Chapter 25

5.1K 156 0
                                    

CONNOR's blonde hair still look as shiny as it was years before, and though hidden by the dark sunglasses, Dolphin knew his deep ocean blue eyes remained the same.

"Dolphin?" Nabasa niya sa pagbuka ng bibig ni Connor.

Inalis ni Connor ang suot nitong sunglasses. At kitang-kita ni Dolphin ang panlalaki ng kulay dagat nitong mga mata.

"Dolphin!" Mas sigurado na ngayon ang pagbigkas ni Connor sa kanyang pangalan. Kung hindi siya nagkakamali, pagkasabik din ang nahimigan niya sa boses nito.

Pinilit ibalik ni Dolphin ang atensiyon sa pagbubukas ng pinto ng kanyang kotse. Pero ngayong nakita na niya si Connor, mas lalong ayaw makisama ng kanyang kamay. Gusto na niyang mapamura.

Kung kailan naipasok na ni Dolphin ang susi sa keyhole ng kanyang kotse, saka naman may mainit at malaking kamay na humawak sa kanyang kamay.

Akala ni Dolphin ay huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Ayaw niya, ayaw niya talagang lumingon dahil kilalang-kilala ng kanyang buong sistema kung sino ang nagmamay-ari sa kamay na nakahawak sa kanyang kamay, subalit tinraidor pa rin siya ng kanyang katawan.

Dolphin slowly turned to Connor. And she was surprised at how close he was. Napakalapit ng mukha nito sa kanya na tumatama na ang mainit at mabango nitong hininga sa kanyang mukha. At halos natutunaw na siya nito sa tingin na ibinibigay nito sa kanya. Tila ba minememorya nito ang bawat angulo ng kanyang mukha.

His deep ocean blue eyes were intently looking at her, as if he was conveying to her how much he had missed her.

"Dolphin..." halos pabulong na sabi ni Connor na tila ba hindi makapaniwalang kaharap na siya nito. "You're back."

Dahan-dahang pinakawalan ni Dolphin ang hininga na ngayon lang niya namalayang pinipigil pala niya. She gave Connor the best smile she could muster at the moment, despite the tightening of her chest. Dahan-dahan din niyang binawi rito ang kanyang kamay. "Hi, Connor. Yes, I just came back last week."

Gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Connor, na nagpakislap sa asul na asul nitong mga mata. "Akala ko hindi ka na babalik..." Umiling-iling ito. "No, no. I mean, I'm happy that you're back."

Tumabingi yata ang ngiti ni Dolphin. Hindi niya maintindihan kung bakit parang masayang-masaya si Connor na makita siya. "Ay, ako rin. I'm happy that I'm back."

Bahagyang kumunot ang noo ni Connor, pero hindi nawala ang ngiti nito. "You... you look really good, Dolphin."

Okay, iyon na ang limitasyon ni Dolphin. Connor getting happy by seeing her was one thing. Connor flirting with her was another. Gusto niyang ipaalala rito kung paano siya nito nasaktan noon, pero hindi niya iyon magawa habang nakatingin sa masiglang mukha ng binata.

Kaya ngumiti na lang uli si Dolphin at tinalikuran na si Connor.

"Dolphin –"

Natigilan sila pareho ni Connor nang may marinig silang tumili. Nalingunan nila ang dalawang dalagita na tila ba mahihimatay na habang nakatingin kay Connor.

"Si Connor Mac Domingo!" tila ng isang babae, saka patakbong lumapit kay Connor.

Sinamantala ni Dolphin ang pagpirma ni Connor sa papel na inabot dito ng dalawang dalagita. Mabilis siyang pumasok ng kanyang kotse. Nakita at narinig niyang kinatok ni Connor ang bintana sa gilid niya, pero hindi niya ito nilingon at pinaharurot niya ang kanyang sasakyan.

Habang palayo si Dolphin ay sinilip niya si Connor mula sa side mirror. Nakita niyang tinangka ni Connor na habulin siya, pero hinarang na ito ng mga fans nito marahil.

Napabuntong-hininga si Dolphin. Hindi niya akalain na isang linggo pa lang siya sa Pilipinas, nagtagpo muli ang landas nila ni Connor.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon