Chapter 48/EPILOGUE

7.4K 196 38
                                    

Author's Note: Hi. Ito ang introduction sa mga anak ng HELLO BAND members. Sana nabasa niyo na rin ang stories nila para hindi kayo malito kapag pinost ko na ang HELLO BAND JUNIOR bukas. I suggest na basahin niyo rin ang MY FAVORITE GIRL at A FABRICATED ROMANCE na parang naka-post dito sa Wattpad account ko.  Saka pala 'yong mga bida sa HOTNESS OVERLOAD TRILOGY na sadly ay hindi naka-post dito.'Yong mga anak kasi ng mga bida sa MFG at AFR eh magiging partner ng mga HELLO BAND JUNIOR boys. Hehe. Pakiabangan na lang bukas ang story ng mga bagets. :)

***

Many years later...

"I WANT to change my name," himutok ni Whale sa mga kaibigang sina Paint, Custard at Koi na tulad niya ay nagsipagsimangot din.

Anong klaseng pangalan ba naman kasi ang ibinigay sa kanila ng kani-kanilang magulang? He was named Whale Mac Domingo. Ang pinsan niya sa mother side, Koi Andrew Sylvestre ang pangalan. At ang kambal naman niyang pinsan sa father side, pinangalanang Paint Mac at Pastel Macy Domingo ng mga magulang. Pati ang mga anak ng isa pang best friend ng kanyang daddy, kakaiba rin ang mga pangalan – sina Custard at Muffin Wycoco.

Dahil magkakaibigan ang kani-kanilang magulang, lumaki rin silang magkakaibigan kahit pa magkakaiba ang kanilang mga edad. At dahil madalas silang magkakasama, madalas din silang maging tampulan ng tukso dahil sa kani-kanilang weirdong pangalan.

Pero aminado naman si Whale na silang mga lalaki lang masyadong apektado. Sina Pastel at Muffin, mukhang masaya naman sa kanya-kanyang pangalan. Well, wala rin namang naglalakas ng loob na tuksuhin ang dalawang babae dahil pinoprotektahan ni Whale at nina Paint, Custard at Koi ang dalawang rosas sa kanilang barkada.

"Gusto ko ring magpalit ng pangalan," iritadong sabi ni Paint. "Ewan ko ba kay Pastel kung bakit cute na cute pa ang babaeng iyon sa pangalan niya," anito na ang tinutukoy ay ang kakambal na babae.

Binalingan ni Whale ang kanyang Kuya Paint na siya ring pinakamatanda sa grupo. "Kuya, anong gagawin natin? I seriously want to change my name."

Natawa naman si Koi, saka inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "Why do have to change our names? Ang cool kaya, sing cool ng name ng parents natin." Itinaas nito ang mga kamay nang tapunan nina Whale at Paint ng masamang tingin. "Chillax, mga pinsan. Tingnan niyo 'tong si Custard, walang pakialam sa mundo."

Nagkibit-balikat si Custard. "As long as Pastel doesn't mind, I don't care even if I am named after Tasty."

Dahil sa sinabi ni Custard ay natawa ng malakas si Koi. Pigil naman ang ngiti ni Whale na ayaw magtraidor sa pinsang si Paint na binatukan si Custard na katulad ng madalas, walang reaksyon.

"Tantanan mo ang kakambal ko," banta ni Paint kay Custard. "Hindi pumapatol 'yon sa mas bata sa kanya."

Nanatiling blangko ang mukha ni Custard, manang-mana sa ama nitong minsang binansagang "robot".

Tumikhim si Whale para kuhanin ang atensiyon ng mga kaibigan. May iaanunsiyo pa siya. "Nagkasundo kami ni Daddy kagabi. Papayag siyang palitan natin ang mga pangalan natin legally, at kukumbinsihin niya rin ang parents niyo, sa isang kondisyon."

Napaungol si Paint. "Mukhang 'yan din ang sinabi ni Daddy sa'kin."

Tumango si Whale bilang pagsang-ayon sa pinsan. "Yes, Kuya." Binalingan niya sina Koi at Custard na mukhang hinihintay ang kanyang sasabihin kaya hindi na niya pinatagal. "Kung mananalo daw tayo sa talent contest sa Empire U na open sa lahat ng level ng high school, papayag na sila sa gusto nating pagpapalit ng pangalan. Lahat naman tayo ay nasa high school na, magkakaiba lang ng year, pero puwede tayong bumuo ng grupo."

"Ayoko talagang palitan ang pangalan ko, pero gusto ko 'yang ganyang mga talent show. Umaangat lalo ang kaguwapuhan at kadakilaan ko," tatawa-tawang sabi ni Koi. "Game ako d'yan. Pero ano naman ang gagawin nating apat?" Binalingan ni Koi si Custard, saka pumalataktak. "Hindi tayo puwedeng sumayaw. Matigas pa sa tuod ang katawan nitong si Custard."

Nagkibit-balikat lang si Custard. "But if Pastel asks me to dance, I will learn for her..."

"Oh, please! Stop fantasizing about my sister!" iritadong saway ni Paint kay Custard.

Bumuga ng hangin si Whale. Siya ang pinakabata sa grupo pero mukhang siya lang ang seryoso. "Guys, listen. May naisip na kong gagawin natin. Hindi tayo sasayaw dahil gaya ng sinabi ni Koi, parang tuod 'yang si Custard. But men, magaling maggitara 'yang tuod na 'yan."

Nagkibit-balikat si Custard. "Pastel loves boys who can play guita–"

"We already know you're in love with her so shut up!" sabay na sigaw nina Whale at Paint na ikinatawa ni Koi.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Custard, halatang nangti-trip lang ang mokong.

Umiling-iling si Whale, tinuro si Koi na tawa pa rin ng tawa. "Stop laughing, Koi. You'll be our drummer boy. Ako ang magiging bassist, but I can also play the keyboard. Si Custard ang lead guitarist. At siyempre, si Kuya Paint ang vocalist."

Namilog ang mga mata ni Koi. "Gagawa tayo ng banda?" Tumango lang si Whale. "Cool! Ano ang itatawag natin sa banda?"

Sumimangot si Whale, naalala ang isa pang kondisyon ng kanyang ama. "Gusto nila Daddy na ipangalan sa banda nila noon ang magiging banda natin."

Nagkatinginan silang apat, lahat pamilyar sa dating banda ng kani-kanilang ama.

"HELLO Band," sabay-sabay na sabi nina Whale, Paint, Koi at Custard.

"Junior," dagdag naman ni Whale. "HELLO Band Junior. Copyright na daw ng mga ama natin ang HELLO Band."

Natawa uli si Koi. Ito lang talaga ang masaya sa kanila. "Ang cool talaga nila Daddy noong panahon nila!"

"Whatever," bale-walang sabi ni Paint. "Mag-practice na tayo. Gusto ko nang magtunog-tao ang pangalan ko."

They joined the stupid talent contest at Empire U as HELLO Band Junior... only to lose not just in the competition, but also to the deal they had with their daddies. Habambuhay na yatang pagdudusahan ng magkakaibigan ang mga weirdo nilang pangalan.

"Ang cool kaya ng names natin," natatawang sabi ni Koi matapos nilang matalo.

"Shut up!" sabay na sigaw nina Whale at Paint.

Nagkibit-balikat si Custard. "As long as Pastel –"

"Just confess to her already!"

"Sige, sa susunod na batch."

Hello, HELLO Band Junior...

-WAKAS-


He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon