"YOU HAVE an appointment, Connor," imporma kay Connor ng manager na si Yuanne habang naglalakad sila sa lobby ng condominium building na tinitirhan niya.
Napahawak si Connor sa kanyang sentido. It had been a rough day at kung kailan naman inaakala niyang makakapagpahinga na siya, saka naman sasabihin ni Yuanne na may appointment pa siya ng gabing iyon. "Hindi ba puwedeng ipagpabukas 'yan?"
"Full na ang schedule mo para sa buong linggo, Connor. Quick notice lang ang appointment na ito, pero isiningit ko na dahil ang sabi mo, gusto mo rin siyang makausap."
"Sino ba 'yan?" iritadong tanong ni Connor. Sa dami ng taong nakaka-meeting niya araw-araw, nakakalimutan na niya minsan ang mga appointment niya.
Saglit na sinilip ni Yuanne ang hawak na organizer bago sumagot. "Haru Villacencio."
"Fuck," pabulong na mura ni Connor nang makita si Haru na prenteng nakaupo sa waiting lounge sa may reception area. Naalala niyang tinawagan siya ni Haru– malamang ay pinagtanong nito sa common friends nila ang kanyang number– at nakipagkita ito sa kanya. Pumayag siya dahil gusto rin niyang malaman ang kailangan nito sa kanya.
Ngumiti si Haru nang makita siya, saka itinaas ang kanang kamay. "Hey."
Napabuntong-hininga si Connor, saka inutusan si Yuanne na iwan na siya. Tumalima naman agad ang babae.
"I'll get you something to drink," walang ganang sabi ni Connor mayamaya.
"Nah, no need," tanggi naman ni Haru. "Hindi naman ako magtatagal."
Pumihit paharap si Connor kay Haru, pigil ang iritasyon. Alam naman niyang wala siyang karapatang magalit dito pero hindi niya mapigilan. "Are you here to warn me to stay away from Dolphin?"
Namulsa si Haru, nakangisi pero mapanganib ang galit sa mga mata. "Nah, I'm just here to sympathize with you."
Naikuyom ni Connor ang mga kamay sa labis na iritasyon. "What?"
Nanatiling cool ang itsura ni Haru. "Naaawa na kasi ako sa'yo, pare. Nagmumukha ka nang tanga kakahabol kay Dolphin at dahil sobrang bait ng girlfriend ko, wala siyang magawa kundi pakisamahan ka. But you know what? You're being a burden already."
Hindi na napigilan ni Connor ang paghablot sa kuwelyo ni Haru sa labis na galit. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Haru?"
Ngumiti lang si Haru, saka kalmadong pinagpag ang suot na coat ni Connor. "Relax, Connor. Gusto lang kitang i-invite sa birthday party ko mamaya."
Pabalang na binitawan ni Connor ang kuwelyo ni Haru, malalim pa rin ang kunot ng kanyang noo. "Naghahamon ka ba talaga ng away, Haru?"
Nagkibit-balikat si Haru. "Ayoko rin naman 'tong ginagawa ko. Pero hindi ako naghahamon ng away, Connor. Iniimbitahan lang kita sa party ko para makita mo kaming magkasama ni Dolphin. Para makita mo kung gaano siya kasaya sa'kin. Baka sakaling matauhan ka na."
Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Haru.
***
"YOU STUPID bastard."
Umungol si Connor nang makita si Riley. "Good morning to you, too, brother."
Nang bumangon si Connor, saka lang niya naintindihan kung bakit mukhang gusto na siyang sipain ng kanyang kapatid ng mga sandaling iyon.
Mukhang nakatulog si Connor sa sahig sa sala. Nagkalat ang mga bote ng alak sa center table, at ang iba ay nasa carpeted floor. May kalat din ng pinagkainang pizza, at may bahid din ng hot cause ang throw pillows sa sofa. His house was a mess.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...