Chapter 31

4.9K 157 6
                                    

HINDI makapaniwala si Dolphin na pinaghandaan ni Connor ng gano'n ang araw na iyon. Nagrenta ng bus ang binata para sa free concert nito na masasaksihan ng mga bumili ng kanyang cupcake! Walang direksyon ang pupuntahan nila, basta pagkatapos ng isang oras ay babalik ang bus kung saan sila nagbebenta ng cupcakes kanina.

Mabilis na naubos ang one hundred fifty cupcakes ni Dolphin sa tulong ni Connor na nagkakakanta at nag-salestalk sa kanyang tabi. Pero nasa kalahati lamang ng bus ang napuno dahil kung hindi may trabaho ay may pasok sa eskwelahan ang iba sa kanilang mga napagbentahan. Para sa kanya na walang trabaho, at para kay Connor na hindi magulo parati ang schedule, nawaglit sa isip nila na Biyernes ng araw na iyon at karamihan ng tao ay may pasok.

Karamihan sa mga sumama sa "bus concert" ni Connor ay mga kabataang walang magawa, housewives na nagpapahinga kasama ang mga anak, at matatanda na nilibre pa ng binata ng tsa kanina.

Nakaupo si Dolphin sa katapat na pandalawahang upuan ni Connor na tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Hindi alam ng dalaga ang mararamdaman. Sikat na mang-aawit si Connor at sigurado siyang may talent fee ang bawat pag-awit nito. Pero malakas ang pakiramdam niya na hindi siya sisingilin ng binata.

Connor was singing for an audience for free... for Dolphin. Hindi siya assuming, pero ramdam niya na ang lahat ng ginagawa ng binata ay para sa kanya. Lalo na sa tinging ibinibigay ni Connor sa kanya – tingin na may kalakip na pagmamahal.

"Kuya, sigurado ka bang hindi ka si Connor?" pangungulit ng isang dalaga. "Idol ko 'yon, eh. Pramis, magkaboses kayo! Saka puro kanta niya rin ang kinakanta mo, eh."

Ngumisi si Connor. Wala na ang gas mask na suot ng binata kanina pero may peke naman itong bigote ngayon, para marahil sa "disguise" nito. At muli, ginamit na naman nito ang peke nitong Batangueno accent. "Aba'y malaking karangalan na maging kaboses ng iyong idolo. Idol ko rin 'yong si Connor, eh. Mas guwapo nga lang ako sa lalaking 'yon."

Humagikgik ang babae. "Patawa ka, Kuya! Ang kinis kaya ng face ng Connor ko!"

Maka-"Connor ko" naman ikaw, hija. Baka masamid ka, nakasimangot na pasaring ni Dolphin sa babae, pero agad din niyang sinaway ang sarili. Sige, hija. Angkinin mo na pala si Connor. Wala nga pala akong pakialam kung sino man ang mahal niya.

Napabuntong-hininga si Dolphin. Nahiling niya na sana ay matapos na ang araw na iyon. Dahil iyon na rin ang oras ng pagtatapos ng usapan nila ni Connor. Ngayong natulungan na siya ng binata sa pangungumbinsi sa kanya na magtayo ng sariling pastry shop, lalayuan na siya nito.

Actually, hindi naman lalayuan. Babalik lang si Connor kung saan ito nakalugar ngayon – malayo sa kanyang buhay, nasa pinakadulong bahagi ng kanyang puso. At doon na lamang mananatili si Connor.

"Kuya, pa-request naman," sabi uli ng makulit na dalaga. "Gustung-gusto ko 'yong cover ni Connor ko sa 'Enchanted' na cover version din ng Owl City. Puwede iyon naman ang kantahin mo? Pretty please?"

Alam ni Dolphin kung bakit binigyan siya ni Connor ng makahulugang tingin, pero ibinaling lamang niya ang atensiyon sa labas ng bintana. Mayamaya, narinig na niya ang pagkanta ni Connor sa kantang iyon na minsang naging espesyal sa kanilang dalawa.

"There I was again tonight forcing laughter, faking smiles... Same old tired, lonely place... Walls of insincerity... Shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face... All I can say is it was enchanting to meet you..."

Napapikit si Dolphin. Tila ba bumabaon sa kanyang puso ang bawat salita sa kantang iyon. Parang pelikula rin na naglaro sa kanyang isipan ang mga ala-ala ni Dolphin kay Connor. Ang mga araw na naging masaya siya sa piling ng binata.

"This night is sparkling, don't you let it go... I'm wonderstruck, blushing all the way home... I'll spend forever wondering if you knew... I was enchanted to meet you too..." patuloy ni Connor sa pag-awit nito na puno ng emosyon.

Hindi rin alam ni Dolphin kung bakit noong unang beses pa lang na makita niya si Connor noong mga bata pa sila ay gustung-gusto na niya ito, at nagpatuloy iyon hanggang sa kanyang pagdadalaga. Maraming nagsasabi na obsessed daw siya kay Connor, pero kung ang kahulugan ng obsession ay ang labis-labis na pagmamahal niya para sa binata, tatanggapin niya.

Pero hindi naging hibang si Dolphin kay Connor nang dahil lang sa kanyang sariling damdamin. Tanggap naman niya na hindi siya seseryosohin ni Connor, pero hindi iyon naging hadlang para ipakita at iparamdam niya ang pagmamahal niya sa binata. Gayunman, naiintindihan niyang siya lang ang nagmamahal.

Pero ipinakita at ipinaramdam ni Connor sa kanya na mahal din siya nito, at iyon ang naging dahilan kung bakit lalong lumalim ang pagmamahal niya sa binata noon. All her life she has been praying for the day Connor would finally reciprocate her feelings. And it did happen. He had made her believe her dreams came true. Kaya ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal na mayroon siya sa kanilang relasyon.

Para lang matuklasan sa huli na kasinungalingan lang ang lahat.

Na si Dolphin ay ginamit lamang ni Connor para pagtakpan ang damdamin ng binata para sa stepsister nito.

Gumuhit ang napakasakit na latay sa puso ni Dolphin. Ibinaling na lamang niya ang kanyang atensiyon sa labas ng bintana. Nakikisabay yata ang makulimlim na panahon sa hinanakit na nanumbalik sa kanyang kalooban.

Like the gray sky above, Dolphin's world has become colorless after Connor broke her heart. She thought she has moved on, pero bakit bumabalik lahat ng sakit ngayon?

"This is me praying that this was the very first page... Not where the story line ends... My thoughts will echo your name until I see you again... These are the words I held back as I was leaving too soon... I was enchanted to meet you too... Please don't be in love with someone else... Please don't have somebody waiting on you..." patuloy ni Connor. Unti-unti nang pinapasok ng malamyos na tinig ng binata ang puso ni Dolphin.

Huwag kang magpaapekto, Dolphin, saway niya sa kanyang sarili. Isang pagkakamali lang, isang maliit na butas lang, mawawasak ka uli niya. Alalahanin mo kung gaano ka nasaktan noon. Kung paanong muntik mo nang ikamatay ang labis na sakit. You don't want to go through that again, do you? Puwera na lang kung gusto mo na talagang mamatay sa pagkakataong ito.

Naputol lamang ang pagmumuni-muni ni Dolphin nang maranig ang halos pabulong na pagkanta ni Connor sa mga sumunod na linya...

"I was never in love with someone else... I never had somebody waiting on me... 'Cause you were all of my dreams come true... And I just wish you knew... Dolphin, I am still in love with you..."

Gulat na nilingon ni Dolphin si Connor. Inaasahan niyang mag-iiwas ng tingin ang binata, subalit matapang na sinalubong ng mga mata nitong puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata na puno naman ng kalituhan.

Gusto sanang itanong ni Dolphin sa sarili kung tama ang pagkakarinig niya, subalit nasagot na iyon ng nangungusap na mga mata ni Connor – oo, mahal pa siya ng binata. Kung ang pagbabasehan ay ang nakikita niyang pagmamahal sa asul na mga mata nito.

Pero hindi ba't minsan nang nalunod si Dolphin sa pagmamahal na sa huli ay hindi naman pala totoo?

Tumayo si Dolphin nang huminto ang bus dahil sa traffic. "Sandali, Manong. Bababa ako."

Tumayo rin si Connor, halatang natataranta. "Dolphin."

Tinapunan ni Dolphin nang nagbabantang tingin si Connor. "Don't you dare follow me, Connor Mac Domingo."

Napasinghap ang mga tao sa bus saka sabay-sabay na napatingin kay Connor. Mayamaya, nagtilian ang mga tagahanga at pinagkaguluhan na ang sikat na singer.

Sinadya ni Dolphin na ibuko si Connor sa mga fans nito. At ngayong pinagkakaguluhan na si Connor ng mga tagahanga, hindi na siya nito nahabol.

Sira-ulo ka, Connor!

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon