Important Note: Hi, guys. I-pa-private ko na ang Chapter 44 hanggang sa ending, ha? Hehe malapit nang matapos ang story. Sa mga followers ko na, no problem. Magiging visible agad sa inyo ang remaining chapters. Sa mga hindi pa, just follow me. 'Tapos refresh the page. If it doesn't work, i-remove niyo muna ang He May Fall For Her sa library niyo, then add niyo uli. Thank you sa mga comment niyo. Mas nakakaganang mag-update dahil sa inyo. Salamat sa pagsubaybay sa story nina Connor, Dolphin, at Haru. Malapit na tayong mag-goodbye sa kanila.
Again, ito ang Book 4 ng HELLO Band series. May story din ang ibang characters dito. Nasa reading list ko sila so please check my profile na lang.
Book 1: A Playboy May Cry (Shark and Antenna)
Book 2: A Robot May Blush (Bread and Peanut)
Book 3: A Rocker May Get Tongue-tied (Riley and Crayon)
Meron din pala akong ginawang story noon about sa mga anak nila. HELLO BAND JUNIOR ang title. Teens na ang mga anak nila at may mga love life na rin. Nandito 'yon noon sa Wattpad pero tinanggal ko. Gusto niyo ba silang mabasa? Comment lang kayo if you want to read their children's story. Hehe.
***
"DOLPHIN, it's late. Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Haru. Nag-aalala na 'yong tao sa'yo."
Dumako ang malamig na tingin ni Dolphin kay Shark nang salubungin siya ng kapatid pagdating niya ng bahay. "Kuya, ano'ng sinabi mo kay Connor para hindi niya ko pigilan umalis five years ago?"
Halatang nagulat si Shark sa tanong ni Dolphin, pero nang makabawi ay naging seryoso ang kapatid.
"Daddy Shark?" nag-aalalang tawag ni Antenna sa asawa.
Nilingon ni Shark si Antenna. "Mommy Antenna, umakyat muna kayo ni Baby Koi sa kuwarto. Mag-uusap lang kami ni Dolphin."
Nag-aalangan man, tumango si Antenna. Humalik sa pisngi ng kapatid niya ang asawa, pagkatapos ay pumanhik na sa ikalawang palapag ng bahay. Pag-alis ng mag-ina ay hinarap siya ni Shark.
"Dolphin–"
"Alam ko na ang lahat, Kuya," umiiyak nang sabi ni Dolphin. "Sinabi na sa'kin ni Madison na five years ago, pipigilan dapat ako ni Connor sa pag-alis gaya ng usapan namin. Pero ayon kay Madison, matapos mong kausapin si Connor, nagbago na ang isip niya..."
Gumuhit ang guilt sa mukha ni Shark. "I'm sorry, Dolphin. Ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko makakabuti sa'yo five years ago..."
"Makakabuti sa'kin?" sarkastikong tanong ni Dolphin. "Makakabuti ba sa'kin na ilayo mo sa'kin ang lalaking minahal ko ng sobra? I almost died inside then because I thought he abandoned me. I'm begging you, Kuya... tell me what happened five years ago."
Tumigas ang anyo ng mukha ni Shark, pero naging malamlam bigla ang mga mata nang mapaiyak na siya. "I asked Connor to give you a year bago siya magpakita sa'yo. Dahil natatakot ako sa sobrang pagmamahal mo para sa kanya. I know sooner or later, he will break you once again. At iyon ang kinatatakutan kong mangyari. Pumayag naman siya, dahil alam niyang iyon din ang mas makakabuti para sa'yo."
"Pero bakit hindi niyo sinabi sa'kin ang naging kasunduan niyo?" naghihinanakit na tanong ni Dolphin sa kapatid.
Matagal bago muling nagsalita si Shark. Sa pagkakataong iyon, hindi na makatingin sa kanya ang kapatid. "I promised Connor na ipapaliwanag ko sa'yo ang naging kasunduan namin. Pero dahil galit ako kay Connor nang mga sandaling iyon, sumira ako sa usapan namin. Hinayaan kitang maniwala na iniwan ka niya. Para magalit ka sa kanya. Para kalimutan mo na siya."
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...