kailan ka pa dumating, Haru?"
"Kanina lang. Dumiretso agad ako sa inyo. Alam kong maaga pa, pero kinapalan ko na ang mukha ko na bulabugin kayo ng ganitong oras dahil sobrang miss na kita. 'Buti na lang at mukhang hindi naman nagalit si Shark. Pinaakyat pa nga ako sa kuwarto mo dahil daw kagabi eh hindi ka kumain."
Lumabi siya. "Botong-boto si Kuya sa'yo 'no. Actually, buong pamilya ko kakampi mo, kaya parang imposibleng magalit sila sa'yo."
Natawa ng mahina si Haru. "Kaya nga ikaw na lang talaga ang kailangan kong suyuin ng todo para maging misis na kita."
Pabirong kinurot ni Dolphin sa tagiliran si Haru. "Ewan ko sa'yo. Sandali nga't mag-aayos muna ko."
Akmang tatayo si Dolphin pero dinaganan siya ni Haru. He was now on top of her, kissing her passionately as if he was making her feel how much he had missed her.
Ipinalupot ni Dolphin ang mga braso sa leeg ni Haru habang tinutugon ang mga halik nito. His kisses were always deep, long and sweet. Expert ang binata sa aspetong iyon. Subalit kahit gaano katamis ang halik ng boyfriend niya, parati pa rin siyang may nararamdaman na kulang.
***
"ALAM ko hindi dapat ako mangialam sa inyo ni Haru dahil matatanda na kayo. Hell, he is even older than I am. Pero Dolphin, remember, kasal na kami ng Ate Antenna mo when she had Baby Koi."
Nanlaki ang mga mata ni Dolphin dahil sa mga sinabi ni Shark. Nabigla siguro ito nang mahuli silang naghahalikan ni Haru kanina nang bigla na lang pumasok ang kanyang kapatid sa kuwarto. Pero...
"Kuya, I'm not having this conversation with you!"
Namula ang mukha ni Shark, halatang naiilang din sa topic na iyon. Kaya siguro kahit huminto ang kotse dahil sa traffic light ay hindi siya magawang tingnan ng kapatid. "I know this is awkward, okay? Si Antenna sana ang ipapakausap ko sa'yo, pero ako ang kuya mo kaya ako dapat ang magpaalala sa'yo na maging extra careful kayo ni Haru."
Nag-iinit pa rin ang mukha ni Dolphin nang bumaling sa labas ng bintana. Gusto niyang isigaw sa mukha ng kapatid niya na intact pa ang virginity niya pero mas magiging awkward iyon. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa siyang ihatid ng kanyang kuya sa lakad niya kahit may sarili naman siyang sasakyan.
Kasi nga po gusto ka daw niyang makausap, paalala niya sa kanyang sarili. Pero kung alam niyang tungkol sa bagay na iyon ang pag-uusapan nila ni Shark, nagpasundo na lang sana siya kay Haru.
"Sis, I just want you to be careful," pagpapatuloy ni Shark. "Malaki naman ang tiwala ko kay Haru. But then again, maraming puwedeng mangyari. Lalo't pareho kayo ni Haru na nasa tamang edad na para magpakasal."
Bumuntong-hininga si Dolphin. Alam naman niya na botong-boto kay Haru ang kanyang pamilya. "Hindi pa ko handang magpakasal, Kuya."
"Alam ko. Na-mention nga ni Haru."
"I see."
"The truth is, bago nag-propose sa'yo si Haru, hiningi na niya ang permiso namin nina Mom and Dad. Kaya we were all disappointed when he said you turned him down."
"Kuya–"
"I understand, Dolphin," sansala ni Shark sa kanyang sinasabi. "Naipaliwanag na sa'kin ni Haru. And because of that, I want to apologize to you. Masyado kaming na-excite – lalo na ko – nang malaman naming magpo-propose na sa'yo si Haru. Nakalimutan namin isaalang-alang ang damdamin mo. May mga pangarap ka pa. At bata ka pa. Gawin mo lang muna kung ano'ng gusto mong gawin, gaya ng sinabi ni Haru sa'yo."
Nilingon ni Dolphin si Shark at nginitian ang kapatid. "Thank you, Kuya."
"No prob, baby sis. Basta kailangan mo ng tulong – financially man o moral support – para d'yan sa negosyong itatayo mo, huwag kang mahihiyang lumapit sa'kin, okay?"
Tumango siya. "Of course."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...