Chapter 23

5.1K 156 3
                                    

"KUYA, hindi mo kailangang mag-absent sa work para lang asikasuhin ako," natatawang sabi ni Dolphin nang makita na may dalang breakfast si Shark para sa kanya.

Kababalik lang ni Dolphin ng Pilipinas kagabi. Sinundo siya ni Shark at pinatuloy siya sa bahay nito, pero pagdating niya sa guest room ay nakatulog agad siya. Kaya ngayon, nagulat siya nang makitang dinalhan siya ng breakfast in bed ng kanyang kapatid kahit alas-nuebe na ng umaga. Hindi ito pumasok ng opisina para marahil asikasuhin siya.

"Nonsense," simpleng sagot ni Shark. Inilagay nito ang breakfast tray sa kanyang kama, saka umupo sa kanyang tabi. Ngumiti ito at pinisil ang kanyang pisngi. "Last year pa kita huling nakita nang bisitahin ka namin nina Dad for Christmas. Parang umumbok yata ang cheeks mo."

Lumabi si Dolphin saka pabirong tinapik ang kamay ni Shark na nangingialam sa kanyang mukha. "I just cut my hair short again kaya akala mo, umumbok ang cheeks ko."

Dolphin had given up her long hair ages ago. Simula nang tumapak siya ng Manhattan, pinagupitan na niya ang kanyang buhok. She has been sporting a shoulder-length hair ever since.

"Kuya, thank you for letting me stay here at your house," nakangiting sabi ni Dolphin sa kapatid. "Don't worry. Kapag nakabalik na sina Daddy at Mommy mula sa honeymoon nila, sa kanila na ko uuwi." Nagbakasyon kasi sa Europe ang kanilang mga magulang pero nang mabalitaan ng mga ito na umuwi na siya ng Pilipinas, nagsabi ang mga ito na uuwi na rin para makasama siya.

Ginulo ni Shark ang kanyang buhok. "Hey, it's fine, really. Puwede kang mag-stay dito hanggang kailan mo gusto. Antenna won't mind."

Ngumiti siya. "Sorry kung nakakaabala ako sa inyong mag-asawa."

Eksaheradong bumuntong-hininga si Shark. "Hay. Ayaw lang yata akong makasama ng kapatid ko, eh. Would you rather stay at some hotel?"

Natawa siya dahil sa pagtatampo ni Shark. Itinabi niya muna sa gilid ng kama ang breakfast table para mayakap niya ang kanyang kapatid. "I missed you, Kuya."

Masuyong tinapik-tapik siya ni Shark sa kanyang likod. "I missed you more, Dolphin. Gusto mo bang lumabas this weekend? Tamang-tama. Bread and Peanut are inviting us para sa second birthday ng panganay nila. I'm sure matutuwa silang makita ka uli."

"I would love to, Kuya," nakangiting sang-ayon ni Dolphin.

Tiningnan siya ni Shark na para bang pinag-aaralan siya. "Ito ang unang pagkakataon na bumalik ka ng Pilipinas pagkatapos ng limang taon. Sigurado ka bang okay ka na? Sa party na dadaluhan natin, he might also be invited."

Dolphin tried to block away the images of her past by shaking her head. Hangga't maaari, ayaw na niyang maalala ang masakit na pinagdaanan niya limang taon na ang nakakalipas. The time when she almost died because of too much heartache...

"Okay na ko, Kuya," Dolphin said with a brave smile. "Hindi na ko 'yong dating Dolphin, alam mo 'yan."

Ngumiti si Shark, tila ba masaya sa sinabi niya. "That's right. You're a different person now. So, when will he follow you here?" tanong nito na ang tinutukoy sa pagkakataong iyon ay ang kanyang nobyo. "I'm pretty sure na hindi siya makakatiis na mawala ka ng matagal."

Isang alanganing ngiti lang ang sinagot ni Dolphin kay Shark. Hindi pa niya nasasabi sa kapatid na may hindi pagkakaunawaan sila ng kanyang nobyo dahil ayaw niyang mag-alala si Shark. "He's busy, Kuya," simpleng sagot na lang niya.

Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Shark. "Oh. I thought magbabakasyon kayo dito ng magkasama."

Hindi alam ni Dolphin ang isasagot kaya ngumiti na lang siya.

Mabuti na lang at pumasok si Antenna sa kuwarto, karga-karga si baby Koi kaya nawala na sa kanya ang atensiyon ni Shark. Tumayo sila ng kanyang kapatid.

"Hey, bakit nandito lang kayo? Lonely tuloy si Baby Koi," nakangiting sabi ni Antenna.

Niyakap ni Shark si Antenna, saka hinalikan sa noo si baby Koi. "Gising na pala ang baby kong guwapo. Good morning, baby. Sleep ka na kagabi kaya hindi mo nakilala si Tita mo. Baby, she's your Tita Dolphin."

Impit na napatili si Dolphin nang bahagyang ngumiti si baby Koi. Magdadalawang buwan pa lamang ito, pero nakikita na niyang namana ng kanyang pamangkin ang pagiging masayahin ng ina nito. "Aww! Baby Koi, you're so cute! Puwede ko ba siyang kargahin, Ate Antenna?"

"Siyempre naman," nakangiting sabi ni Antenna, saka maingat na inilipat sa kanyang mga bisig si baby Koi. Maging si Shark ay umalalay, halatang ingat na ingat ang mag-asawa sa first baby ng mga ito.

Habang nakatingin si Dolphin kay baby Koi, bigla niyang naalala na minsan sa kanyang buhay, pinangarap din niyang magkaroon ng sarili pamilya kasama ang lalaking minahal niya halos buong buhay niya. But now, loving someone to the point that she wanted to spend the rest of her life with him seemed so scary to her.

Dolphin, after a terrible heartbreak, became someone who doesn't believe in forever.

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon