Chapter 35

5K 186 25
                                    


PUMASOK si Dolphin kasama si Haru sa establisyimentong pakay niya ng araw na iyon– ang binebentang space na balak niyang pagtayuan ng kanyang bakeshop. Balak iyong bilhin ni Dolphin. Dahil positibo ang natanggap ni Dolphin na mga feedback tungkol sa pastries niya, at nagkaroon na rin siya ng order through online, naisip niyang kakayanin na niyang magtayo ng sariling negosyo.

Naroon na ang ahente na nag-e-endorse ng establishment at ipinaliwanag ng matanda ang lahat ng tungkol sa property. Pagkatapos maglibot ay binigyan sila Dolphin at Haru ng ahente ng oras para makapag-usap.

"The place is small, but I like it," sabi ni Haru. "Tama ka nga nang sabihin mong magugustuhan ko rin ito."

Napangiti si Dolphin, masaya sa komento ni Haru. "I told you. Gusto ko rin ang mga shop na katabi nito."

"Kaya nga bilhin na natin."

Hinawakan ni Dolphin ang kamay ni Haru. "Haru, kaya ko naman bilhin ang property na 'to gamit ang pera ko lang."

Nag-isip si Haru, saka bumuntong-hininga. "Kung ako lang, ayoko talaga na pagastusin ka kahit isang kusing. Because for me, what's mine is already yours."

"Haru," saway ni Dolphin dito. Alam niya ang plano ni Haru– ang ipakita sa kanya ang benefits kapag kasal na sila.

Itinaas ni Haru ang mga kamay, tanda ng pagsuko. "I know. Negosyo mo 'to kaya hindi kita pakikialaman. But baby, mag-i-invest ako sa bakeshop mo para magkasosyo na tayo."

Natawa si Dolphin. "Invest agad, ha? Parang ang laki naman ng bakeshop ko. Natatakot ka lang yata na maka-kompetensiya ko ang Harury's Sweets, eh," biro niya.

Natawa rin si Haru. "'Sabi ko naman kasi sa'yo, magkatuwang na lang nating patakbuhin ang negosyo ng pamilya namin."

Pinandilatan ni Dolphin si Haru. Gusto sana niyang sabihin sa binata na hindi iyon maaari dahil hindi pa naman sila kasal, pero ayaw niyang saktan ang damdamin nito.

Natatawang itinaas ni Haru ang mga kamay, tanda ng pagsuko. "Pero dahil nga ginagalang ko ang desisyon mo, susuportahan kita sa pangarap mo kahit magiging competition ka ng bakeshop ko."

Niyakap ni Dolphin si Haru, nawala na ang kanyang inis dahil sa paulit-ulit nitong hindi direktang pagtalakay sa kanilang pagpapakasal. Napalitan iyon ng pagka-touch. She was so happy that he was so supportive. "Thank you, Haru."

Gumanti ng yakap si Haru. "Ang sarap naman ng yakap ng baby ko. Puwedeng pa-kiss naman?"

Natawa si Dolphin, saka kumalas sa pagkakayakap ni Haru. Nakangiting tumingala siya sa boyfriend na hindi itinatago sa mukha ang kagustuhang halikan siya. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata bilang pagsang-ayon, nang mahagip niya ng tingin ang figure sa gilid ng pinto na para bang kanina pa sila pinapanood.

Connor...

Nagtaka siguro si Haru nang nawala sa binata ang atensiyon ni Dolphin, kaya sinundan nito ng tingin ang kanyang tinitingnan. Pumihit si Haru paharap at mabilis na ipinalupot ang braso sa kanyang baywang. Gayunman, hindi pagbabanta ang gesture ng kanyang boyfriend. Natural iyon dito, at sa ganda ng ngiti ni Haru, mahahalata na wala itong galit o selos kay Connor.

"Connor, long time no see," masayang bati ni Haru kay Connor, wala sa boses ang kaplastikan o sarkasmo. "I heard you're a very famous singer now. Pa-autograph naman."

Pagkatapos ng ilang saglit na parang pagkatulala at pagkagulat, ngumiti si Connor. Subalit halatang pilit iyon. "Maybe next time, Haru. I'm kinda busy today. Napadaan lang ako, to check this establishment. Akala ko kasi, ibang tao na ang nakabili."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon