"STAY? Really, Connor? Iyon na ba ang pinaka-romantic na masasabi mo? Ano ako, aso?" sunud-sunod na reklamo ni Dolphin kay Connor habang naglalakad sila palabas ng airport. Napag-alaman niyang hindi nagpuntang Davao si Connor at nakapagpa-book din ang binata ng flight papuntang Manhattan para sundan siya kung sakaling hindi siya magpapigil sa pag-alis.
Samantala, kasama na ni Madison ang mga magulang sa Davao. Napatawad na niya ang dating kaibigan dahil naging mahirap din dito ang lumipas na limang taon. Sana, gaya niya ay mahanap na rin ng dalaga ang pag-ibig na nararapat dito.
Hindi umalis si Connor kasama si Madison. Sa pagkakataong ito, si Dolphin na ang pinili ni Connor at napanindigan iyon ng binata. Kahit limang taong late si Connor, pinatawad na niya ito.
Napakamot ng batok si Connor, halatang nahihiya. "Sorry. Desperado na ko. Nang makita kitang tumayo, akala ko aalis ka na. Natakot ako na baka hindi kita mapigilan."
Pinigil ni Dolphin ang mapangiti dala ng kilig. Naggalit-galitan siya para takutin si Connor. "Grabe talaga. May balak ka ba talagang pigilan ako? O na-pressure ka lang? Ni hindi mo man lang ipinagsigawan na mahal mo ko... OMG."
Natigilan si Dolphin nang paglabas nila ng airport ay may malaking truck na huminto sa kanilang harapan kung saan may tarpaulin na nakakabit. May nakasulat do'n.
I love you, Dolphin.
Ngumisi si Connor. "Siguro naman nakabawi na ko, baby love?"
Nakanganga pa rin si Dolphin nang tumango. "Puwede na, baby love!"
"Hindi pa d'yan nagtatapos ang surprise ko sa'yo, Dolphin."
Pagkasabi ni Connor niyon ay biglang bumukas ang truck at nalantad sa harap niya ang tatlo pang miyembro ng HELLO Band – sina Shark, Bread at Riley na hawak ang kanya-kanyang instrumento ng mga ito. Kumpleto ang truck na iyon sa equipment. Katulad ng eksena ni John Llyod Cruz sa pelikula nitong A Very Special Love kung saan sinorpresa ng aktor ang karakter ni Sarah Geronimo.
Napaluha si Dolphin. "Wala kang originality, Connor."
Nagkibit-balikat s Connor. "Nang banggitin mo sa'kin 'yong It Takes A Man And A Woman, ni-research ko 'yon at naintindihan ko na kung bakit gusto mo ang movie na 'yon. It's because of the airport proposal, right? I watched the three films, kaya heto ako, nakikigaya sa pauso ni John Lloyd mo."
Napahikbi si Dolphin. "Ano ba 'yan. Ang ganda ko naman. Sarah Geronimo lang ang peg."
Natawa ng mahina si Connor. "Mas maganda ka pa sa kanya, Dolphin."
Hindi nakasagot si Dolphin nang halikan siya ni Connor sa mga labi, saka tatawa-tawang sumakay din sa truck. Kinamayan ni Shark si Connor, pagkatapos ay humarap ang huli sa tapat ng mikropono.
Sa pagkakataong iyon ay pinagtitinginan at pinanonood ang HELLO Band. May media na rin na dumating para marahil i-cover ang ginagawa ng sikat na songwriter. Natitiyak din ni Dolphin na binayaran ni Connor ng malaki ang airport para hayaan ang binata na ipasok ang gano'ng kalaking truck sa driveway.
Kumanta si Connor. Sa lyrics pa lang ay halatang original song iyon, at halatang para lang sa kanya iyon. Si Shark ang humahataw sa drums, si Riley at Bread naman ang sa electric guitar.
"Marry me, Dolphin... I can't seem to find the right words to ask you this... I wanna do give you all the most beautiful words, to become so poetic that every girl will envy you... But as I think of this day I ask for your hand in marriage, I can't seem to think straight... My heart skips a beat or two... I can't stop smiling, 'can't stop thinking... Will you say 'yes'? How long will you pause? Please, baby love... Say you'll have me... Forever and ever..." nakangiting kanta ni Connor. Pagkatapos ay lumuhod ang binata at nilabas ang kaheta mula sa bulsa ng pantalon. Tumigil ang pagtugtog at naging tahimik ang lahat. "Baby love, I love you."
Napahikbi si Dolphin. "I love you, too, baby love."
"Then, will you marry me, Dolphin Antonette Sylvestre?"
Sa totoo lang, nilalamon ng konsensiya si Dolphin ng mga sandaling iyon. Kung anu-anong dahilan ang ibinigay niya kay Haru noon nang tanggihan niya ang alok na kasal ng dating boyfriend. Pero sa pagluhod ni Connor sa kanyang harapan ngayon, napagtanto niya na iisa lang ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag magpakasal kay Haru.
Si Connor lang ang gustong makasama ni Dolphin habambuhay, simula noon hanggang ngayon.
Sa pagtanggap ni Dolphin sa katotohanang iyon, bumulong ng kapatawaran ang puso niya kay Haru. Alam niyang ang tanging magagawa na lang niya para sa binata ay ang maging masaya sa piling ni Connor, upang hindi masayang ang pagpaparaya ni Haru.
"Yes," maluha-luhang sabi ni Dolphin. "Yes, Connor! I will marry you!"
***
NAGULAT si Dolphin nang pagbukas niya ng kahetang ibinigay ni Haru sa kanya ay hindi niya nakita ang inaasahan niyang singsing. Sa halip ay isang nakatiklop na sulat ang kanyang nakita. Binasa niya iyon.
At habang binabasa ni Dolphin ang sulat, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak, magpasalamat at magdasal na sana balang-araw, matagpuan na rin ni Haru ang babaeng magmamahal dito habambuhay, gaya ng sinabi nito sa sulat...
Dolphin,
I know you are surprised. After all, I did ask you to think about whether you will follow me or not. But I don't want to make your life difficult. So I chose for you. And I am choosing Connor for you. I'm not a masochist, just a man who wants the woman he loves to be happy.
Dolphin, you are also my answered prayer. You became my stregnth, and you helped me become complete again. For that, thank you. And also for that, I forgive you. You don't have to follow me to ask for my forgiveness because I can never hate you.
This is not easy. I don't want to give up on you. But I will hate myself if you shed a tear because of my selfishness. So here I am. Letting you go. You once said that there are things that you just can't give up on, even if the whole world forced you to.
But I beg to disagree. Because I realized that there are things in life that you have to give up, not for yourself but for the person you care about most. That is what I'm doing now – giving up on you not because the whole world forced me, but because this is the right thing to do.
Don't worry about me, though. Who knows? Maybe in time, I'll meet the woman who won't give up on me, even if my heart still belongs to you.
Love,
Haru
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...