Chapter 6

5.2K 176 24
                                    

NAGMULAT si Dolphin ng mga mata nang maramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kung sino sa noo niya. Sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Connor.

Napangiti siya, kahit nanghihina pa ang pakiramdam niya. "Hi, baby love."

Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito, pero mas nangibabaw ang pag-aalala sa boses nito. "Ano ba'ng ginawa mo? Tumatawag ako sa'yo kanina pero si Madison ang sumagot at sinabi nga niyang nandito ka sa clinic."

Bumangon siya. Inalalayan naman siya ni Connor. Tiningnan niya ang kamay niya na hanggang ngayon, may hawak pang stress ball. Napangiti siya. "I'm fine, Connor. Nag-donate lang ako ng dugo sa Red Cross kanina. Naparami siguro ang pagkuha nila ng dugo sa'kin kaya nahilo ako pagkatapos," biro niya.

"Nag-donate ka ng dugo?"

Tumango siya. "Project 'yon ng mga taga-Biology major dito sa East Sun. Active blood donor ako kaya qualified ako sa pagdo-donate ng dugo. Lahat naman ay nanghihina matapos kunan ng dugo. Pero kapag kumain na ko, babalik na sa dati ang lakas ko."

"Bakit ganyan ka kabait, Dolphin?"

Napatitig siya kay Connor. Pakiramdam niya ay unti-unting inaagaw ang hininga niya habang pinagmamasdan ang guwapo nitong mukha. Every feature of his face was almost perfect. Pero ang pinakakinahuhumalingan niya rito ay ang asul na asul na mga mata nito. Those ocean-blue eyes of his could make her heart beat so fast, so loud she thought she was having a heart attack. Napangiti siya. "Nag-donate lang ng dugo, mabait agad?"

"You know what I'm saying, Dolphin," seryoso pa ring sabi ni Connor. "Misyon mo ba ang magdala ng world peace?"

Natawa siya ng mahina. "'Yong mga pagvo-volunteer ko, maliit na bagay lang 'yon kompara sa mga blessing na meron ako simula pagkabata. Gusto ko lang mag-give back at i-share kung ano ang kaya kong ibigay para sa mga hindi gaanong sinuwerte sa buhay."

"Kung ganyan ka kabait, aabusuhin ka ng ibang tao."

Nagkibit-balikat siya. "Nasa'kin naman 'yon kung magpapa-abuso ako."

Matagal bago muling nagsalita si Connor. "Kung hindi ako huminto sa pagtakbo, hindi ko makikita ang side mo na 'to."

Ngumiti lang siya. Para sa kanya, wala namang nakakamangha sa mga ginagawa niya. Hindi lang naman siya ang nag-iisang tao na mahilig mag-volunteer sa mga charity work.

"Paano ka nga pala nakapasok dito sa school namin?" pag-iiba niya ng usapan.

"Sinundo ako ni Madison sa gate. Saka kilala naman ako ng mga guwardiya dito sa East Sun dahil madalas kong ihatid-sundo si Maddie noon." Tumayo na ito. "Come on. Iuuwi na kita."

Tumayo siya. Tinulungan siya ni Connor. Inakbayan siya nito. Dahil sa pag-alalay nito sa kanya, nagkadikit ang mga katawan nila. Being this close to him had just been a dream to her before, so this reality felt strange... and good. So good she didn't want it to end anymore.

"Bakit bigla kang natahimik?" tanong ni Connor mayamaya.

Umiling lang si Dolphin.

Naningkit ang mga mata ni Connor na para bang may malalim na iniisip. "Nagugutom ka na 'no?"

"Ha?"

"Malamang gutom ka pagkatapos mong kuhanan ng dugo. Halika, papakainin kita."

Ngumiti siya. "Napapadalas ang panlilibre mo sa'kin, ha?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto," natatawang sagot niya. Dahil mukhang maganda ang mood ni Connor, sinamantala na niya. Yumakap siya sa baywang nito at sininghot ang amoy nito. "Salamat, baby love."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon