"CONNOR, are you listening?"
Binalingan ni Connor si Bread na nakatayo sa harapan niya. "Huh?"
Naroon sila ngayon sa hardin ng mansiyon ng bahay ng mga magulang niya kung saan nagaganap ang birthday party ni Madison. May catering service do'n, at make-shift stage para sa pagtugtog ng HELLO Band mamaya.
Bumuga ng hangin si Bread, halatang nairita sa kawalan niya ng atensiyon. "Hinihintay mo bang dumating si Dolphin?"
Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway. Sa lahat ng kaibigan niya, ang tatahi-tahimik na si Bread ang huli niyang inaasahang mag-uusisa sa buhay niya. "Pa'no mo naman nasabi 'yan?"
"Siya na lang naman kasi ang wala pa sa mga kaibigan ni Madison. And..."
"And what?" naiiritang tanong niya. Ayaw niyang binibitin siya.
Ikiniling ni Bread ang ulo nito bago ito sumagot. "I think you got fond of Dolphin after you two started going out. Hindi nakapagtatakang hindi ka mapakali ngayong wala siya rito."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Bread. "Bakit ba ang daldal mo ngayon, Bread?"
"Nakakatuwa ka kasing asarin."
Tinangka niyang pabirong suntukin si Bread pero nang makita niya ang seryosong mukha ni Shark habang nakatingin sa kanya ay natigilan siya. "Shark."
Lumapit sa kanila si Shark, pero sa kanya lang ito nakatingin. "Connor, did you and my sister–"
"Kuya Connor!"
Napalingon silang tatlo kay Madison. She looked so beautiful in her little pink dress. Dalagang-dalaga na itong tingnan.
Napangiti siya. "The birthday girl is here. Hey, Maddie."
Ngumiti si Madison, pagkatapos ay binalingan nito ang mga kaibigan niya. "Sorry kung na-interrupt ko ang kuwentuhan niyo."
Umiling si Shark. "No, it's okay. Makakapaghintay naman ang sasabihin ko kay Connor." Binalingan siya nito. "After all, we live under the same roof."
Tumango lang siya. Kung anuman ang sasabihin ni Connor sa kanya, mukhang importante iyon dahil sa ibinibigay na tingin nito sa kanya.
Nagpaalam na sina Shark at Bread sa kanila ni Madison.
"Kuya Connor," excited na simula ni Madison nang mapag-isa silang dalawa. "I got a very nice gift from Kuya Riley."
Napangiti siya dahil sa nakikita niyang kislap sa mga mata ni Madison. It had always been his duty to make her happy. Masaya siyang makitang malayo na ito sa malungkot na batang dinala ng mommy niya sa bahay nila noon. "Really? Ano'ng binigay ni Ri sa'yo?"
Ipinakita nito sa kanya ang suot nitong kuwintas. The necklace had a mini-Eiffel Tower as a pendant. May maliliit na diyamante iyon. "This."
"Wow. That looks nice and expensive," namamanghang sabi niya.
Namula ang mga pisngi nito. "Ang sabi ko nga kay Kuya Riley, hindi na siya dapat gumastos ng ganito kamahal."
Inakbayan niya ito. "Hey, don't worry about that. Galante si Ri ngayon dahil dalawa sa painting niya ang binili ng isang very generous client."
Ngumiti si Madison, halatang napanatag sa sinabi niya.
"Nasaan na nga pala si Riley?"
"Nasa loob. Kausap sina Mommy at Daddy," sagot ni Madison, pagkatapos ay inilahad nito sa kanya ang mga kamay nito. "Where's my gift?"
Lumuwang ang pagkakangiti niya. Madison looked cute whenever she acted spoiled. Dinukot niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang bracelet na regalo niya rito, saka iyon sinuot sa pulsuhan nito.
Madison brought her arm to her face and inspected the bracelet. Gumuhit ang paghanga sa mga mata nito. The bracelet had a white strap with the "infinity" symbol – which was made out of white gold – as a lock. Simple lamang iyon, pero naisip niyang babagay iyon dito dahil gaya niyon ay simpleng tao lang din ito.
Nangingislap pa rin ang mga mata ni Madison nang balingan siya. "Kuya Connor, this is so pretty. Thank you."
Niyakap siya ni Madison. Nagulat siya sa ginawa nito, at nag-aalangan man no'ng una, pinalupot niya rin ang mga braso niya sa baywang nito.
Muli ay hindi na naman niya maintindihan ang sarili niya. Hindi na niya kasi maramdaman ang parehong saya at pagkasabik na nararamdaman niya kapag yakap niya si Madison. He was happy, and the familiar warmth was still there. It was just that, that was all there was to it. It felt like having Madison in his arms this way wasn't that special anymore.
O mas tamang sabihing may hinahanap siya na hindi niya mahanap sa yakap na iyon. Kung ano man 'yon, hindi niya rin alam.
Siya na ang unang kumalas sa yakap ni Madison. Nang nagtatakang tumingala ito sa kanya ay nginitian niya ito. "Happy birthday, Maddie."
"Thank you, Kuya," nakangiting sagot nito.
"Nandito na ba ang lahat ng kaibigan mo?"
Tumango ito, pero bigla rin itong nalungkot. "Hindi makakapunta si Dolphin. Pero nagkita na kami kanina nang dalhin nila ni Haru dito sa bahay ang cake ko."
Nagulat siya. "Ha? Nandito si Dolphin kanina? Ano'ng oras?"
"Mga five PM siguro. Si Haru kasi ang pinagawa ko ng cake ko at mukhang tinulungan siya ni Dolphin. Nandito sila kanina para batiin ako dahil mamayang madaling araw, aalis na sila. Kaya hindi na sila nag-stay sa party para makapagpahinga na sila."
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan pupunta sina Dolphin at Haru?"
Tuluyan nang kumunot ang noo ni Madison. "Hindi mo alam, Kuya? Pupunta sila Dolphin at Haru sa La Union mamaya para sa charity work nila at mag-i-stay silang dalawa ro'n sa loob ng isang linggo, kasama ang ibang volunteers."
"What? Pero paano na ang school ni Dolphin?!"
"Foundation Week naman ng East Sun kaya okay lang na um-absent si Dolphin. Isa pa, MWF lang naman ang klase niya."
Mariing napapikit siya para kalmahin ang sarili niya.
Isang linggo si Dolphin sa malayong lugar kasama si Haru? Wala siyang pakialam kung para sa world peace ang charity work na iyon, pero hindi tamang magkasama ang mga ito!
"Kuya, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Madison.
Nagmulat siya ng mga mata. Kahit pa si Madison ang nasa harap niya, ang mukha ni Dolphin ang nakikita niya.
Alam niyang wala siyang karapatang makaramdam ng gano'n para kay Dolphin, pero hindi niya mapigilan. He cared for her. He missed her. He wanted to be with her again. Lahat ng iyon, nararamdaman lang niya at hindi pinag-iisipan.
"Maddie, as much as I want to stay in your party, I can't. Kailangan ko ng umalis."
Nagulat ito sa sinabi niya. "Bakit, Kuya? Ano'ng gagawin mo ng hatinggabi?"
Tinanggal niya ang suot niyang necktie. "Mag-e-empake."
Dumaan ang matinding pagkadismaya sa mukha ni Madison. "You're going to leave my birthday party for Dolphin?"
He smiled apologetically at her. "Sorry, sis."
Halatang nagulat si Madison sa itinawag niya rito. Maging siya ay nagulat sa kanyang sarili dahil iyon ang pagkakataong tinuring niya si Madison bilang kapatid lang. He wanted to stay with his stepsister so he could understand his sudden change of heart, but then Dolphin's face came into his mind.
BINABASA MO ANG
He May Fall For Her (Complete)
RomanceHELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unac...