Chapter 45

4.5K 146 7
                                    

SINADYA ni Dolphin si Connor sa Empire University kung saan nagaganap ang huling araw ng shooting para sa music video ng binata. Tinawagan niya si Yuanne kagabi, at nakiusap sa manager ni Connor ang schedule ng lalaki.

Hindi alam ni Dolphin ang eksaktong dahilan kung bakit naroon siya, pero gusto niyang makatiyak na tama ang magiging desisyon niya – ang pagbabalik sa Manhattan kasama si Haru. Pabalik sa dati niyang buhay. Nakakalungkot, pero kailangan niya munang ihinto ang pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas. Siguro ay dapat na lang niyang tanggapin ang alok ng kanyang Tita Mami na humalili sa mababakanteng posisyon ng head pastry chef ng Mrs. Pâtissière. Nakasanayan na rin naman niya ang buhay sa Amerika.

"I never believed in a higher deity before, but I found myself asking for a miracle..." pagkanta ni Connor, puno ng kalungkutan ang mukha at boses. "Ever since you left, I learned to believe in impossible dreams... But if my prayer of being together with you again remains unanswered, then wait for me and I will crawl back to you... Because whatever it takes, whatever it turns me into, there's only one wish that I will die for to make it come true... And that is to hear you say "I love you, too" the moment I confess that I am still in love with you..."

Nakatingin kay Dolphin si Connor, pero sa pagkakataong iyon ay hindi lumapit sa kanya ang binata gaya nang ginawa nito noong unang beses niyang pinanood ang pagkanta nito. Wala ngang naging reaksyon ang lalaki nang makita siya kanina.

Nang mag-break ay lumapit agad kay Dolphin kay Connor. Pero nanatili lang silang tahimik habang magkatabing nakatayo, at nakapatong ang mga braso sa handrail ng stone bridge. Pareho silang nakatanaw sa napakagandang flowerbed, walang pakialam kung panaka-naka man silang pinagtitingnan at pinagbubulungan ng mga tao.

"What brought you here, Dolphin?" pormal na tanong ni Connor.

"Para sa'kin ba ang kantang Crawl Back To You?" balik-tanong ni Dolphin.

Connor smiled sadly. "Alam ng lahat 'yon."

"But you're crawling back to Madison instead." Pilit itinago ni Dolphin ang hinanakit sa kanyang boses, pero mukhang hindi siya nagtagumpay.

Matagal bago muling nagsalita si Connor, pero nang sumagot ay malamig naman ang boses. "Alam mo na pala ang tungkol sa pag-alis namin ni Madison. Gusto kasi nina Mommy at Daddy na magkasama-sama kami, to make up for the lost five years that we were apart."

Tumango-tango si Dolphin, pilit na nagpapakatatag kahit gustung-gusto na niyang umiyak sa harap ni Connor at magmakaawang huwag itong umalis. But that would be hyporcrite of her when she was just about to leave the country with Haru. "We will be miles apart from each other then. Again."

Nilingon siya ni Connor, bakas ang gulat sa mukha. "What do you mean?"

"Babalik na kami ni Haru sa Manhattan."

Kumunot ang noo ni Connor, mukhang galit. "He asked you to come back to Manhattan, didn't he?"

"What does it matter to you?" malamig na tanong ni Dolphin.

"How about your dream of putting up your own pastry shop here? Hindi ba't sinimulan mo na nga iyon?"

Nagkibit-balikat si Dolphin. Mahirap din para sa kanya iyon, pero ayaw na niyang isipan pa iyon. "I have Mrs. Pâtissière."

Bumuga ng hangin si Connor. "Fine. Kung 'yan ang gusto mo... niyo ni Haru."

Tumango-tango lang si Dolphin. "Iiwan mo na ba ang music industry?"

"Tapos ko na ang kontrata ko sa High Notes. Pag-iisipan ko pa kung mag-re-renew ako sa kanila. Then, I took an indefinite leave," pormal pa rin na sagot ni Connor.

Hindi na kaya ni Dolphin ang malamig na hangin sa pagitan nila ni Connor. Sinuot niya ang kanyang shades. "I have to go. Dumaan lang ako para magpaalam."

Tumango si Connor. "Mag-iingat ka. Be happy now, Dolphin."

Pinigilan niya ang mapaiyak. "Ikaw din. Sa wakas, malaya na kayo ni Madison."

Mabilis na naglakad palayo si Dolphin. Pero pagsakay na pagsakay niya sa passenger's seat ay bumuhos agad ang lahat ng luhang pinipigil niya kanina. Para siyang bata kung ngumawa.

Bumuga si Shark, saka pinaandar ang sasakyan. "I told you you didn't have to say goodbye to Connor."

Umiyak lang si Dolphin. Nagpahatid siya kay Shark kanina dahil wala siya sa huwisyo para magmaneho. Walang magawa ang kapatid niya para pigilan siya dahil alam nitong malaki ang kasalanan sa kanya at kailangan nitong bumawi.

Humugot ng tissue si Dolphin sa tissue box, saka suminga ro'n. "I don't want to leave without saying goodbye to Connor..."

Napailing si Shark. "You never listened to me, Dolphin. Hanggang ngayon, iniiyakan mo pa rin si Connor..."

Nilingon niya ang kapatid. "Bakit mukhang kalmado ka? Noon, galit na galit ka mabanggit ko lang si Connor."

Matagal bago sumagot si Shark. "Suko na ko sa katigasan ng ulo mo, Dolphin. Limang taon kitang pinrotektahan mula kay Connor, pero inilapit mo pa rin ang sarili mo sa kanya. At natuto na ko sa naging pagkakamali ko. Kung hindi mo ko napatawad dahil sa nagawa ko, baka sinaktan ko na ang sarili ko."

"Kuya," saway ni Dolphin dito. Kahit ano pa ang nagawa ni Shark noon, napatawad na niya ito dahil alam niyang concern lang ito sa kanya dahil magkapatid sila.

"I failed to see this before... pero sa tuwing iniiyakan mo si Connor, wala akong makitang galit sa mga mata mo. You always cry for him, but the love you have for him is still visible in your eyes..." Bumuntong-hininga si Shark. "Inaamin ko na ang pagkatalo. Kung si Connor ang mahal mo, hindi na kita pipigilan. Pero sana, kausapin mo muna si Haru. Haru is a good guy, Dolphin. He doesn't deserve this."

Umiling-iling si Dolphin. "Hindi na kailangan, Kuya. Connor and I already made a choice. I chose Haru. And he chose Madison."

Matagal bago muling nagsalita si Shark. "Are you happy with your decision?"

Umiyak lang ng umiyak si Dolphin. Gaya ng sinabi noon ni Connor, hinding-hindi magiging okay ang kahit ano kapag hindi mo nakasama ang taong mahal mo. At mukhang totoo nga iyon.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon