"SAAN ba tayo pupunta, Ri? Baka hinahanap na tayo ni Mommy," nag-aalalang sabi ni Connor kay Riley na nanatili lang kalmado habang nagmamaneho.
Alam naman niyang binabantayan ni Daddy Matthew ang kanilang ina, pero gusto niyang nasa tabi siya ng kanyang mommy lalo't bukas ay ooperahan na ito. The success rate of the operation wasn't that good, so he wanted to stay by his mother's side as much as possible.
Dahil sa pangyayari sa kanyang mommy, napansin ni Connor na naging maayos na uli ang pakikitungo ni Daddy Matthew sa kanya, na tila ba handa na ang matanda na kalimutan ang nangyari sa kanilang nakaraan. Naroon pa rin ang ilangan sa umpisa, pero unti-unti nang bumabalik ang magandang samahan nila ng stepfather. Marahil ay pareho nilang ginagawa iyon para sa kanyang ina.
"Sandali lang tayo sa airport," sagot ni Riley.
Kumunot ang noo ni Connor. "Airport? Ano'ng gagawin natin sa airport?"
"Susunduin si Madison."
Sinipa si Connor ng kanyang konsensiya. Nakalimutan niya na noong isang buwan pa sinabi sa kanya ni Madison ang pagbabalik nito sa Pilipinas, pero nakalimutan niya iyon dahil busy siya... lalo't nand'yan na uli si Dolphin. "Mabuti naman pala at aabot siya bago maoperahan si Mommy."
Tumango si Riley. "Kausap ko siya no'ng isang araw. Iyak ng iyak ng malaman ang nangyari kay Mommy. Mabuti na lang talaga at schedule na talaga ng uwi niya dahil mahihirapan siyang makauwi agad kung nagkataon."
Hindi na nagkomento si Connor. Alam niyang may sasabihin pa si Riley at hindi nga siya nagkamali.
"Iyong eskandalo sa inyo ni Madison dahil sa pagtira niyo sa iisang bubong noong papasikat ka pa lang, madaling namatay sa tulong ng recording company na may hawak sa'yo. Nabayaran nila ang press para hindi kumalat ang balita at hindi makasira sa papausbong mong career," pag-uumpisa ni Riley. "Nanahimik din kaming mga malalapit sa'yo. Pero hindi mo iyon matatago kay Dolphin habambuhay."
Nanlamig ang katawan ni Connor. Iyon din naman ang ipinag-aalala niya. Alam niyang wala siyang dapat ikatakot dahil wala silang ginawang masama noon ni Madison, pero hindi niya alam kung paano iyon ipagtatapat kay Dolphin.
"Naobserbahan ko kayo ni Dolphin noong nasa ospital tayo," pagpapatuloy ni Riley. "Mukhang okay na kayo, kumpara noon. Alam kong hindi ko na kailangang ipaalala sa'yo ang magiging consequence kung magkakabalikan nga kayo ni Dolphin, pero gusto ko pa rin na mag-ingat ka sa pagdedesisyon. Marami kayong masasaktan."
Tumango si Connor. "Alam ko, Ri. Pero naramdaman kong mahal pa rin ako ni Dolphin. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito para mabawi siya."
"Connor, siguro nga mahal ka rin ni Dolphin. Pero tandaan mo, natatakpan ng galit at sakit ang pagmamahal. Sometimes, anger can outpower love. Kaya kung magsisimula kayo uli ni Dolphin, mabuti pang sabihin mo na sa kanya ang lahat – ang totoong nangyari sa inyo ni Madison at ang dahilan kung bakit hindi ka nakarating sa airport five years ago."
Gulat na nilingon ni Connor si Riley. "Alam mo ang lahat ng iyon?"
Bumuntong-hininga si Riley. "Aminado ako na napabayaan ko ang pamilya natin dahil noong mga panahong iyon, comatosed si Crayon at sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Pero may alam pa rin naman ako sa mga nangyayari. Nanahimik lang ako dahil may tiwala ako sa'yo, Connor. Na alam mo kung anong ginagawa mo."
Hindi na sumagot si Connor nang matanaw na niya ang airport. Isa pa, hindi niya alam kung ano'ng sasabihin kay Riley.
Naghintay sila ni Riley sa arrival area ng NAIA. Mayamaya lang, nakita na niya ang paglabas ng isang matangkad at magandang babae na may suot ng shades. Madison has become more beautiful, and he must say, sexier than she was five years ago.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...