Chapter 22

5.2K 166 7
                                    

Manhattan, New York

TUMINGALA si Dolphin establisyimento. Mrs. Pâtissière. Sa loob ng limang taon na pananatili niya sa Manhattan, naging napakalaking bahagi ng buhay niya ang Mrs. Pâtissière – ang bakeshop na pinapatakbo ng kanyang Tita Mami.

Kumuha siya ng kursong Baking sa AIB International School of Baking sa Kansas. Pagkatapos ay tumulong na siya sa pagpapatakbo ng kanyang Tita Mami sa Mrs. Pâtissière. Sa nakaraang tatlong taon ay naging assistant siya ng head pastry chef ng bakeshop.

Ngayong taon ay aalis na ang head pastry chef ng Mrs. Pâtissière, si Mr. Laquerre, dahil babalik na ito sa bansang pinanggalingan nito – sa France. Siya na sana ang hahalili sa posisyon nito, pero may nangyaring hindi niya inaasahan.

Pagpasok niya sa loob ng Mrs. Pâtissière ay naabutan niya ang mga tauhan nila na nag-aayos na ng mga mesa. Maaga pa, kaya wala pang mga customer. Pagkatapos batiin ang kanilang mga tauhan ay dumiretso siya sa kanyang paboritong mesa sa loob ng bakeshop.

Actually, it was their favorite spot. It was a table for two, right beside the window where they can watch the busy street. Hindi niya alam kung bakit pero pareho silang mahilig ng kanyang nobyo na panuorin ang mga nagmamadaling tao sa labas ng shop, kaya nila iyon naging paboritong puwesto. Watching busy people walking fast while she and her boyfriend were enjoying a cup of coffee and a bite of their favorite pastry was a fascination to them.

Napangiti si Dolphin na bukod sa pagkaaliw sa panonood sa mga taong parating nagmamadali, paborito rin nila ng kanyang nobyo na panuorin ang pagpatak ng niyebe mula sa labas ng Mrs. Pâtissière tuwing winter.

Pero unti-unti ring nawala ang kanyang ngiti nang marinig niya sa kanyang isipin ang naging huling pag-uusap nila ng kanyang boyfriend.

"Dolphin, you said before that I was your answered prayer," nakangiting tanong ng kanyang nobyo. May kakaibang kislap sa mga mata nito ng mga sandaling iyon.

Natawa si Dolphin, naalala kasi niya no'ng panahong napakalungkot niya. Dumating ang kanyang nobyo at hindi lang siya nito pinasaya. Pinasigla pa nito ang kanyang buhay. "Yes, you were my answered prayer. When I kept asking God to take away my heartache, you came into my life and before I knew it, I was happy again."

Hinawakan ng kanyang nobyo ang kanyang kamay, dinala iyon malapit sa bibig nito, at masuyo iyong hinalikan. "Dolphin, will you answer my prayer this time?"

A thoughtful smile crossed her lips. Sa dalawang taong relasyon nila, bihira lang ito humingi ng pabor sa kanya. "Okay. Tell me what your prayer is."

Nawala ang kapilyuhan sa ngiti ng kanyang nobyo, pero nanatili ang pagmamahal at sinseredad sa mga mata nito. "Dolphin Antonette Sylvestre, will you marry me?"

Namalayan na lang ni Dolphin na umiiyak na pala siya nang pumatak ang kanyang mga luha sa mesa. Ang mga luha na iyon ay para sa susunod niyang gagawin: dinukot niya ang kaheta ng singsing sa kanyang handbag at ipinatong iyon sa mesa. She also left a note on it.

I'm sorry, I cannot marry you.

– Dolphin

Lalong naiyak si Dolphin, pero kailangan niya iyong gawin dahil kahit mahal niya ang kanyang nobyo, alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya handang magpakasal.

Pinagtitinginan na siya ng mga tauhan ng Mrs. Pâtissière, kaya yumuko siya at sinuot ang kanyang shades. Sa paglabas niya ng bakeshop ay sinagot niya ang tawag ni Shark.

"Hey, sis. How are you?" masiglang bati ni Shark.

Kahit paano ay gumaang ang pakiramdam niya nang marinig ang boses ng kanyang kapatid. Ngayon niya naramdaman ang sobrang pagka-miss dito. "Kuya, I miss you."

"I miss you, too, Dolphin. Skype tayo mamaya?"

Umiling siya. "No need, Kuya. I'm going back to the Philippines."

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon